"Ayiee. Para kanino yan? Siguro sa boyfriend mo noh?"
Andito na naman siya sa likod ko. Nakasunod. Ewan ko ba kung anong problema nitong Josef Delgado na'to kung bakit sa dinami-rami ng tao dito sa subdivision ako pa yung lagi niyang pinag-aaksayahan ng oras maasar lang.
"Paki mo naman kung boyfriend ko?" Tinaasan ko na siya ng kilay nang makarating siya sa gilid ko. Naka-bike kasi siya habang nakasunod sakin. Ako naman nakahawak ng bulaklak na napitas ko kanina sa daan. Naglalaro ako ng he-loves-me-he-loves-me-not kahit wala namang lamang tao ang laro ko. Trip-trip lang.
"Sumbong kaya kita sa mama mo?" Itinigil niya yung bike sa harapan ko kaya napatigil din ako sa paglalakad.
"Bakit? Close kayo?" Feeler masyado. Eh wala naman talaga akong boyfriend.
"Uso kaya makipag-FC-han ngayon." Ngumisi siya. Nagmukha tuloy siyang baliw na aso. Tss.
"Di makipag-FC-han ka." Lumiko ako ng daan tsaka nilagpasan siya.
Ganyan kami araw-araw ni Josef. Magkakasalubong sa daan tapos sa halip na hi-hello-kamusta ang usapan lagi nalang nauuwi sa asaran., pikonan, tarayan at bangayan. Childhood enemies kasi kami. Pero parang hindi naman. Sa pagkakaalala ko kasi magkaibigan ang mama naming dalawa. Parati pa nga akong tumatambay sa harap ng tindahan nila nung kinder ako. Kaya ewan ko kung bakit palagi nalang akong naiinis sa kanya kahit ngayong fourth year highschool na kami.
Hindi ako palakwento. Matipid akong magsalita lalo na kung hindi ko naman ka-close ang nakikipag-usap sakin. Kwaderno, libro, lapis o di kaya pluma lang yung mga bestfriends ko. Bahay-school lang din ako palagi. Hindi rin ako nagpapahatid sundo sa school kina mama at papa. Magastos kasi sa gas. Trip ko lang maging tipid. Kaya nilalakad ko lang papunta sa school pati na rin pauwi sa bahay.
Dahil diyan, laging pinagtatagpo ang landas namin ni Josef. Minsan gusto ko na ngang isipin na lagi niya akong binabantayan sa daan mainis lang eh pero asa naman ako. Bago kasi ako makauwi sa bahay madadaanan ko talaga ang bahay nila. Swerte lang kung magkasakit ang loko, kapag kasi wala nandiyan yan lagi sa labas, nagba-bike. Hindi na nagsawa sa mukha ng subdivision. Psh.
***
Sunod na araw, ginabi ako ng uwi. Medyo sinipag kasi mga guro namin kaya nagbigay ng sandamakmak na mga projects at skit plays. Sakit sa ulo ang trip nila. Haist!
"Oy. Ginabi ka yata?"
As usual, sino pa nga ba ang taong yan. "Nangaswang ako. Gusto mo mabiktima?" Diri-diritso lang ako nang lakad. Mamaya mabiktima pa ako ng totoong aswang.
"Di nga? Nagdate na naman kayo ng boyfriend mo noh?" Sumunod pa talaga siya.
"Nangaswang nga ako sabi." Ang kulit.
Gaya kahapon, hinarangan niya naman ako ng bike niya. "Sumakay ka. Hahatid na kita sa inyo."