"Dwight!"Lalapit na sana ako sa kanya
pero mabilis siyang umalis.
Yon ang huling araw na
kinausap niya ako.
Para na akong hindi
nag-eexist sa mundo niya.
At nasasaktan ako sa tuwing
naiisip ko yon.
Palagi na niya akong iniiwasan,
gusto ko sana siyang kausapin
pero hindi niya ako binibigyan
ng pagkakataon.
But sorry to say,
hindi ako titigil hanggat hindi
niya ako kinakausap.
Kung noon gumagawa ito ng
mga bagay bagay para lang
mapansin ko siya ngayon
naman ako ang gagawa
ng mga yon.
Hindi ko namamalayang
nakangiti na pala ako.
"Hoy! Anong ngiti yan?"
Untag ni Candy.
"Wala."
"Weehhh?
Wala daw, parang may naaamoy
akong masamang balak eh."
Ngumiti ako ulit.
"Hindi naman ganun kasama!
Kung hindi madala sa santong
dalangin pwes sa
malahalimaw na gawain."
Piningot ni Candy ang taenga ko.
"Aray naman!
Bakit ba?"
"Pano ba naman,
para kang si satanas diyan!"
"Tsskkk...
pabayaan mo nga ako.
Sa hindi ako kinakausap,
anong gagawin ko?"
"Hayaan mo muna kasi,
kakausapin ka din nun,
trust me.
Huwag ka nang gumawa ng
kalokohan diyan.
Hindi bagay sayo,
babaeng cute ka pa naman."
"Opo, ma'am."
Class hour na kaya bumalik na
nang classroom nila si Candy.
Nakita kong papasok ng
classroom si Dwight at
naka-tingin sa'kin.
Nginitian ko siya
pero aba naman!
Ini-snob ang ganda ko.
Humarap ako sa kanya.
"Hoy, pansinin mo naman ako."
Parang hindi niya ako naririnig.
Nakakainis na siya huh!
Dumating na ang prof namin.
"Ano ba yan,
ba't ang bagal ng oras?
Mag-bell ka na plaese."
*ring *ring *ring
Yes! Sa wakas nag-bell
na din sa wakas!
Nagsilabasan na ang lahat ng
mga classmate ko pero
nagpahuli ako.
Ilang weeks na niya akong
iniiwasan, ni kahit sa tawag o
mga text ko hindi niya sinasagot
at mag-reply man lang.
Sa tingin ko sapat na ang
mga araw na yon.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A NAUGHTY GUY (MonstaX x Lovelyz)
FanfictionShort Story (Monsta X x Lovelyz) "Like is not the exact word for you. It doesn't also fit for you and it is still not enough. But I just want to say, I love you from the very buttom of my heart."