Kamamatay lang ng ina ni Macey.Nagtatrabaho naman sa military ang tatay niya.Minabuti ng tatay niya kung iiwan sa amin ng saglit lang ang kanyang anak para may titingin dito.
Simula ng mamatay ang ina ni macey kakaiba na ang kinikilos nito ayaw nitong malayo sa mga tao dahil takot siya mapagisa parang ba may bumabagabag sa kanya pero since wala namang akong anak asawa ko lang ang kasama ko tinanggap namin siya at nagfocus ako sakanya.
Lagi siyang nakahawak sakin ng napakahigip kahit san ako magpunta.Magluto,maglaba,maglinis at kung ano ano pa lagi siya nakasiksik sakin at nakahawak kasama ang manikang binigay ng namayapa niyang ina.
Isang araw matutulog na ako at nakatabi siya sakin ng bigla siyang nag salita
"Wag kanag lumapit sa akin,ikaw na maitim"
Pinaulit ulit niya yun hanggang sa naisipan kong gisingin siya.Pagkagising niya bigla siyang yumakap sakin
"Tita yung maitim na babae lagi niya akong sinusundan,natatakot ako"-
sabi ko
"Andito lang ako"
Niyakap ko siya at tinabihan ko na sa pagtulog.Nang nakarinig ako ng bumubulong kaya minulat ko ang mata ko.Sobrang dilim napakadilim bukas naman ang ilaw ng natulog kami.
Nagulat ako ng may mata akong nakita malapit sa akin.Nakita ko din ang bibig niyang ngumiti at ang ipin niya,pero ang katawan at pagkatao niya? ang itim,tanging mata at bibig lang nakikita
"Sino ka ? anong kailangan mo?"
Wika ko
"Macey....Macey Anaakkk ko"
Bulong niya
Mangiyak ngiyak ako sa takot
"Iii..kkaw? ang nanay niya?"
Tanong ko
"Gusto ko na siya isama"
Sabi niya
Niyakap ko si Macey
"Ako na ina niya hindi na ikaw"
NAwala na siya at di na nagpakita.Di naring gaanong matatakutin si macey nakikipaglaro na siya
Source: True japanese horror story