Spin the bottle (One Shot)

270K 5.2K 1.9K
                                    

Isang kwentong puno ng imahinasyon...

butterfliesinmyhead

Dedicated to: hayeerah98

Sayo ko idededicate yung story na ito, My 2nd story. Hindi ko alam kung bakit pumatok 'to. Pero ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naging ganito. Maraming Salamat. Para sa iyo 'to =)

***********

"Oy, guys wala daw si Ma'am!" sigaw ng kaklase ko na nasa pintuan. Siya 'yung taga tingin kung mayroon bang teacher o wala. 

"Yeyyyy!" hiyawan ng mga kaklase ko. 

"Tara guys, laro tayo ng jackstone!" sigaw ng nasa likuran ko na halos lahat naman sila ay nagsang-ayon, pero ako dedma lang. Ang ko-korni naman kasi nila eh. 

"Ayoko niyan!" sigaw naman nung nasa harapan ko. Nagsitahimik 'yung mga kaklase kong naghihiyawan.

"Eh, ano pala?" tanong naman ng katabi niya.

"Hmmm. May naisip kasi akong laruin." sagot naman niya.

"Ano nga yun? Parang ewan to..." sabi ng mga kaklase ko. 

"Kase, napansin ko kapag wala si ma'am—sari-sarili na tayo," sabi niya ulit. Oonga pala, siya si Anne.

"Andami mong paligoy-ligoy sabihin mo na!" sabi ng isa kong kaklase na tila atat na atat sa paglalaro. 

"Oonga! Bilisan mo, Anne! Baka biglang pumasok si Ma'am!" sabi naman ng isa ko pang kaklase. Tapos ayun ang ingay na naman nila. 

"Teka nga kasi! Tahimik muna!" sabi niya ulit, dahil masunurin ang mga kaklase ko. Tumahik ulit ang lahat.

"Ganito kasi... balak ko sanang maglaro tayo ng SPIN THE BOTTLE!" sabi ni Anne. Seriously?! SPIN THE BOTTLE!? ANO BA YAN! MAS OKAY NA YUNG JACKSTONE EH! 

"ANG KORNY MO ANNE!" sigaw ng karamihan at 'yung iba tumatawa. HAHAHAH! Nakakatawa naman kasi talaga. Ang korny ng laro.

"MAG-CHECHESS NALANG KAMI!" sabi ng kalalakihan. 

"Wait nga muna guys!" sabi naman ni Paula. Sabay tayo  nito na parang Class President. Agad na namang napatigil sa pagdadakdakan 'yung mga nag-iingay. 

"MASAYA KAYA YUN! LALO NA KAPAG KASAMA MO YUNG PINAKATAHIMIK SA KLASE NIYO!"  dugtong ni Paula. 

Agad namang napatingin yung mga kaklase ko sa akin. Oo tama kayo. Ako kasi yung pinakatahimik sa klase. Ako yung nanahimik lagi walang pakialam sa mundo. Minsan kapag wala si ma'am, kapag dala ko ang phone at earphones ko, nakikinig na lang ako sa music. Kapag hindi naman, humihiram ako ng mga ginagawang stories ng mga kaklase ko. 

"Oonga! Masaya nga yun!" sabi naman ni Andrew, yung kabarkada ni Laurence. AKA yung crush ko. Sympre, hindi porket tahimik ako wala akong crush. Palihim lang ako magkagusto. Quiet lang tayo ha. Ahehehe. 

"Tara na guys! Masaya 'tooooooooooo~" sabi naman ng iba kong kaklase. Yung totoo kanina ayaw niyo nun kasi korny  tapos ngayon gusto niyo na? Yung totoo? Gusto ko nalang matawa. 

"Onga guys! Kaya tayo na!" sabi ni Anne at 'yung mga kaklase ko naman tumayo samantalang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

"Igilid niyo na 'yung mga upuan niyo guys," utos ni Anne. 

"Excited na ako bakla!" sabi ng dalawang babae sa harapan ko.

Tumayo na din ako sa kinauupuan ko at ginaya sila. iginilid yung upuan pagkatapos eh— umupo ako ulit sa upuan ko na nakagilid. Duhh! hindi ako KJ. Sadyang ayaw ko lang talaga sumali! Papanuorin ko nalang sila! Ahehehehe! At sympre i-ooverlook ko din 'yung crush ko. Ahehehe. Ampogi talaga ni Laurence! 

Spin the bottle (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon