"Kamusta crush mo?" tanong sakin ni Zairah sabay upo sa tabi ko habang ako naman ay nakahulambaba at nakatingin lang sa bintana, kung saan mula roon, pinagmamasdan ko siya habang masayang nakikipagkulitan sa bestfriend kong si Karla.
"Ayun, may crush ring iba." sagot ko naman.
"Aw. Ayos lang yan friend. Di pa naman sila. Kaya pa yang maagaw. Bwahaha." sabi niya sabay hagod ng likod ko.
"Masaya na sila, guguluhin ko pa ba?" seryosong sabi ko habang ramdam ko na malapit ng tumulo ang mga luha ko.
Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa kaniya.
"HAHAHA. Aba syempre naman." natatawang sabi niya na may kasamang paghawak pa sa tyan.
Tumingin ako sa kaniya saglit at saka binalik ang tingin sa bintana.
"Baliw mo." I blurted.
"Aray. Sakit mo namang magsalita teh." she said while holding her chest and acting as if her heart aches.
"Ikaw kasi, kung anu-ano pinagsasabi mo eh crush ko lang naman si Julius."
Tinanggal ko na ang tingin ko sa bintana at tuluyang humarap sa kaniya.
"Crush nga lang ba?" tanong niya naman sakin na may halong pagdududa.
"Oo crush lang."
Tama crush lang.
Nothing more, nothing less.
Crush ko lang siya at hanggang doon na lang 'yon.
Crush ko lang siya at di na hihigit doon.
Nagwapuhan lang naman ako sa kaniya. Nabaitan. Natangkaran. Nagalingan sa paglalaro ng basketball. Humanga lang sa pagiging matalino. Humanga lang sa pagiging palabiro at gentleman. Hinahangaan ko lang siya at wala ng iba pang ibig sabihin yun. Hanggang doon na lang yon.
"Oh ayan na pala ang CRUSH mo eh, kasama ang bestfriend mo." napatigil ako sa pag-iisip ng bigla na namang magsalita si Zairah.
Tumingin muna ako saglit sa bintana saka tumingin sa pintuan. Nakita ko sila, sabay na pumapasok sa room.
Pinilit kong ngumiti ng biglang napatingin si Julius sa gawi ko at ngitian ako.
"Crush lang pala ha." mahinang bulong sakin ni Zairah ng makitang nagngitian kaming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako at saka tumingin sa unahan.
"Kulet. Crush nga lang eh."
"Ok. Sabi mo eh."
Hay.
Crush ko lang naman siya di ba?
Crush mo lang naman siya Shei di ba?
Oo. Crush nga lang.
"Bes. Sasabay daw satin ngayon si Julius. Wala kasi silang practice eh. Tapos gusto niya na rin daw ako ihatid. Ok lang?" tanong sakin ni Karla habang papalapit.
Nag-aayos na ako ng gamit at naghahanda ng umuwi.
"Oo naman. Ok lang." sagot ko.
Kahit sa loob loob ko, ayaw ko talaga.
Oo alam kong magkakaroon ako ng pagkakataon na makasama siya, pero hindi sa ganitong paraan.
At hindi habang kasama ang bestfriend ko.
Alam ko kasing mao-OP lang ako sa kanilang dalawa at maiichapwera lang.
"Tara na." aya samin ni Julius ng pare-pareho na kaming nakatapos magligpit ng gamit.
Lumapit agad siya kay Bes at pinulupot naman ni Bes ang kamay niya sa braso ni Julius.
At ako?
Heto, nasa likod lang nila. Mag-isa. OP.
Para ngang nakalimutan nilang kasama nila ako eh.
Hay.
Ayan na naman yung sakit.
Naguguluhan na naman ako sa sarili ko.
Crush ko lang siya di ba?
Crush lang naman ang tingin ko sa kaniya.
At hanggang doon na lang yun, sana nga.
"Bye na sa inyong dalawa ha. Andito na pala ako sa harap ng bahay namin eh." sabi ko sa kanila ng makarating ako sa tapat ng bahay namin.
"Sige bye Bes." paalam sakin ni Karla.
Tumango na lang ako saka pumasok na sa gate namin.
Tiningnan ko ulit sila, habang naglalakad palayo sa akin.
Masaya sila sa isa't-isa, alam ko.
At sana magawa ko ring sumaya para sa kanila.
"Hay."
Napabuntong hininga na lang ako.
Tumingin sa kalangitan at pinunasan ang luhang pumapatak sa mga mata ko.
Crush lang kita di ba?
Pero bakit ako nasasaktan?