Chapter 1:

42 1 0
                                    

Prologue:
Love may bring us happiness in our life. Everyone deserves love in their lives. Pero paano ako magmamahal kung bilang na ang mga araw ng buhay ko?

Celine's POV
You were just a dream that i once knew i never thought i would be right for you 🎶
"Ano ba yan nakakaiyak naman tong pinapanood ko"

Johanna, will you marry me?

"SHOCKS JOHANNA! Say yes! Ang swerte mo sa kanya!"

Yes Simon. I will marry you!

"Grabe talaga :'( sana ganyan din mangyari saken in the future huhuhu"

"HOY CELINE! Tumayo ka nga dyan! Di ka pa naglilinis ng kwarto eh puro ka nood dyan! Kumilos ka na!"

Anu ba yan. Panira naman ng mood si mommy. Teka di pa pala ko nagpapakilala sorry nakalimutan ko! Ang sweet kasi ni Johanna at Simon eh <3 anyways, ako nga pala si Celine Celestial. 4th year college na ko. Graduating sa course na Nursing. Ang pangalan ng mom ko ay Cameron Celestial at ang dad ko naman si Carol Celestial. Wala akong boyfriend pero may bestfriend naman ako. Si Cedric Muñoz :) sya naman engineering ang course. Mas nauna syang grumaduate ng 2 years. 3 years ang agwat ng edad namin ni Ced. 24 na sya ngayon ako 21.

"Hoy flat para kang tanga dyan nagsasalita magisa!"
Speaking of the devil -_-
"Hoy! Tigil tigilan mo nga ko Cedric! Di ako flat! Ang sama mo! Supot ka lang eh!"
"Oh talaga? Nakita mo?"
"Hinde!"
"Hindi naman pala eh. Wala kang ebidensya!"
"Supot!"
"Flat!"
"Paliparan!"
"Pader!"

Nakakainis sya noh? Di naman ako flat eh. May laman naman to noh..

Cedric's POV
*knocks on the door*
"Good morning tita :) si Celine po?"
"Ayun naglilinis sa taas puntahan mo na lang."
"Ahh cge po tita."

Hi! Ako nga pala si Cedric Muñoz. Ang pangalan ng daddy ko ay Christopher Muñoz at ang mommy ko naman ay si Cristina Muñoz. Nagtatrabaho ako bilang engineer kasi graduate ako ng engineering course. Bestfriend ako ni Celine Celestial.teka andito na ko sa kwarto ni Celine.

"Hoy flat para kang tanga dyan nagsasalita magisa!"
Eh paano ba naman kasi nakita ko sya nagsasalita habang naglilinis sya.
"Hoy! Tigil tigilan mo nga ko Cedric! Di ako flat! Ang sama mo! Supot ka lang eh!"
"Oh talaga? Nakita mo?"
"Hinde!"
"Hindi naman pala eh. Wala kang ebidensya!"
"Supot!"
"Flat!"
"Paliparan!"
"Pader!"

Takteng yan. Di naman ako supot dahil tinuli ako nung grade 5 ako at di naman malapad noo ko para sabihin nyang paliparan.

Iniwan ko sya sa kwarto nya. Tas sya inaayos kama nya.
Nasa kusina ako ngayon nagpeprepare ng makakain ni Celine. Tinulungan ako ni Tita Cam para sa pagprepare.

"Wow! Ikaw pala ang naghahanda ng breakfast ko? Wag mo lalagyan yan ng lason kung ayaw mong mamulto ka ng maganda mong bestfriend! "

Shet. Ang hambog talaga netong babaeng to. Di ko talaga alam bakit ko naging bestfriend to eh.

"Umupo ka na mahal na prinsesang pader"
Sinamaan nya ko ng tingin HAHAHA
"Este prinsesang maganda daw"

Pinaghanda ko sya ng Pancake na may honey tas binigyan ko sya ng hot milk.

"Hoy baka magselos saken ung hipon mong girlfriend ha!"
"Siraulo. Hindi hipon ang girlfriend ko! Maganda sya sadyang sobrang taas lng ng standards mo. Akala mo kung sino kang maganda. At di magseselos yun. Nung highschool ka pa naman tas ako malapit nang magcollege ganito rin naman tayo ah. "
"Oo na basta maganda ko. Eh paano kung sabihin nya sayo na lumayo ka saken? Tapos talagang pinipilit nya sayo? *cough*"
"Kung ipipilit nya saken na layuan kita, hihiwalayan ko sya. Mawalan na ko ng girlfriend wag lang bestfriend."
"Ay sus kinilig naman ako dun! Hahahaha"

Long Distance Friendship is much harder than the Long Distance Relationship. Kaya di nyo ko masisisi kung mas pipiliin ko bestfriend ko kesa sa girlfriend ko.

"Oh baka magkainlove-an kayo dyan ah."

Biglang sumingit si Tito Carol.

"NO WAY!"
Yan ang sabi ni Celine. Nanlalaki pa ilong.
"Hoy nanlalaki na ilong mo!"
"Anu ba cedric!"
"Totoo naman eh!"
"Ay oo nga sorry. Pano kasi!"
"Nagiisip bata ka nanaman Celine. Gagraduate ka na nga sa monday eh ganyan ka pa."
"Im sorry! Aish!"
Para talagang baliw -_-
"Tara pumunta na tayo ng mall pagshopping kita gagraduate ka na eh. Matikim mo man lang ang libre ng isang Cedric Muñoz."
"Okay sige sige. gusto ko yan! Papalit lang ako damit"
Habang nagpapalit sya ng damit, pumunta na ko sa kotse para mapalamig ko na pagkapasok ni Celine.
"Im done!"
Shet maganda pala bestfriend ko. Ngayon ko lang narealize. Yung black dress nya, bagay sa kanya. Simple pero elegante. Nakaflats lang din sya. Pero ang ganda pa rin nya tignan. Yung brown na curly nyang buhok at yung brown nyang mata grabe.. She's very Gorgeous today.. Anung magic spell ginamit neto sakin bakit ako nagkakaganito?! Hindi. Hindi pwede. Bestfriend ko sya. May girlfriend ako. Hindi dapat.
"Huy. Magdrive ka na! Tulo na laway mo oh gandang ganda ka nanaman saken! HAHAHA!"
"Siraulo."

So ayan nagdrive ako all the way to Moa para ishopping sya. Puro tshirts, polo, pants at nike na sapatos ang pinapabili nya. Parang bata eh. Mahilig sya sa ganyan kasi boyish sya pumorma. Minsan lng sya magdress pag tinatamad na sya magcombine ng pants,tshirt at sapatos. Habang pumipili sya ng dress para sa graduation nya, iniwan ko sa kanya credit card ko at nagpaalam na magcr muna tapos tawagan ko na lang sya kung nasan sya. Pumunta ako sa bilihan ng necklace and rings. Gusto ko kasi sya bigyan ng necklace.

"Ate pwede po ba palagay na
    Nakainfinity sign, Celine?"
"Yes po sir."
"Eto pong infinity bracelet rin po. Bibilhin ko"
"Ah! Eto ring infinity ring :) pwede po bang pakilagay po sa loob ng infinity, c&c? "
"Yes sir. Para po sa asawa nyo?"
Grabe to si ate. Ganun na ba katanda ang tingin saken sus.
"Ahh hindi para sa bestfriend ko."
"Ahh okay po sir. Ang babayaran nyo po is 25,800 pesos."
"Ahh okay here's my bank card"
"Thank you Mr. Cedric Muñoz "

Ang bait ate. Hahaha cool.
Tawagan ko na si celine baka mainis saken yun na ang tagal ko.
*calling*
"The subscriber you're calling is currently not available please try again later"
Bakit di sya makontak. Imposibleng nakaoff phone nya.
*calling*
"The subscriber you're calling is currently not available please try again later"
Putcha anung nangyari dto. Teka pupuntahan ko na nga.
Celine asan ka..
"Sir yung kasama nyo po!"
"CELINE!!!!!"

120 Days Of HappinessWhere stories live. Discover now