The Player's Coach [EXO Oneshot]

4.1K 115 27
                                    

 

The Player’s Coach

***

Kris’ POV

“Her name is Kimberly and I want you to break her heart.”

Tinignan ko yung picture na inabot niya sakin at tinignan ko ulit tong babae sa harapan ko.

Imposible. Ni hindi ko nga siya kilala eh! Transferee kasi ako at kakagaling ko lang sa principal’s office. Bigla niya kong hinarang, inabutan ng picture, at ayan na! May sayad ba to? Tss. Sayang naman. Maganda sana eh.

“Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo dyan at tinititigan mo pa ko? Yes, alam kong maganda ko.”

Oo nga. Maganda ka nga. Ewan ko nga lang sa ugali mo. Kahit na transferee ako, alam ko na agad na kasama tong babaeng to sa bitches sa school na to.

“Ano ba kasing problema mo?” Mahinahon kong tanong sa kanya. Hindi naman ako galit eh. Hindi naman ako madaling magalit.

“Wala. I’m just asking you to break her heart. Player ka, diba? Well then, it’s your chance to play. I’ll be your coach. The player’s coach- it suits me, right? It’s just a simple coach-player relationship. There are no strings attached, Kris.”

“Kilala mo ko?”

“I know na hindi ka bingi so I assume that you’re just playing stupid. Well, cut that out. You heard me say your name, right? Kris. Kris Wu is your name. I know you. Stop being stupid. Gwapo ka pa naman.”

Bitch talaga. Kung hindi lang babae to, nasapak ko na to eh.

Huminga ko ng malalim para pakalmahin yung sarili ko. Kris, babae yan. Wag mong patulan. “Bakit mo ba kasi inuutos sakin yan? Ni hindi nga kita kilala.”

“Eunice Kim. That’s my name. Ngayong kilala mo na ko, will you go and start playing with her now?” Tinaasan niya ko ng kilay. Bitch. Suplada pa.

“Saan mo naman kasing lupalop napulot na player ako? Hindi naman ako ganun.”

Kumunot yung noo niya. “What? You mean, hindi ka player?” Nakita ko yung pagkagulat sa mata niya. “Kai, you dumbass.”

“At sino naman si Kai?” Tanong ko sa kanya.

“Yung kakambal kong hindi ko naman kamuka. Stupid. Sabi niya sakin ikaw yung player na transferee. Siguro yung taga-kabilang section yung player talaga. Stupid. But, whatever. Hindi ka man player, I’ll teach you how to become one. I’m your coach. I’ll teach you how to play the game like a pro.”

“Pero-”

“No buts, Kris.” Ang talim nung tingin niya sakin.

Nag sigh ako. Hindi naman siguro ko magtatagumpay sa pinagagawa niya. Oo nalang. Mukang wala kong magagawa sa babaeng to. “Oo na. Sige na.”

The Player's Coach [EXO Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon