"Hoy anu ba di kayo kikilos?", sigaw ng Dad ko.
"Eto na PO wag kayong atat PO.", sagot namin sa kanya.
Dad was really in a hurry kasi kakadating lang nang aming great grandmother mula sa airport and I'm guessing from the way Dad was acting nagmula yata yung Granny kong yun sa Europe o sa Canada yata. Ewan ko wala akong ganang tanungin siya.
Anyway, ako nga pala si Sam Melvin at dito nagsisimula ang pinakaparanormal na pangyayari na naganap sa aming weird na pamilya.
~ C h a p t e r 1 : T h e C o n j u R A I N ~
"Dad pwede na bang sabihin mo sa amin kung saan tayo pupunta?", tanong ng matanda kong kapatid na si Brad.
"It's a secret malalaman mo kapag nadoon na tayo", reply niya.
"Asus pa-secret secret ka pa ba't di mo na lang sabihin at matigil na tong pagtatanong namin", sabi ko sa isip ko dahil hindi ko pwede sabihin yan outloud dahil baka mahampas ako sa pwet niyan.
Tatlo kaming magkakapatid: ako, si Brad, at yung bunso kong kapatid na hindi ko alam kung saan ipinaglihi sa anghel ba o sa dem*nyo na si Suzie.
Ilang oras kaming nag-roadtrip at feeling ko masusuka na ako kasi binuksan ni Dad yung radyo at sabay silang kumanta ng-
"Di mo alam dahil sayo, ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig, SANA DI MAGING KATULAD MO! Tulad mo na may pusong batoooo!".
Tapos nung malapit na kami bigla bigla na lang umulan ng malakas at bumaha. Wow ha bibisita na nga lang ayaw pa ni ulan. Tumigil na ang pamilya ko sa pagkanta kaya tinanggal ko na yung earplugs sa tenga ko.
"Anu ba tong lugar na to ba't bigla na lang umulan?", sabi ng Dad ko.
"Bumalik si Ondoy, kumanta kasi kayo eh.", sabi ng isip ko.
Nung nakarating na kami pinapasok kami ng mga maids at butler ng Granny Gertrude ko. Yung Granny ko ay nasa library daw at naghihintay sa amin. Ang arte naman niya kailangan mag introduce pa siya sa kanyang "library".
Nung pumasok na kami nag chismisan na yung mga magulang at yung Granny ko. Tumingin ako ng mga binabasa ng lola ko at na notice ko na puro crime stories lahat ng libro. Si Suzie naman ang ingay kung ano-ano pinagsasasabi niya.
"Shhhhhh", sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin ang pag-ingay niya.
"bla bla, lalala, weee, yay, haha", at kung ano-ano pa sinasabi niya.
"Shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!", hanggang sa nagtalsikan na ang laway ko pero ayaw pa rin tumahimik.
"Anu ba Sam hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami ng lola mo? Tumahimik ka naman PLEASE.", sabi ng Mom ko. Wow ha ako pang napagalitan at hindi yung dem*nyita kong kapatid. I realized I needed to take a break sa pamilya ko kaya nag kunwari ako na gutom na gutom na.
"MOOOM I feel faint from HUNGER", sinabi kong pa-oey.
"Ay oo nga pala nag-luto ako ng masarap na pagkain para sa inyo", sabi ni Granny. Wish ko sana Fried Chicken with mash potaoes at gravy ang ulam. " Ay hindi na po nakakahiya at tsaka uuwi na rin kami", reply ni Mom.
"Dito na lang kayo mag stay tutal ang lakas ng ulan sa labas baka pumasok yung tubig sa kotse niyo at magka-leptospirosis pa kayo.", reply ni Granny.
Dali dali naman nag-agree Mom at Dad ko. Sus kunwari lang nahihiya pero kuripot rin pala.
Pagkatapos namin kumain, tinuro ni Granny sa amin kung saan kami matutulog. Nang dumaan kami sa Hallway puro antique stuff yung nakita ko at medyo nakakatakot tingnan, ang pinakacreepy ay may painting doon ng parang kalbong tao na nakayakap sa sarili na tila parang nilalamig.
Anyway, yung Mom and Dad ko ay matutulog sa tapat ng kwarto namin. Unfortunately, hindi masyado alam ni Granny kaming magkakapatid, kasi pinatulog kami sa IISANG kwarto.
"You have GOT to be kidding me", sabi ni Brad.
"Kung ayaw mo mas ayaw KO. Halimaw lang pwedeng magtangkang matulog kasama MO.", ganti ko sa kanya.
"Ang pwede naman matulog sayo ay yung nagsabi ng 'KAMUSTA CRUSH MO?'."
"Thank you I believe."
"Na tanga ka? Oo I believe."
"Di kayo titigil? Sa ulan ko kayo patutulugin kung ayaw niyong mag shut-up.", sinabi ni Granny sa amin. Tumigil na kami sa pagsasagutan pero sinasign-language ko siya na gigilitan ko siya ng leeg kapag natutulog na siya.
Pagpasok namin sa kwarto ilang segundo nag-away na naman kami.
"Sana mahulog ka sa kama at magka Alzheimer's disease ka!", panimula ni Brad.
"Unggoy ka ba? HALATA kasi eh", reply ko.
"Plastic ka ba? Gusto ko kasi ikaw sunugin."
"Hukay ka ba? Gusto kasi kita tabunan ng LUPA"
Gusto ko na sana siyang murahin kaso nandiyan si Suzie baka isumbong ako niyan. Tumigil kami ng mga bandang 12 am kaso sa lakas ng ulan hindi rin kami makatulog. Nakaidlip na ako nang biglang tinawag ako ni Brad.
"Psst. Sam, gising ka pa ba?", bulong niya.
"Ano? Kukulitin mo na naman ba ako?"
"Hindi. May narinig kasi ako sa labas na may lumalakad samahan mo nga ako silipin natin."
"Baka yung mga maid at butler lang yun."
"Ahh ganon.", pasarcastic niyang sinabi. "Naglalakad sila sa hallway nang hatinggabi? Magisip-isip ka nga."
"Sorry po BOSS."
Sa ganitong kondisyon alam kong mag-aaway na naman kami kaya tumayo na ako at tiningnan namin kung sino ang nasa labas sa ganitong oras. I'm pretty sure kung sino man yun ay pupunta lang sa CR kaya hindi ko alam kung bakit gustong gusto ni Brad na silipin siya.
Nang buksan namin ang pinto wala akong nakita pwera ng madilim na hallway. Isasarado ko na sana yung pintuan nang bigla akong tinulak ni Brad at nilock ang pintuan. Kumatok ako at sumigaw kaso inisip ko na baka magising ko yung ibang tao sa mansion kaya naghanap na lang ako ng ibang matutulugan.
Mas nakakatakot maglakad sa hallway ng mansyong ito kapag madilim at walang katao-tao. Ang daming kasing paraphernalia eh hindi na lang simple ang ilagay. May mga ulo ng rhinoceros, painting ng kung ano-ano at mga statue na akala mo negrong nakahubad.
Eventually, nakita ko yung library at doon na lang ako natulog. Mas mabuti na yun kaysa naman matulog ako kasama nung mga putol na ulo ng hayop.
"Anu ba? Poacher ba tong lola ko kaya sobrang yaman?"
YOU ARE READING
A Freakishly Scary Story
HumorSam Melvin was just an ordinary kid with an unexplained paranormal life, and as he at ang abnormal niyang pamilya go visit their rich great grandmother, they get stuck in her very big mansion sa isang misteryosong neigborhood. And as more weird thin...