Shikataganai

15 2 2
                                    

Ella's POV (Eya)

****
For an eighteen year old girl, do I deserve this? Of all people, why me? Why not the killers? The thieves? The rapist?

Why not the sinners? Am I really that sinner in my past life? Did I kill someone? Did I wish for someone's death and now it turned out to be me who's dying?

Huh. Life really sucks.

I'm Ella.
I'm sick.

And I can't do anything about it.

*********

"Inhale" Huminga ako ng malalim tulad ng sinabi ng doctor.

In 3 years of undergoing chemo, parang nawawalan na'ko ng pag asa. Wala rin namang nangyayari, eh. Hindi nila alam kung gano kasakit at kahirap ang sitwasyon ko. I just want to give up.

"Owkey... Pwede ka ng bumalik sa bed mo." Naka ngiting wika ng doctor. Inalalayan niya akong tumayo at iginaya ako sa kama ko. Hinang hina akong humiga.

"Rest okay?" Paalala nito.

"Yeah. In peace" sarkastiko kong sagot. Marahan lang itong tumawa.

"And pray" pinal niyang wika bago tuluyang lumabas.

"What for? Kahit siguro dasalan ko na lahat ng santo, wala na ring mangyayari" Wika ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa labas. Makulimlim.

Kahit hinang hina ako ay pinilit kong tumayo. I made my way outside of the mansion. Sinigirado kong walang makaka kita sakin. Buti nalang talaga magaling parin ako sa Hokage moves. Haha!

"When was the last time I walk here?" I asked to myself ng maka labas nako ng tuluyan. Ni hindi ko na matandaan kung kaylan.

Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayos lang.

Matapos ang halos 15 minutes na paglalakad, naka rating ako sa isang bakanteng lote. Napaka ganda ng lote nayon. Hindi park pero mas maganda pa ito kaysa don.

Pumasok ako at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Hi" Isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likod. Walang emosyon ko lang siyang tingnan at hindi nagsalita.

"Wala ka rin bang kaibigan sa lugar na'to kaya ka nandito?" Tanong nya. Base sa tanong niya ay lumalabas na wala siyang kaibigan kaya siya nandito. Well, hindi naman sa wala akong kaibigan. Mas gusto ko lang talagang mapag isa. 

"No" sagot ko.

"Ah ganon ba. Ako kase wala eh"

"Ah" Tugon ko. Wala na akong ibang sinabi dahil hindi naman ako interesado sa kwento ng buhay niya. Masyado nakong maraming iniisip para dagdagan niya pa.

"Uy, ang putla mo. Okay ka lang?" Tanong nito habang tinitignan ako. Tss. Masyado siyang madaldal. I hate it.

"Do I look okay?" Tamad kong sagot sakanya. My goodness. Mali ata ang desisyon kong lumabas-_-

"Anong nangyari sayo?" Inosente niyang tanong. Hinarap ko siya.

"Mahabang kwento. Gusto mong ikwento ko?" Tanong ko sakanya kahit wala naman akong balak na mag kwento. Natigilan ito at bahagyang nagisip.

"Baka gabihin tayo pag nagkwento ka. Summary nalang" Ngiti niyang sabi.

I sighed.

"I'm sick"

"Ahh" See? Kahit siguro ikwento ko sakanya ang buong buhay ko ay ganyan lang magiging reaksyon niya.

"Takot ka bang mamatay?" Bigla ay tanong niya. Hindi ako naka sagot kaagad. Oo may sakit ako, pero kahit kaylan hindi ko tinanong ang sarili ko kung takot ba'kong namatay.

Till I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon