Chapter 8 : Reality Show

76 1 0
                                    

Nicole Anne's POV

"That's all for today." Nakangiting saad sa akin ni Sir Vince. Katatapos lang ng lessons namin. Di ko nga alam kung may natutunan ba talaga ako eh.

"Thank you, Sir!"

"Is your Oppa here already? I need to go now, see you tomorrow." Sabi ni Sir Vince at naglakad palayo. Nasa school pa din ako, dito kasi kami nagtututor eh. 8pm na ng gabi kaya naman madilim na.

Lumabas ako ng building at pumunta sa gate para maghintay. Dito daw kasi ako susunduin ni Kuya. Pero shemay ang creepy kasi wala na atang tao dito tapos ang lamig lamig pa.

Habang hinihintay ko si Kuya, may naramdaman akong nakatingin sa akin. Or baka imagination ko lang yun? Ewan, kinikilabutan ako. Bakit ba kasi gabi yung tapos ng lesson namin?

Nagulat ako noong may nagtakip ng bibig ko. Pucha! Meron ba may galit sa akin dito ha? Sinubukan kong pumiglas at sumigaw kaso malakas ang nagtatakip ng bibig ko. Ano, mamamatay na ba ako? Di ko pa nabibisita puntod ng magulang ko tapos mamamatay na ako?! Naiiyak na ako habang pumipiglas kaso biglang tumawa yung lalaki. The fuck?

"Saengie! Wag ikaw takot, joke lang." May lumapit sa aming lalaki. Si Kuya. Tumatawa siya habang naglalakad papunta sa amin. Siraulo ata tong Kuya ko eh.

"Mianhae!" Sabi noong lalaking nagtakip ng bibig ko habang nagpipigil ng tawa. Tinanggal ko ang suot niyang facemask. Punyeta, ito yung lalaking may malaking tainga eh.

"Kuya naman eh!" Sabi ko at hinampas si Kuya. Tawa lang sila ng tawa. Halos umiyak na ako tapos yun pala, pinagtripan lang ako?!

"Hoy ikaw tenga, tatanggalin ko yang tenga mo!" Sabi ko at piningot ang tenga nung lalaki. Aba kahit matangkad siya, abot ko naman kahit papaano ang tenga niya. Kung hindi pa ako inawat ni Kuya, baka natanggal na talaga tenga noon.

"Saengie, sorry na." Sabi sa akin ni Kuya. Tse, galit ako sa kanya. Nasa van na kami at pauwi. Kasama din naman namin ang ibang members. Nakakagulat nga at ang tahimik nila eh. Siguro alam na din nila kung anong kalokohan ginawa sa akin ni Kuya.

Nakarating kami ng dorm nang hindi ko pinapansin si Kuya. Yung ibang members pinagtatawanan lang siya. Bahala siya diyan, halos lumundag na puso ko kanina dahil sa kalokohan niya.

Dumiretso ako nang kwarto ko para magpalit ng damit. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain. Pagkatapos ko gawin ang mga seremonyas ko, lumabas agad ako para kumain. Hindi pa rin ata sila kumakain kasi kinatok nila ako kanina para yayain kumain.

Hindi ako umupo sa tabi ni Kuya. Umupo ako sa tabi noong mukhang siopao at may eyeliner. Tinitigan nila si Kuya at mukhang inaasar. Umupo si Tenga sa harap ko nang nakapout. Mukha siyang isdang may tenga.

Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos ko kumain ay dumiretso ako agad sa kwarto. Narinig ko naman ang mga mahihina nilang boses. Aba mahina pa ba iyon, eh abot ng kwarto ko yung boses nila eh.

Nagliwaliw muna ako sa phone ko. Ang outdated ko na ata sa Kpop. Pero sobrang nakakaloka kasi pagmumukha ko yung laman ng newsfeed ngayon. Grabe di pa rin masyadong nagsisink in sa utak ko ang nangyayari. Parang dati sa fanfic ko lang ito nababasa, ngayon nangyayari na siya mismo sa akin.

Lumabas ako ng kwarto upang maghanap ng pagkain. Hindi ako nabusog sa kinain ko kanina eh. Mukhang tulog na ata ang iba dahil madilim na ang sala. Tanging ilaw lang ng pinapanooran ni Kuya na tv ang nagbibigay liwanag. Umupo ako sa tabi ni Kuya at nakinood. Mukha naman siyang nagulat sa akin.

"Bakit ikaw gising pa?" Tanong sa akin ni Kuya.

"Gutom pa ako eh." Sagot ko. Tahimik lang kaming nanonood. Ang awkward naman. Nagsalita si Kuya para basagin ang katahimikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pornstar Ang Kuya Ko?! [EXO Kai Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon