Friday na ngayon. Ibig sabihin awarding na ng lahat ng competitions na naganap ngayong intramurals. Second placer yung section namin sa buong fourth year level pero nababagot pa rin ako. Wala ako sa mood lalo pa't hindi ko natalo yung Mark na yun! Tapos ilang beses pakong tinabid ni Rye-mee nung nag-alok akong dalhin siya sa clinic nung Wednesday. Umayaw-ayaw pa nung una yun pala ang Mark lang na yun ang gusto niyang kumarga sa kanya. Badtrip!
"BADMINTON MIXED DOUBLES, SENIOR. SECOND PLACE GOES TO 403! FIRST PLACE GOES TO 408. . .AND THE CHAMPION IS. . .CLASS 401! PLEASE COME UP THE STAGE AND CLAIM YOUR MEDALS AND CERTIFICATES."
Tumayo kami agad ni Trisha at umakyat ng stage.
"Josef sorry kung second lang tayo ha? Alam kong gusto mong manalo pero--"
"Okay lang yun Trish." Nginitian ko siya. Pilit na ngiti.
"Sorry pa rin talaga." Yumuko ito. Siguro nako-konsensiya dun sa pagkatalo namin laban kina Rye-mee kaya nag-smile ulit ako sa kanya at ginulo yung buhok niya. Alam ko namang ginawa ni Trisha ang best niya. Ako lang yung bobo na dinamay ang laro sa nararamdaman ko.
Wala naman talaga akong pakialam manalo man kami o matalo. Gusto ko lang talagang tamaan ng shuttlecock ang Mark na yun, yun na ang panalo sakin, kaso nga hindi lang ako natalo sa laro pati na rin sa diskarte. Nanggigigil pa rin talaga ako sa tuwing naaalala ko yung pag-akbay niya kay Rye at yung pagbuhat niya sa kanya. Urgh! Ba't ba hindi ko yun maalis-alis sa utak ko?!
Matapos akong sabitan ng medalya ng sports director ng school tumingin ako kay Rye-mee. Napayukom ako ng kamao. Nakita ko kasing parang may ibinulong yung Mark sa kanya. Tapos nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari. Nilapitan ni Mark ang emcee. Pagbalik niya hawak-hawak niya na yung microphone tapos lumuhod sa harap ni Rye. Naghiyawan ang lahat ng nasa colliseum. Pwera sakin.
"Rye-mee Lamis Sanchez, can I court you?" Parang nasemento ako sa mga narinig ko. Pakiramdam ko biglang tumigil yung pag-ikot ng mundo ko. Inis. Kaba. Takot. Pag-aalala. Naghalo lahat ng yan dito sa puso ko.
Gusto kong sugurin ngayon ang Mark na yun at hilahin si Rye palayo sa kanya. Natatakot kasi akong marinig ang maaaring isagot ni Rye sa tanong niya. Pero wala naman akong karapatang gawin yun dahil wala naman akong pinanghahawakan na kahit ano mula sa kanya. Kahit pagkakaibigan wala. Gusto ko nalang takpan yung mga tenga ko ngayon. Ayokong makarinig ng sagot mula sa kanya.
Pero sa halip na sagutin ni Rye si Mark, hinila niya lang ito pababa ng stage. Palayo sa lahat ng taong nag-aabang sa maaaring kahantungan ng nangyayari. Palayo sakin.
***
Naging laman ng usapan ang nangyaring eksena kanina sa stage. Kahit saan ako lumiko pareho lang ang mga naririnig ko.
"Uwaaa! Ang sweet talaga ni Kuya fourth year!"
"Yiee! Kapag ako ginanun yes na agad!"
"Ganun ka dapat dumiskarte sa chika mo bro!"
"Nyaaa!"
"Oh-Emmm-Geeee!"
Bawat ingay na naririnig ko ay katumbas ng malalim na saksak sa nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na sa tinagal-tagal ng pagkukubli ko sa nararamdaman kong 'to darating sa puntong makakaramdam ako ng sobrang pagsisisi. Sinayang ko lang ang 11 years na kasama ko siya.
Umupo ako sa bench malapit sa building namin at isinandal ang gitara ko sa gilid. Dito kung saan lagi kong pinagmamasdan si Rye na nakaupo nang mag-isa. Nagbabasa ng libro, nagsusulat, gumuguhit. Naaalala ko yung mga araw na hindi ko natitiis na basta nalang siya tingnan. Bumababa ako mula sa floor ng year level namin tsaka nilalapitan siya kahit na alam kong maiinis lang din naman siya sakin. Lagi namang ganun.
