Taga leyte po ako at sa down town (tacloban) pinalad na makapasok sa trabaho. 8AM-5PM, 6x a week ang schedule ng work ko. At tuwing uwian nahihirapan ako kasi madalang na ang bumabyaheng mga sasakyan lalo na ang papuntang lugar na tinitirhan ko. Marami kasing jeep ang nasira ng salantain ng bagyong Yolanda ang Leyte.
Nov.7,2014
Nag-aagawan ang mga pasahero, nag-uunahan na makasakay sa sasakyang (multicab) natitiyak na bibyahe pauwi sa lugar namin. Hindi ko ugali ang makipagsiksikan lalo na ang makipag-agawan ng mauupuan. Ako yung tipo ng pasahero na maghihintay at sasakay lang kapag natiyak kong may mapupwestuhan pa ako. Sa gabing iyon ay sinuwerte nga ako. Sa bungad ng pinto ng multicab ako nakapwesto (At yun ang pinakagusto kong pwesto dahil nakikita ko ang dinadaanan namin at hindi pa mainit. Punong-puno ang pinakyaw na multicab nang mag-umpisa itong umandar. Yung tipong walang hingahan o di kaya'y mag-aalangan kang gumalaw kahit konti dahil baka maipit mo ng di dinasadya ang katabi mo't magalit pa sa'yo. Ganun na ganun ang kalagayan namin..Bago tuluyang lumabas ng tacloban ang sinasakyan kong multicab ay dumaan muna ito sa gasoline station.
Pagkatapos magbayad ng driver ay umayos na ito ng upo ngunit nagtaka kami nang bigla syang magsalita ng ""Pakisabi sa iba na wag sumakay dahil puno na, bawal top load"". Umiling ang isa sa amin at nagkibit-balikat na lamang kami lalo na ang driver.
Pakiramdam ko may mali. Napapapikit ako sa lamig ng hanging dumadampi sa balat ko. Nagulat ako nang sumigaw yung driver ng ""Wala ng pwesto, wala na kaya pakiusap bumaba na lang kayo"" tapos tumuloy na ulit ang sasakyan. Pagsapit sa isang brgy. ng Palo (Cogon) huminto ulit ang driver dahil may nagpapababa daw. Pero wala kaming narinig nun kundi sya lang ang nakarinig at wala ngang bumaba saka tumuloy na lang ulit ang byahe.Sa di kalayuan mula cogon ay may tatlong estudyanteng nagpababa. Medyo lumuwang din. Maya-maya ay heto't huminto na naman ang sasakyan dahil may pumara at nakita namin yun. Pero ilang minuto rin ang inihinto ng sasakyan ngunit walang sumasakay na pasahero kaya dali-dali nang umandar muli ang makina ng sasakyan saka umalis. Sa huling pagkakataon sa isang baryo ng Tanauan malapit sa bukid na nilandslide ay may narinig kaming kalansing ng barya na sinundan pa ng tunog ng nahulog na barya. Huminto ang driver ""Paraanin nyo, may bumababa"" sabi ng driver. Nagkatinginan na lamang kaming mga pasahero lalo't nasa dulo pa naman ako. Lalo akong nanlamig.
Umabot kami sa lugar namin na walang nangyaring masama o disgrasya. Ngunit ang karanasang aming nasaksihan ay higit pa sa disgrasayang maaari naming sapitin.
BINABASA MO ANG
HORROR STORIES
Horrorhorror story na hindi ko alam kung matatakot kayo enjoy reading