He

24 1 2
                                    

[Vernon]

Araw ng kasal. Nagising akong may ngiti sa aking labi. Bigla kong naisip ang babaeng pinakamamahal ko at kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon. Siguro hindi na yun mapakali, o baka tulog pa siya. Naaalala ko dati masyado siyang nerbyosa, masyado siyang nag-wo-worry sa mga bagay-bagay.


Ganoon pa man, kailangan ko naring maghanda dahil sabik na akong makita siya mamaya. Panigurado, sobrang ganda niya.


Nagsimula na akong mag-ayos. Lalaki ako kaya hindi na kailangan ng sobrang mabusisi sa pag-aayos. Sinuot ko na ang simpleng damit na hinanda ko talaga para sa espesyal na araw na ito.


Matapos kong mag-ayos, tumingin muli ako sa salamin at sumakay sa kotse papuntang simbahan.


Pagkarating na pagkarating ko ay matatamis na ngiti ang sinalubong saakin ng mga tao. Mga tao na naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa. Mga dating kaklase at mangilan-ngilan na kakilala. May ibang nakangiti at may ibang parang nag-aalangan.


Bakit? May nangyari ba sakanya?


Agad akong pumasok sa simbahan at pumwesto sa harap ng altar. Nagsisimula nang magdatingan ang mga tao samantalang ako ay palakad-lakad dahil sa kaba.


Hindi ko maiwasang magpa-sulyap sulyap sa relo ko. Nang hindi na ako nakapagpigil ay lumabas ako ng simbahan at saktong nakita ko ang pagdating ng kotse nila. Agad kong sinabi na dumating na siya.


Nang buksan na ang pintuan ng simbahan ay nakita ko ang pinakamagandang babae sa tanang buhay ko. Wala parin talaga siyang pinagbago, sobrang ganda parin niya. Naisip ko kung gaano ko siya kamahal at ang lahat ng pinagdaanan namin.


Habang naglalakad siya ng dahan-dahan ay tumutugtog ang kantang pinagkasunduan naming dalawa na tutugtog sa araw na maglalakad siya papunta ng altar.


Nakarating na siya sa dulo at niyakap ang mapapangasawa niya. Napangiti ako at nagsalita..


"Families and friends, we are all gathered today to celebrate the joyous union of.."


-x

Sorry na. Labyu. Credits nga pala dun sa confession sa UST Secret Files. Oo true to life yan, pati yung dun sa 'She' may confession din sa FEU naman. ❤

Ang iksi lang sorry :< hahabaan ko nalang yung sa part 3

I DoWhere stories live. Discover now