Chapter 4:

6 0 0
                                    

Cedric's POV

~flashback~
Natutulog si Celine. Tinawag ako ng doctor.
"Mr. Muñoz the result says, just to be honest with you.. She has a heart cancer"
Wait. Ano... Teka. Tama ba narinig ko?
"A-ano po yun d-doc?"
"May cancer sya. Stage 3 Heart Cancer"
May cancer ka Celine.. Bakit ikaw pa.. Out of all the people bakit ikaw pa.. Pwede naman yung mga masasama na lang magkacancer pero bakit ikaw pa..
"Curable pa rin na-naman po doc di-diba?"
"Yes it is. Surgery ang gagawin kung gusto nyong ipatanggal ang tumor sa puso ni Celine. But consequence is, babalik at babalik pa rin yung sakit nya at mas lalong lalala. Since its stage 3, the tumor has affected her heart already. This may cause, lack of oxygen and constant fever. She may faint anytime when she'll be having heart attacks. Kaya hangga't maari, wag mo sya papagurin. Wag mo sya hayaang sumobra yung pagiyak nya. Iwasan sya mastress. At kung gusto nyo you can undergo chemotherapy"
"Eh doc bawal po ba sya magwork? Magnunurse po kasi sya"
"Stressful maging nurse. Di pwede magwork si Ms. Celestial"
"Okay doc.. Salamat po.."
This can't be happening.. Ayokong mawala ang bestfriend ko.. Di ko hahayaan na may isang babae pang mawala sa buhay ko.. Hindi ko muna ito sasabihin kay Celine.. Baka mas isipin nya na Fragile sya..
Kaya ganito kaimportante sakin si Celine, siya yung katangi-tanging bestfriend ko na nakaintindi saken ng sobra. Di nya ko jinudge sa kung anong naipapakita ko sa kanya. Napakabuti nya pang tao. Simple lang si Celine. Kahit bilhan mo lang ng isaw masaya na yan eh. Bigyan mo lang ng letter, tuwang tuwa na yon kasi ramdam nya na special sya. Si Celine? Sya yung almost perfect girl. Kaya di ko lubusang maisip kung bakit siya pa ang dapat magkaroon ng ganitong sakit.. Mahal ko si Celine. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

~flashback~
First year high school pa lang sya at ako 3rd year.. Problemado ako di ko na alam ang gagawin ko. Di ko na alam kung sino pa makakaintindi sakin kundi si Celine lang..
"Brodaa, andito lang ako para sayo"
"Thank you sista.. Pero Celine, sana di ka mawala sa tabi ko"
"Oo Cedric.."
~end of flashback~

Naalala ko pa nung valentines day nung highschool pa lang kami, binigyan ko sya ng ferrero at flower.
Tuwang tuwa na sya. Kasi favorite nya yung ferrero.

Sa loob ng 9 taon, ang dami na naming napagsamahan.. At ayokong maging ala ala na lang si Celine. Gusto ko pa syang umattend ng kasal ko. Gusto ko pang maging ninang sya ng mga anak ko. Gusto ko makasama ang bestfriend ko sa pagtanda.

~end of flashback~

"Ced? Uwi na tayo.."
"Bakit Celine? Di mo ba nagustuhan yung view?"
"Masama lang pakiramdam ko.."
Dinikit ko kamay ko sa leeg nya at sa noo.
"Celine nilalagnat ka! Teka ay putcha ang lakas ng ulan bigla!"
Binuhat ko na sya papunta sa kotse. Kinuha ko agad jacket ko tapos binigay ko sa kanya. Nagdrive na ko.
"Shit baha papunta sa inyo Celine.."
"Sa bahay mo na lang muna Cedric.."
"Teka tatawagan ko si tita"

*ringing*
T: Hello Cedric? Okay lng ba kayo? Ang lakas ng ulan ah
A: Tita hindi po kami makadaan sa papunta sa bahay nyo baha po kasi sa bahay ko na lang po muna magsestay si Celine okay lang po ba?
T: Ganun ba? Oo sige dyan muna si Celine. Alagaan mo na lang muna sya dyan. Pinagkakatiwalaan naman kita.
A: Opo tita sige po nagdadrive po kasi ako
T: Oh sige magiingat bye

-end of convo-

Dinala ko na sa bahay si Celine. Binuhat ko sya papuntang guest room. Tapos naghanda na ko ng gamot at tubig. Naghanda na rin ako ng soup. Kinuha ko tshirt ko at pajamas ko para makapagpalit sya ng damit.

"Celine, magpalit ka na eto tshirt ko at pajama ko gamitin mo yan kailangan mo yan. May cr naman dto sa loob. Kunin ko lang yung hinanda kong gamot at soup"

Nagaalala ako kay Celine. Sobrang init nya. Bakit kasi kailangan magkasakit pa sya eh...

"Celine? Okay na ba?"
"Oo okay na.."

Tapos pumasok na ko.

"Celi--"
"Cedric dito ka sa tabi ko matulog please.. Ayokong magisa.."
Di ko alam pero bumilis tibok ng puso ko. Medyo naiiyak ako. Kasi.. Ayokong mawala siya..
"Oo Celine sige. Pero kumain ka muna.."
Sinubuan ko na lang siya since nanghihina sya.. Celine ilipat mo na lang sakin yang nararamdaman mo please..
"Ced.. Im sorry.."
"Okay lang Celine.. Basta para sayo.."
Pinainom ko na sya ng gamot pagkatapos ko syang pakainin.
Tapos pinatulog ko na sya.. Pinagmamasdan ko lang sya habang natutulog sya.. Yung labi nya na namumutla..
"Cedric wag mo kong iiwan"
"Hindi kita iiwan Celine. Andito lang ako para sayo. Aalagaan kita tulad ng pagaalaga mo sakin. Gagawin ko lahat para mapasaya ka. Di ko hahayaang maglaho ka sa paningin ko. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Sasamahan kita kung saan mo gusto pumunta. Kahit na magkasakit ako, magpapakatibay ako para sa iyo. Di ko kayang wala ka sa buhay ko Celine.."
Shit umiiyak ako habang sinasabi ko yun. Alam ko di nya yun naririnig dahil tulog siya. Kaya hinalikan ko sya sa noo. At binulong
"Gumising ka bukas ah. Goodnight Celine"

120 Days Of HappinessWhere stories live. Discover now