Her wish

170 8 0
                                    

HER LAST WISH


"Luke! Ano ba?! Hanggang kailan ka magiging ganyan? Hindi ka na ba naaawa sa sarili mo?!" galit na sabi ng bestfriend kong si Krystal habang sinusubukan yang itayo ako. Tinabig ko siya at tinulak. "Wala kang pakialam!" sigaw ko pabalik sa kanya. Galit ako sa mundo at sa sarili ko. Lintek na buhay to!


"May pakialam ako kasi ako ang bestfriend mo!"


"Bestfriend lang kita pero hindi ibig sabihin nun ay pakikialaman mo na ang buhay ko!" malamig na sabi ko. Kitang-kita ko kung paano siya nasaktan sa sinabi ko. Nakita ko rin ang paunti-unting mga luha na tumutulo sa kanyang mukha, pinahid niya lang ito at saka tumakbo palabas sa kwarto. Alam kong nasasaktan rin siya sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko sanang mag sorry sa kanya pero kahit gustuhin ko man ay di ko magawa. Isang taon ng nakalipas ng mawala siya sa buhay ko. Nasasaktan pa rin ako at nagdurusa. Siguro nga baliw na ako kasi nakikita ko siya mismo sa harap ko.


"Luke sana hindi mo ginawa yun kay Krystal, nag-aalala lang siya sayo," mahinahong pagkasabi niya. I ignore her. Hallucination ko lang siya. Hindi siya totoo. Tama. Nababaliw na nga ako. "Hanggang kailan mo ba ako iiwasan Luke?" tanong niya. Ayoko ko siyang pansinin. Ang sakit-sakit na. Bakit ba ako pinarusahan ng ganito? Paulit-ulit na lang ang sakit na nararamdaman ko simula nang mawala siya. Para akong pinapatay ng paulit-ulit.


Ako ang dahilan kung bakit siya namatay at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari. Pero bakit ganun? Galit ba sa akin ang Diyos? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? Nasa harap ko ngayon ang multo ng aking nakaraan. Oo, isang multo. "Luke naman, tatlong araw na ako dito. Bakit hindi mo ko pinapansin?" malungkot na tanong niya. "Kerstine,Bakit ka pa bumalik? Galit ka sa akin kaya ba minumulto mo ako ngayon? Hindi ka ba nagiging masaya na naging miserable ang buhay ko nung nawala ka?" Umiiyak na ako. Kahit anong gawin ko, hindi na talaga ako magiging masaya. Gusto kong matawa sa sitwasyon ko ngayon. I'm crazy. Baliw na ako kasi kinakausap ko ang taong wala na sa mundong ibabaw.


Nawala siya sa buhay ko na ako ang dahilan. Nandoon ako sa aksidenteng iyon. Kitang kita ko sa sariling mata ko kung paano siya namatay, pero wala man lang akong ginawa.


"Alam mo naman kung bakit ako nandito diba? Please wag ka ng umiyak, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan," pakiusap niya. Nakatingin lang siya sa akin at ang mga mata nito ay parang nangungusap. It's begging me to move on. Sinabi niya sa akin kung ano ang dahilan kung bakit siya nandito. Gusto niyang tuparin ang huling kahilingan niya. Binigyan siya ng Diyos ng sampung araw para gawin yun. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng nagpakita siya sa akin, may pitong araw na lang siyang mamalagi sa mundong ito. Pitong araw. Sana matapos na nga ang pitong araw na iyon para hindi na ako nagdurusa. I want her to stop because it's killing me. Sa bawat oras na kasama ko siya, lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko. Kasi sa huli, iiwan niya ulit ako.


Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko kaya. Kasi sa tuwing nakikita ko siya, pabalik balik sa akin ang eksenang naaksidente kami noon. Naaksidente kami ng dahil sa katangahan ko, sa kagaguhan ko. Kung hindi ko sana binilisan ang takbo ng kotse, hindi sana mangyayari yun. Hindi sana siya namatay. Kasalanan ko ang lahat, sana man lang tinulungan ko siyang ilabas sa kotse bago ito sumabog. Ang duwag ko! Ang tanga ko! Ang gago ko! Hinayaan kong mamatay ang taong pinakamamahal ko.

Her Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon