<Jennika's POV>
Habang naglalakad ako ng
hallway ay maraming
estudyanteng tumatawa at
nakatingin sa akin kaya
nagsimula na akong magtaka.
Bigla akong huminto sa
paglalakad at humarap sa
kaibigan kong si Candy.
"Mars, tumingin ka nga sa'kin.
May mali ba sa akin?
I mean kung kalat ba yong
lipstick ko o yong eyeliner?"
"Wala naman. Hmmmn......
Teka..."
Candy put her hands on her
waist at nag-umpisang kilatisin
ako.
Tumigil ito sa likuran ko at may
kinuhang nakadikit na papel at
kahit ito ay gustong matawa.
Hinablot ko ang papel sa kanya
at binasa.
"Who wants to buy me?
It only cost one kiss."
Biglang umusok ang ilong ko.
"DWIGHT GUZMAN!!!!!!"
Arrrggghhhh!!
Bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking yon!
Palagi na lang!
Simula ng mag-transfer ako sa
paaralang ito ay palagi na lang
niya akong pinag-titripan.
Wala naman akong ginagawa sa
kanya. I really hate his guts!
Jennika Kim is my complete name.
Tubo akong probinsya.
Doon ako nag-aaral mula
elementary hanggang first year
college.
Nag-transfer ako dito sa
pinapasukan ng pinsan ko,
which is si Candy sa Maynila
dahil sa scholarship.
Kung ako ang tatanungin,
wala naman talaga akong balak
na pumunta dito kaya lang
scholarship lang ang tanging
makakapag-patapos sa'kin ng
pag-aaral.
Mahirap lang kasi kami, hindi
tulad ng iba.
Napakuyom ako ng kamao ko.
"Candy, dito lang may
pupuntahan lang ako sandali."
"Ha? Oo, sige. Bilisan mo lang
kasi may klase pa tayo."
"Oo na! Sige!"
Kahit sino naman siguro hindi
mapapalampas ang mga
pinag-kakagawa nito.
Matagal na akong nag-titimpi sa
Dwight na yon.
Sa two months,
marami nang kalokohang
ginawa ang lalaki na yon sa kin,
porke kasi dahil sa anak
mayaman kaya nagagawa ang
lahat.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A NAUGHTY GUY (MonstaX x Lovelyz)
FanfictionShort Story (Monsta X x Lovelyz) "Like is not the exact word for you. It doesn't also fit for you and it is still not enough. But I just want to say, I love you from the very buttom of my heart."