FACE THE WALL

19 0 0
                                    

Sa room. Accounting subject.

Ako si Cadence Flores. 19 years old. Graduating student. President ng Student Council ng course ko. Obviously ayoko ng subject na 'to kaya nakatulala ako sa bintana. Tutal sa tabi naman ako ng bintana eto na libangan ko. Hindi naman ako nahuhuli ng prof kong napaka tamad magturo.

" Cade. Uyy tinitignan ka ni sir. " Sabi sa'kin ni Rina na bestfriend ko na nakaupo sa likod ko.

" Pabayaan mo siya. " Sabi ko habang nakasimangot.

" Bahala ka. 'pag nahuli ka niyan ikaw din. Alam mo namang 'yan lang ang professor na ang turing sa'ting estudyante niya elementary. FACE THE WALL? Watda. Ang korni ni ser. Buti nalang tahimik ako at nakikinig. Sige di na kita kausapin. Bahala ka. "

Hahahaha! Nangiti ako 'dun. Totoo naman kasi sabi ng loka. Kaya ayoko din sa subject na 'to dahil napaka tamad na nga ng prof pag nahuli ka pang hindi nakatingin sa kanya sa minsan na pagtuturo niya pagpeFACE THE WALLin ka niya. Well. The hell I care. E sa nakakatamad e.

" Pedro Matias! Hindi ka na naman nakikinig sa'kin! Now, go at the back and face the wall! " Sabi ng prof namin na galit na galit.

Tinignan ko lang si Matias. Katabi ko siya. Matias ang tawag namin sa kanya. Ayaw niya ng pedro kase ang baho daw. Pang matanda. 'Yang si Matias ang pinaka dakilang pasaway sa klase namin. Di lang pasaway. Bully pa. Pero kahit kailan hindi ako binully niyan. At yan? gwapo 'yan e. KRAS ko 'yan. Second year palang ako KRAS ko na 'yan. Biruin mo ba naman, lead vocalist ng banda niyang MATIAS MATAAS, tapos captain ball pa ng basketball at dean's lister pa. Minsan nga nagtataka ko kung bakit ako at hindi siya ang president? Tapos naisip ko din. E wala e, pretty ko e. Hahaha. Joke lang. Hindi siya tumakbo nun kase masyado na daw siyang active sa school. Ayaw naman daw niyang maging selfish. Isa pa daming CHIKS na nagkakandarapa diyan kaya deadma nalang na KRAS ko 'yan. Sayang beauty ko sa lalaking hindi naman ako papansinin. Pero kahit kailan wala akong nabalitaang girlfriend niya.

" Yes Sir! " Sabi ng loko saka ngingiti ngiti.

Natapos ang klase na tatlong oras na nakatayo siya sa likod at tahimik. Hindi ko nga alam kung bakit tumatahimik siya 'pag pinatatayo. Suki kasi 'yan ng FACE THE WALL PROJECT ni ser e.

A WEEK AFTER

Once a week lang kasi kami mag meeting every subject. At ngayon accounting na naman. Infairness naman today ang sipag ni ser. Medyo good mood siguro kaya maganda turo ngayon. Nakikinig ako e. Tapos biglang nagpa quiz.

" Ok get one whole yellow pad. " Ser.

Badtrip naman 'to si ser. 'Pag turo, turo lang. Tsaka na quiz. Kung kailan naman ako nag eenjoy e. Pero nevermind. Kahit naman madalas ako hindi nakikinig sa kanya nag aadvance reading naman ako kaya alam ko na din medyo yung tinuturo niya. At tsaka dean's lister din ako noh. 'Di lang si lokong Matias.

" Cade. " Matias.

" Cade. " Siya pa din.

" Uyy Cade pansinin mo naman ako. Penge naman papel. " As usual siya pa din.

" Ano bang poblema mo Mr. Matias? Kitang nag iisip ako dito e. 'Pag hindi ka pinansin 'wag ka na muna mangulit. Kulit kulit e. Magdala ka kasi ng sarili mong papel. Psh! " Medyo napataas 'yung boses ko. Ayoko kasing inaabala ko sa pag mumuni muni e. Kaya ayon. 'Pag tingin ko kay ser nakatingin siya sa'kin.

" Ms. Cadence Flores! Face the wall! Don ka sa mag quiz! Napaka ingay mo. Kukuha ka lang ng papel e! " Ser.

" Ha? Ser? Ako? " Sabay turo sa sarili ko na malaki pa mata. Di ako makapaniwala kaya. -______-

" Yes. Narinig mo naman di ba? Then go! "

" Kasalanan mo to Matias! " Tingin ko sa kanya habang galit na galit na nagsasalita pero mahina lang. Ngisi ngisi naman ang loko!

Ayun nagpunta na ko sa likod. Dala ko 'yung ballpen ko, xerox ng questionaire at yellow pad ko. Di ko binigyan si Matias. Kabanas e. Nakayuko lang ako. Busy kaya ako magsagot. Pag tingin ko sa next question nagulat ako. Hala! Ang hirap naman nito. Hindi ko yata narinig na tinuro 'to? Humawak ako sa noo ko. Patay! Pumikit ako at tumingala. Ano to? Ano to? Tapos dumerecho ako ng tingin sa pader. Pag tingin ko sa pader nanlaki yung mata ko.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND MS. FLORES?

- Matias

'Pag tingin ko sa likod ko nakatingin sila lahat sa'kin. Nakakumpol sa aisle.

" Say yes Cade! Alam ko matagal mo na hinihintay 'yan. Napansin ka na niya. Matagal na pala. Torpe lang. Hahaha. 'Yang Matias mo bully pero torpe. " Rina.

Bigla silang nagbigay daan sa taong nasa unahan. Pati si ser! Nakangiti pa! Tapos ayan na siya. Si Matias. May dalang mga bulaklak at tsokolate. Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa di ko namalayan nasa harap ko na pala siya.

" I'm waiting Ms. Flores. " Matias

Binatukan ko siya.

" Aray! What? Why? " Nalito siya na kinangiti ko naman.

" E loko ka pala e! Tagal ko na hinihintay to ano pa bang isasagot ko? E di OO! "

====================================

And they live happily ever after.

DEJOKELANG!

HAHAHAHAHA!

Napag tripan ko lang. :))

Babush!

-- jhenn

FACE THE WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon