She

18 1 0
                                    


[Andrea]

Ang araw na pinakahihintay ko--namin. Gumising ako ng may ngiti sa mga labi. Napaka-lakas ng kabog sa dibdib ko dahil sa kaba, ngunit mas nangingibabaw parin ang excitement at kasiyahan dahil pagkatapos ng lahat, dito rin kami mapupunta.

Sa simbahan. Sa altar.

Agad akong bumangon at naghilamos. "This is it." Bulong ko sa sarili ko matapos punasan ang mukha ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, napi-picture ko sa utak ko na magpapalitan kami ng vows sa harap ng isa't isa, sa harap ng maraming tao, sa harap ng Diyos.

Matapos kong kumain at gawin ang aking daily routine, oras na para mag-ayos. Hindi mawala ang kabog ng dibdib ko dahil sa naguumapaw na kasiyahan. Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng hininga.

"Are you ready?" Tanong saakin ni Mama habang maingat na inaayos ang buhok ko.

"Yes, Ma. I'm always ready." Napangiti ako dahil dito.

Nandito rin si Alex para tulungan si mama na mag-asikaso saakin. Kailangan maganda ako ngayon diba? It's my special day.

"Oh ayan ah, naudlot yung date namin today ni Uji dahil dito. Pero keri lang, makikita ko naman sya naka-suit mamaya. Hihi. Pagtapos niyo, kami naman ah?" Paglilitanya nya. Nakaharap kami ngayon sa isang malaking salamin. Napatawa nalang ako dahil sa kagagahan nito.

"Basta, magpapa-party talaga ako, buong barangay sa kasal niyo dahil finally ZiLex happened to me!" Pagbibiro ko sakanya. Oo biro lang yun kasi wala talaga akong pera pangpa-party sa buong sanlibutan.

Tiningnan ko ang kabuohan ko sa salamin. Ang ganda. Handang-handa na talaga ako para mamaya, para sakanya.

Nang matapos ang lahat ng preparasyon, nagtungo na kami sa simbahan. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Siguro, lahat naman ng ikakasal eh nakakaramdam ng ganito diba? Pero nangingibabaw ang kasiyahan sa lahat ng halu-halong nararamdaman ko ngayon.

Magkakasama na kami. Habang buhay.

Huminto na ang sasakyan at nasa tapat na kami ng simbahan. Huminga ako ng malalim at panandaliang pinakalma ang puso ko.

Lumabas ako at gaya ng inaasahan ay napakaraming tao. Nakangiti silang lahat nagpapahiwatig na masaya sila para saakin--saamin sa araw na ito.

Nandito yung mga kaibigan ko, classmates, yung ibang kapitbahay namin na ka-close ni mama.

Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Ano kaya itsura niya ngayon? As usual gwapo.

Ito na ang oras. Nang buksan ang pintuan ng simbahan, dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar. Bawat hakbang ay siya ring pagkabog ng dibdib ko ng malakas. Habang papalapit ako ng papalapit ay nakikita ko ang mga taong nakangiti saakin.

Nang malapit na ako sakaniya, napahinto ang mundo ko ng panandalian. Tumulo ang luha ko.

Dahil sa saya. Sobrang saya.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, nang magtagpo ang mata naming dalawa noong lalaking nasa gitna ay biglang nanumbalik lahat ng ala-alang hindi ko na dapat pang maalala.

Yung mga panahong mapapasabi nalang ako ng 'sana'.

Pero masaya ako. Masaya ako dahil masaya siya para saakin.

Nagtagpo kami ng mapapangasawa ko at nginitian ang isa't isa. Nagkayap lang kami at sabay humarap sa altar.

Nagsalita ang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko pa.

"I miss you."

"Families and friends, we are all gathered today to celebrate the joyous union of.."

--x

Bewm! HAHAHAHAHAHA. Labyu. 

I'm so sorry for doing this trash.

I DoWhere stories live. Discover now