VIDEO

102 3 0
                                    


Last 2002(not sure kung eto yung exact year) We visited Makati. Ako, yung apat kong ate at sina Mama at papa. Maganda ang lugar roon sa pinuntahan namin. Maaliwalas at malaki ang bahay. Gawa ito sa kahoy. Mala sinauna itong bahay. At halata naman ito dahil lumang luma na but still malinis ang mga nakatira rito. Pero halatang matagal na nga itong nakatayo. Kung titignan mo. Nakakatakot sya. Nung pagpasok namin roon, kinilabutan talaga kami. Bawat yapak namin sa hagdan. Parang bibigay na sa pagka uga nya. Lahat ng parte ng bahay ay gawa sa kahoy.

Yun nga pumasok parin kami roon dahil wala naman kaming magagawang magkakapatid kahit natatakot kami. Eh batang bata palang kami noon. Kaya di ko rin siguro masyado maalala kung bakit kami naparoon noon. Eto na nga. Mahaba haba ang hinintay namin non sa may sala. Halos pitong oras kami nakaupo roon. Pero hindi kami masyado nainip dahil narin sa may nakakausap rin kaming ka edad namin. Mga tatlo ata sila or apat. I don't remember.

Around 9pm nagpapasya na sina papa umuwi noon. Gabi na nga. Madilim rin sa bahay na iyon. Hindi binubuksan ang mga ilaw tanging sa kusina at sa sala na kinaroroonan lang namin magkakapatid.
Nung papaalis na kami at nagpapaalam na para umuwi. Pinipigilan nila kaming umuwi dahil narin daw sa madilim na at delikado na raw. Marami raw pakalat kalat na kung ano raw sa lugar na yon. Nung una tumanggi sina papa kasi nga nakakahiya kung doon pa kami magpapalipas ng gabi. Pero napilit nila ang papa ko na magpalipas na nga ng gabi roon. Naalala ko non. Ayaw ko kasi natatakot ako. Pero di lang nila ako pinansin. Hinatid kami nung maid sa tutulugan namin. May hawak sya mga susi at saka binuksan na nga ang isang ang pinto sa kwarto. Yun ang pinaka malaking kwarto kaya dun kami ipinatuloy. Nakakapit noon ako sa ate ko kasi kinikilabutan talaga ako. Bago pa non kami tumuloy sa kwarto, nagpaalam na muna ako sa mga nakalaro ko. At saka tumuloy na rin sila sa kwarto nila.

Double deck ang kama ako saka yung mga ate ko sa baba at sa taas namin sila papa. Natutulog na sila non pero ako di maka pakali. Di ako makatulog. Nagtalukbong nlang ako nun ng kumot. Habang nakatalukbong may naririnig akong mga tawa ng bata sa kabilang kwarto. Bigla naman akong sumaya kasi yung mga nakalaro ko kanina. Hanggang sa mga oras na yon ay nagsasaya parin sila at dahan dahan na kong nakatulog.

Kinabukasan, Nagising ako ng magisa nalang sa kwarto. Tumakbo ako pababa ng hagdanan at nakita ko sila na nagkukumpulan pag lapit ko sakanila. Namumutla silang lahat na parang takot na takot. Yung mga batang nakalaro namin non. May hawak hawak na cellphone. Nagtaka ako kung ano yung pinanonood nila. Paglapit ko. Nanonood sila ng videong naglalaro silang tatlo. Madilim pero nakuhanan parin dahil may flash yung gamit nila. Sa video: Nagpapasahan ng bola yung dalawang bata at dahil tatlo sila. Yung isa ay yung mismong nagvivideo. Maya maya, nung tumilapon yung bola agad agad nilang pinulot. Muntik na kong mahimatay non sa sobrang takot ng may nakita ako sa video na may dumaang babae sa likod nila. WALANG ULO. At lumulutang lutang ito. Takot na takot raw sila non. Nagsigawan sila sa video at saka tumakbo papalabas ng kwarto. Vinideohan raw nila ito kagabi. Ibig sabihin, sila nga ang naririnig kong naglalaro sa kabilang kwarto kagabi. Takot na takot na ko non. Lahat sila sa bahay natakot rin sa video na nakuhanan nila. At bago na kami lumisan noon sa bahay. Sinabi ng katiwala na marami raw nagpapakita at nagpaparamdam sa bahay na yon. 10 years ago ng mamatay ang may ari ng bahay. Siguro nga sya yung nasa malaking litratong nakadikit sa sala. Nagpaparamdam raw ito tuwing death anniversary nya. Pero sabi ng katiwala ay kahit karaniwang araw lang ay may nagpaparamdam parin. Natatakot na ko at gusto ko nang umalis sa bahay na yon. Nagpaalam na kami at saka umalis na.

Maggagabi na noon at nasa byahe parin kami. Madilim ang daan. Tanging ilaw lang ng aming sasakyan ang maanunagan sa daan. Nagulat ako at napasigaw dahil may dumaan na babae nakaputi. Napasigaw kaming lahat at saka pumreno si papa. Bumaba sya ng sasakyan na nagaalalang nasagasaan nya ito. Pero nagksmali sya walang tao roon. Nang napatingin sya saamin at nanlaki ag bata. Agad agad syang sumakay sa sasakyan at humarurot sa pagmaneho. Nang makauwi na kami tinanong ni mama kung ano yung nakita sya. Sabi nya nung bago pa sya makapasok sa sasakyan kanina. May nakita syang babaeng nasatabihan namin at walang ulo.

HORROR STORIES Where stories live. Discover now