Hindi Pa Handa :))

62 3 0
                                    

Sisimulan ko sa walang kwenta .

Sensya na diko pa alam kung pano tapusin di ba ?

Pano nga ba gumawa ng tula ?

Pano kapag dika handa ?

Para ba tong bato bato pick ?

Ano ba to nakakaadik ?

Para ba ito sa may mga saltik ?

Diko alam basta pantastik !

Para ba tong taguan ?

O Magsyotang may tagpuan ?

O mag anak na nasa isang upuan ?

Baka naman binatilyong nasa kangkungan ?

Bagay ba ang tula sa panliligaw ?

Siguro nga kasi ako'y giniginaw !

Mga lalaking lakas mantrip kuno'y manliligaw ..

Sa dulo kakain ka lang din naman ng lugaw .

Kapag hindi ka handa gumawa ng tula ,

Anong ilalagay mo ?

Pwede ba yung hello lang o kahit Taena mo ?

Anong bang nasa utak mo ?

Bakit ka nga ba gagawa ng tula ?

Kung sa panliligaw ; ito'y gagamitin mo,

Lagay ka ng sweet words itodo mo .

Di naman alam kung totoo ba ito o loko loko .

Kung sabagay uso yan ngayon ,

Puro salita ni walang aksyon .

Usong uso lalo na pakikipagkomunikasyon . 

Sarap ngang itapon .

Ang pag-ibig nga daw parang tula ,

Bakit ka gagawa kung di pa handa ?

Bakit ka susubok kung wala kang alam ?

Lalong lalo na kung hindi mainam .

Pag nagmahal ka parang tula dapat ,

Sakto ang sukat at dapat tapat .

Galing pa yan sa bottom ng heart .

Wag ka lang sana mag fart .

Mag-isip ka ng salitang bagay sa titulo mo ,

Hindi yung mga salitang anlayo sa title mo .

Matatawag ka lang gago ,

Baka nga siguro .

- SxTeen 

Hindi Pa Handa :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon