See You

3.7K 162 51
                                    

See You | by: MikiMouse

Minsan may mga taong palaging nasa tabi lang natin. Yung tipong nakakainis pero nasanay ka na rin dahil sa halos araw-araw mo siyang kasama. Yung tipong iniisip mong okay lang kung mawala siya para mawala na yung istorbo sa buhay mo.  Pero nagkamali ako.


Makulimlim na umaga ang sumalubong sa akin pag gising ko. Bagamat madilim pa ang kalangitan ay alas singko na ng umaga. Naligo ako, kumain at nagbihis, pagkatapos ay umalis na ng bahay. Hindi kalayuan ang eskwelahan ko kaya nilalakad ko lang ito. Minsan pag tinatamad ako, nagtatricycle ako, kaso magastos. Isa na namang araw, nakakatamad pumasok kahit ilang linggo pa lang mula noong simula ng pasukan.

Malapit na 'ko sa eskwelahan nang bigla na lang may sumabay sa akin. Uniporme ng school ko ang suot niya. Pamilyar din siya sa akin, ngunit di ko lang maalala. Tahimik lang kaming naglakad, walang umiimik, at tila ba'y may mga sariling mundo kami. Malapit na 'ko sa room nang bigla siyang umiba ng daan.

" See you later." sabi niya sa akin. Binigyan niya rin ako ng matamis na ngiti na tila ba kumumpleto agad sa araw ko.

Pagtagal ng panahon, nagkaroon ako ng mga kaibigan, at isa siya doon. Noong una kaming nagkita, akala ko hindi ko siya kaklase. Nagkataon lang pala na may gagawin siya nung araw na 'yun. Noong una, hindi pa kami masyado nagpapansinan, pero 'di kalaunan, ay unti-unting naging magkaibigan na kami. Madalas din kaming magkasabay sa pagpasok kaya lalo pa kaming naging close sa isa't isa. Madalas din kaming magkasabay pag-uwi, kasama ang iba pa naming kaibigan. Noong una nga akala ko sobrang tahimik siya, yun pala hindi. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, katulad ng pagkahilig niya sa aso, na magaling siya sa badminton, at marami pang iba. Di ko akalaing ganun siya.

" See you tomorrow!" paalam niya at umiba na ng daan. 

" Bye! Bukas ha!" sabi ng mga kaibigan namin.

Makwento rin siya. Madalas niyang kinukwento yung aso niya, tapos tungkol sa studies, at marami pang iba. Madalas din walang kwenta yung mga sinasabi niya. Pero nagkamali ako.

" Alam mo ba kung bakit 'See you' ang sinasabi ko imbis na goodbye o bye?" sabi niya. Pauwi na kami nung mga oras na yun. Konti na lang ang tao noon sa hallway.

" Bakit?" sabi ko na halatang walang interes sa topic niya.

" Kasi pag nag 'bye' ka sa isang tao, ibig sabihin nun hindi na kayo magkikita. Kaya 'see you' ang sinasabi ko, ibig sabihin nun magkikita pa kayo uli." sabi niya at tsaka ngumiti. Pero sa ngiti niyang yun, tila may tinatago siya.

Mabilis lumipas ang panahon. Isang araw, nagulat na lang kami dahil naging 'love team' kami. Sabi nga nila, hindi nawawala ang love team sa isang classroom. Pag nagtatabi lang kami, 'ayie' ng 'ayie' na agad ang mga tao. Nakakainis. Minsan, naisipan kong layuan na siya. Gusto ko na siyang iwasan para hindi na ko asarin sa kanya. Awkward kasi ang feeling.

Sinimulan ko na siyang layuan, umpisa sa pagpasok sa school, inaagahan ko na para hindi ko siya makasabay. Pag walang klase, lagi akong lumalabas ng room, pag-uwian sinasabi kong matatagalan ako, pero ang totoo ayoko siyang makasama kasi aasarin na naman ako. 

Hindi ako nagtagumpay sa plano ko, sa lalo kong pag-iwas sa kanya, lalo siyang lumalapit sa akin.  Parang sinasabi niyang ' Wag mo na lang silang pansinin ' sa mga pinapakita niyang kilos.

See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon