*KRRRIIIIIING!KRIIIINNNG!
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.Walang'ya.Ang ganda ng tulog ko,nasira dahil sa pesteng alarm na 'yan.Ipinikit ko ulit ang mata ko at pinindot yung stop button kahit hindi tumitingin sa orasan.Pero---
*KRRRIIIIING!KRRRRINNNG!
"Aba't?!Ayaw paawat ha?!" sigaw ko at bumangon para sirain yung alarm clock ko pero na-realize ko.Hindi pala alarm clock yung tumutunog kundi yung cellphone ko.Tiningnan ko ang orasan tapos yung cellphone ko.
"Who the hell would call me in the middle of the night?!" sigaw ko at kinuha ko yung cellphone ko para sagutin yung tawag.
UNKNOWN NUMBER.
Padabog kong sinagot ang tawag.Grabe,ang laking distorbo nito.
"Hoy!Sino ka bang pungal ka na tumatawag sa akin sa kalagitnaan ng gabi?!Alam mo bang alas dose pa lang ng madaling araw,ha?!Sino ka ba?!' sigaw ko doon sa tumatawag sa akin.
Pero walang sumagot sa kabilang linya.
"Hoy!Magsalita ka nga diyan!Tatawag-tawag ka tapos hindi ka rin naman pala iimik.Ipapaalala ko lang sayo na hindi ito isang scene sa One Missed Call kasi nasagot ko agad ang tawag mo and I swear,kapag nalaman ko kung sino ka,I will find you and I will kill you.Ang kapal ng mukhang gisingin ako?!
"Gail.It's me."
Nabitawan ko ang phone ko nung tinawag niya akong Gail.Imposible.
''Gail,hello?Are you still there?" Pinulot ko yung phone ko.
"I'm sorry but Gail is not here.Gail's gone.Already gone." sagot ko sa kanya.
Ang Gail na tinutukoy niya?Matagal ng patay.
"But--Abigail."Bumuntong hininga siya.
"Can we meet?Right now?" tanong niya sa akin.Ngayon na?Nababaliw ba siya?
"Saan?" No,Abigail.You don't want to meet with that person.Hindi ka makikipagkita sa kanya.
"Sa park.Yung lagi natin pinupuntahan dati."
"Okay." Yun lang ang sinabi ko at binaba agad yung tawag.Bakit ko sinabi yun?Bakit ba ako pumayag na makipagkita sa kanya kahit alam ko naman sa sarili ko na ayoko?
Bumuntong-hininga na lang ako at kinuha yung jacket ko saka lumabas ng bahay kahit nakapantulog lang.Naglakad lang ako papunta sa park na sinabi niya.Malapit lang naman yun sa bahay.10 minutes walk lang.
Nakarating ako sa park at malamang walang tao kasi madaling araw pa lang.Pumunta ako sa playground at umupo doon sa swing para maghintay sa kanya.12:30.Kapag hindi pa siya dumating before 12:30,bahala na siya sa buhay niya.
Bakit ba kasi ako pumayag?Ilang ulit ko yang tinatanong sa sarili.Eesh.Naiinis ako sa sarili ko.Nasusunod yung gusto ng puso ko pero hindi naman siya nakikipag-cooperate sa utak ko.Sabi nga nila,follow your heart but take your brain with you.So here I am,makikipagkita sa lalaking kinamumuhian ko.
Madilim na talaga at tanging ilaw lang sa poste ang,kahit papaano,nagbibigay liwanag.Bakit ka ba kasi pumayag Abigail?!
"Makaalis na nga lang." sabi ko sa sarili ko at tumayo galing sa swing.Nagsimula na akong maglakad pauwi pero may narinig akong mga yabag ng paa.
"Abigail"Tawag niya sa akin.Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.Nakapamulsa lang ako at tinitingnan lang siya.Wala naman akong sasabihin sa kanya.At isa pa siya naman ang nagpapunta sa akin dito.

BINABASA MO ANG
Ladies of Yearning
RomanceGirls who just wanted to be loved. ~~~ Credits for the cover via : @anAWESOMEpsycho <3