Hindi ko alam kung bakit ko naisipang gumawa ng horror story... Nasa kwarto pa naman ako ngayon at mag-isa, patay pa yung ilaw... wooooo... tapang ko... hohohoho.... subok lang mahilig kasi ako magbasa ng mga horror stories.. Pero di ko kaya gumawa.. Pero tapang-tapangan ako ngayon.. hohohoho...
Dedicated to soju.. Kasi I love his horror stories.. Specially yung mga twist sa ending.. Galing!
I hate clowns.. Pero ito pa talaga unang horror story na sinulat ko.. haha! Ako na weird! Urban Legend 'to na nabasa ko.. Ginawan ko lang ng sarili kong version tsaka iniba ko yung ending.. hehehe...
Try to listen sa music video sa gilid habang nagbabasa... Enjoy... ---->>>>
Ang Payaso...
Alas-quatro na ng hapon at nasa labas ako ng gate ng bahay nina Mrs. Santiago.. May pupuntahan kasi silang isang mahalagang okasyon mag-asawa, nagkataon naman na ang yaya ng kanilang mga anak ay umuwi sa probinsya.. At dahil malapit ang pamilya namin sa pamilya nila.. Humingi sila ng pabor na kung maaari daw ay ako muna ang tumingin at mag-alaga sa dalawang anak nila.. Sina Andrea na pitong taong gulang at si Mica na apat na taong gulang.. Ako rin ang napili nila, dahil malapit sa akin ang dalawang bata..
Nag-doorbell na ako para malaman nila na nandito na ako..
Mga ilang saglit lang ay lumabas na ng bahay si Mrs. Santiago at pinagbuksan ako ng gate.. Mukhang naka-ayos na siya at nakahanda na para sa lakad nilang mag-asawa...
"Good afternoon po Mrs. Santiago.."
"Karen, napaka-pormal mo naman.. Tita Mila na lang.. Halika pasok ka.. Kanina ka pa hinahantay ng mga anak ko.."
"Sige po, salamat.."
Nag-lakad na kami papasok ng bahay.. At habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga istatwa o rebulto ng mga payaso sa labas ng bahay nila.. Meron sa may garden, meron sa harapan ng bahay malapit sa main door... Iba't-iba ang laki ng mga ito..
Unang beses kong makapasok sa bahay nila kaya di ko maiwasang kilabutan.. Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa itsura ng mga payaso.. Para sa akin nakakatakot sila...
Hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay nila ay mas marami pa akong nakita.. Meron nga silang isang pasimano na puno ng mga pigurin na mga payaso... Kaya hindi ko na naiwasang magtanong..
"Tita Mila.. Sino po sa inyo ng asawa nyo ang mahilig sa mga payaso.. Pansin ko po kasi mula sa labas hanggang dito sa loob ay may nakikita ako.."
"Ah, ang asawa ko ang mahilig dyan.. Konti pa nga iyan.. Kasi may isang kwarto dito sa bahay namin na puno ng mga koleksiyon nya.."
Sa totoo lang wala sa itsura ng asawa ni Mrs. Santiago na mahilig ito mangulekta.. At payaso pa..
"Ah, ganun po ba?"
"Bakit ayaw mo ba sa mga payaso?"