"Jeric! Eto na yung ticket mo para sa play mamaya." sabi ni Marco habang inaabot sakin yung ticket.
"Salamat bro!" nakangiti kong sabi.
"Handa ka na ba talagang makita sya?" biglang nagbago yung mood ni Marco.
"Bro antagal ko ng hinintay to. Handang handa na ko. Pero sana, sya pa din yung Sofia na nakilala ko." sabi ko na may pag-aalinlangan.
"Bahala na mamaya bro. Kita na lang tayo nila Sandra at ng barkada mamaya 6 pm start nyan bro. Quarter pa lang dapat nandun na tayo." paalala nya sakin.
"Sige bro. Salamat ulit!" sabi ko at umalis na.
*at the play*
"Sino nga ulit yung prima ballerina?" tanong ni Kristine.
"Si Sofia." sagot ko.
"Ano? Si Sofia? Seryoso? Akala ko nagjojoke lang kayo nila Marco nung sinabi nyo yun." sabi nya ng may halong gulat at lungkot.
"Miss mo na si Fia no? Ilang taon din sya sa New York. Buti na lang naisipan nya pang bumalik. At kita mo nga naman, natupad na yung pangarap nya." sabi ko na nakatingin sa kurtina sa stage.
"Miss na miss ko na yun si Sunget. Bruha yun, di man lang nagparamdam satin nung nasa New York sya. Haha. Naabot na nga nya yung pangarap nya, ang tanong, sya pa din ba yung sunget na best friend natin?"
"Sya pa rin ba yung Fia na mahal ko?" dagdag ko.
And yes, I'm in love with a ballerina
Miski ako, iniisip ko yun. Pano kung sabay ng pag-alis nya nagbago na din sya? Sana naman hindi.
Naputol yung usapan namin ni Kristine ng magsimula na yung play.
"Let's welcome, our Prima Ballerina, Sofia Santiago!"
Nagpalakpakan lahat ng tao.
Ibang iba na sya ngayon. Mas gumanda sya. Dati inaasar ko pa sya na hindi sya pwedeng magballet kasi ang taba nya at hindi sya graceful kumilos. Pero ngayon, fit na fit sya maging ballerina. Compared dati mas graceful na sya kumilos. Yung ngiti nya, sobrang nakakainlove. Teka, nasabi ko na bang gumanda sya lalo?
Natapos yung play na sobrang ganda nung palabas. Sobrang galing ni Fia. Lahat ng tao satisfied. Nakangiting lumabas ng hall.
Dumiretso kami sa booth ng mga ballerinas. Nakita namin yung tag sa isang kwarto. Sofia Santiago - Prima Ballerina.
"Eto na yung room ni Sofia. Kakatok na ko." sabi ni Lou.
Agad din naman kaming pinagbuksan ng pintuan ng isa sa staff.
"Sino po kayo?" tanong nya.
"Kaibigan kami ni Sofia. Pwede ba namin syang makausap?" tanong ko.
"Ma'am Sofia, may naghahanap po sa inyo. Mga kaibigan nyo daw po." sabi nung staff sa babaeng nasa kabilang dulo ng kwarto.
"Sige, papasukin mo." naunang pumasok sila Sandra at sumunod kami nila Marco.
"Sungeeeeeeet!" sigaw nila Lou.
"Gaaaaaaah! Buti nandito kayo! Miss na miss ko na kayo!" ganting sigaw ni Fia. Hindi pa nga sya nagbago :)
"Hi Sofia!" sabi nila Marco.
"Pati kayo nandito? Haha. Mga baliw! Miss nyo ko no?" pangaasar ni Fia.
"Fia." yun lang yung nasabi ko.
"Jeric!" anlakas ng pagkakasabi nya sa pangalan ko. Tumakbo sya papalapit sakin at niyakap ako. Na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
"Miss na miss kita Fia." sabi ko.
"Miss na miss din kita Jeric." sagot nya.
"Lalabas na muna kami ah? Iwan muna namin kayo." paalam nila Marco.
Tumango na lang si Fia at umupo kami sa couch.
"Kamusta ka na?" tanong sakin ni Fia.
"Eto, ilang taong naghintay sa pagbalik mo. Sabik na sabik na makasama ka ulit kasi hanggang ngayon ikaw pa rin Fia. Ikaw pa rin yung mahal ko." sabi ko ng nakatingin sa mga mata nya.
"Ikaw, kamusta ka na?" tanong ko agad.
"Eto, masayang masaya. Biruin mo nga naman, dati inaasar mo akong di ako pwedeng maging ballerina pero ngayon eto na ako. Nagpeperform kung san sang parte ng mundo." sagot nya ng nakangiti.
"Pero sobrang saya ko din dahil sa isang rason." hindi ako nagsalita, hinintay ko syang magpatuloy.
"Sobrang saya ko dahil nandito ka. Akala ko kasi galit ka sakin dahil umalis ako ng walang pasabi noon. Pero eto na ko ngayon, gusto kong bumawi."
"Mahal na mahal pa din kita Jeric. Hindi magbabago yon."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay naglapat ang malalambot naming labi.
"I love you Jeric" sabi nya ng nakangiti matapos nya kong halikan.
"I love you more Fia. And I'm in love with a ballerina."
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Ballerina
Teen FictionUmalis sya ng walang pasabi. Yun pala gusto nya talagang maging ballerina. Hindi man lang sya nakipagusap samin habang nasa New York sya. Sya pa rin kaya yung Fia na mahal ko? - Jeric Cruz