....
Kuya,gising kana daw sabi ni mama at papasok ka pa sa trabaho mo baka malate ka na naman.
Ayan ang palagi mong maririnig sa bahay namin tuwing umaga, dahil lagi na lang akong ginigising ng kapatid ko para araw-araw akong makapasok sa trabaho at hindi malate. hindi naman sa tamad akong pumasok sa trabaho, sadya lang talaga na hindi ako sanay na gumising ng maaga.
Oo na, heto na at babagon na ako! -Sabi ko sa kapatid kong si vea.
Habang papababa ako ng hagdan, narinig ko pa ang pagtawag ni mama sa pangalan ko.
Tristan, bumaba ka na at nakahain na ang pagkain mo dito at baka malate ka na naman sa trabaho mo.-mahabang litanya ng nanay ko. ganyan nila ko kamahal ayaw nilang mawalan ako ng trabaho. hahaha
Ma,anjan na po! Pababa na ako, saglit lang.
Aba! Bilis-bilisan mo at malalate kana.
Opo nanjan na nga!.
Pagkatapos kong kumain ng almusal nag paalam na ako sa nanay ko na papasok na ako sa trabaho.
hay! ano ba yan trapik pa. inis naman oh! pero maya-maya lang din gumalaw na ang sinasakyan kong taxi,sa wakas malapit na ako sa trabaho.
Ayon oh! Nakarating din. kala ko hindi na ako makakarating eh.
Pagdating ko sa tapat ng opisina na pinapasukan ko marami pang empleyado sa labas,kaya naisip ko na hindi pa ako late.
GOOD MORNING! MAAM / SIR!
Masayang bati sa amin ng guard,habang papasok kami ng building. sumakay kami ng elevator at sa wakas nakarating narin ng 15 floor.
TING!
Dali- dali akong lumabas para makapasok agad dahil sigurado akong late nanaman ako at sesermonan na naman ako ng masungit kong boss.pero nagkamali ata ako dahil hindi niya ako sinermonan Dahil pagkakita niya sa akin eh hindi niya man lang ako pinansin at dirediretso lang sa opisina niya. kahit nga nung binati ko siya ng GOOD MORNING MAAM! Aba hindi parin ako pinansin. tsk! mukang meron si ma'am ngayon ah. ang sunget eh! haha ano pa nga bang bago dun? Kaya dumiretso na lang ako sa pwesto ko at nag umpisa nang mag trabaho.
Maya-maya narinig ko na lang yung boss ko may kausap.
Nay,nakikiramay po ako sa nangyari.
Hanggang sa matapos na yung trabaho ko, hindi man lang ako kinakausap ng boss ko, tumitingin lang siya sa akin tapos yun lang tinitingnan niya lang ako. Hanggang sa paguwi ko sa bahay................
bakit kaya ang daming tao dito? Tanong ko sa sarili ko.
Mare,nakikiramay talaga ako sa nangyari sa anak mo.
Ha? Ano daw? Ano bang nangyayari dito? Tanong ko uli sa sarili ko. hanggang sa narinig kong umiiyak yung kapatid ko at ang mama ko.
"Bakit mo kami iniwan kaagad Tristan kawawala nga lang ng papa mo tapos sumunod ka ka kaagad".- paulit-ulit na sinasabi ni mama kasabay ang walang humpay niyang pagiyak.
"Oo nga kuya, ang daya mo sabi mo di mo kami iiwan tapos ngayon iniwan mo na kami di ka man lang nagpaalam".- dugtong pa ng kapatid ko.
Ma, anu bang pinagsasabi niyo jan? nandito kaya ako.
Sabi ko, at habang sinasabi ko yan bigla na lang may nag flash back sa isip ko.
FLASH BACK..
Manong pakibilisan naman po malalate na kasi ako eh.
Sabi ko sa driver ng taxi na sinasakyang ko papuntang opisina.
Sige po sir.
Binilisan naman ni manong ang pagmamaneho ng bigla namang may sumulpot na truck sa unahan namin at nabunggo ang sinasakyan kong taxi
Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!
END OF FLASH BACK..
Ngayon lang pumasok sa isip ko kung bakit hindi ako pinapansin ng mga tao sa opisina at kung bakit hindi ako sinermunan ng boss ko ay dahil sa patay na ko.
Hanggang sa pagkamatay ko LATE, ko paring nalaman na wala na pala ako dito sa mundo.
Hindi talaga maganda na palagi kang late dahil hindi mo nalalaman ang mga pwedeng mangyayari sa paligid mo.
END..
Written by: vanz003