Chapter 4:Reason of his mistake

94 5 0
                                    

(a/n:sorry sa mtgal na update nagkaroon lng po kasi ng malaking problema si Author and ngayon lang po naayos . So here's the update!!!)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Eduard's POV

"ANG T*NGA KO PARE! SOBRA! G*GO! WALANG KWENTA! MANLOLOKO! PUT*NGINA! WLA NA SYA! wala na kami ni Ria.." sabe ko habng pnagsusuntok ang pader. Nakakabakla man pero naiiyak na ako sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko.

Bakit? sa tingin niyo ba gusto ko ang mga nangyare? Oo aaminin ko pnagpustahan lang talaga namin si Ria pero hindi ko naman inaasahan na mamahalin ko siya ng totoo, na magiging totoo ung pnagpustahan namin.

"Pare, tingin ko kailangan mo munang umuwi. Pag-isipan mo muna ang lahat, ipaliwanag mo sa kanya. Sigurado ako, maiintindihan ka ni Ria" sabi ni Rick. Kaibigan ko siya at siya lang talaga ang nakakaalam ng tunay na mga nangyari.

*

*Flashback**

"Kailangan ko talaga ng pera pare eh. Na-ospital si lola. Wla akong pampagamot, may pera ka ba dyan baka pwde ko munag utangin" sabi ko kay Rain, tropa ko. Nasa bar kami ngayon nag-iinuman, niyaya kasi nila ako kasi mukhang may sasabihin si Mark.

Nung dumating si Mark agad kaming lumapit sa kanila kasi mukhang malaki talaga ang problema niya.

"Wla pare! Taob talaga ako kay Ria!" sabi nya sa amin tska uminom ng alak

"Ria? Takte pare! Hindi ka parin ba sinasagot? Dalawang taon ka nang nanliligaw ah? Mahina ka talaga" sabe ni Marvin

"ayaw nga kasi niya Marvs eh, ewan ko ba. Gwapo naman ako, mayaman. Bakit ayaw pa rin niya?" oo nga naman gwapo at mayaman si Mark kaso may pagka mayabang lang minsan.

"sus! Kung wla lang akong girlfriend baka pakitaan pa kita sa Ria na yan eh! Tignan mo! pag yan napasagot ko! mapapanganga ka na lang" dagdag pa ni Marvin

"Sige, magkaroon tayo ng deal kung sino makakapag pasagot kay Ria  na yan bibigyan natin ng 1,500 kada isa sa atin! oh ano deal kayo?"may pang hahamon na sabi ni Mark

Napansin kong nakatingin sa akin si Rain tska kumindat. Ayon! alam ko na ang solusyon sa problema ko! Pag npasagot ko si Ria bibigyan nila ako ng pera at may pampagamot na ako kay lola.

"GAME!" sabi ko

**End of Flashback**

Ria's POV

"Sige bye Chris, I love you" sabi ko kay Chris saka pinatay ang skype.

Hay! Miss na miss ko na talaga siya. Kung pwde lang na lumipad akong papuntang California ngayon gagawin ko para lang makita at mayakap siya eh.

**I got the eye of the tiger, the fighter, dancing through the fire Cause I am a champion and your gonna here me ROAR**(a/n: ringtone yan ng cellphone, wlang aangal! :P)

Huh? Sino naman to? Unkown number eh

"Hello sino to?" tanong ko sa tumatawag

"Hello, si Ria Montero ba ito?" luh? kilala niya ako? -_- Malamang! Ria Montero nga daw dba kaya kilala ka! Psh!

"ah oo, sino po ba 'to?"

"Si Rick to, kaibigan ni Eduard, pwde ba tayong mag kita?.. Pumunta ka sa ***** Restaurant mamayang 4pm . May sasabihin akong importanteng bagay, sige paalam na" hindi na ako nakapagsalita kasi  binaba na niya.

Hmmm. ano kaya yung sasabihin niya? Teka, kilala niya si Eduard, kung ganon baka may nangyaring masama kay Eduard!. Pero baka mahalaga lang talaga yung sasabihin niya. Pero ano naman kaya iyon?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

@ **** Restaurant

Pag dating ko dun hinanap ko ang table2 para makipag kita kay Rick.

"hello! ikaw ba si Rick?"bati ko sa lalaking nakaupo sa table 2 pero nginitian niya lang ako and then pinaupo

"So ikaw pala si Ria.. Hmmm, by the way ako nga pala si Rick Manalang. Kaibigan ako ni Eduard and nandito ako para kausapin ka na sana mapatawad mo na siya sa nagawa niyang panloloko sayo"sabi niya sa akin

"Hind--" 

"Nagawa niya lang yun kasi kailangan niya ng pera na pang pagamot para sa lola niya kaya sana hayaan mo muna akong ipaliwanag sayo ang lahat" hindi ko na natuloiy ang sasabihin ko kasi nag salita agad siya

"Sige" sabi ko

Pagkatapos nun ipinaliwanag niyang lahat, na napilitan lang na pumayag si Eduard na makipag pustahan ay dahil sa lola niya. Nainitindihan ko naman ang lahat, pero may part sa akin na nag sasabing hindi na magiging ganun ang pakikitungo namin sa isa't-isa pagkatapos ng mga nangyari. I mean, kasi ngayon na-proof ko na si Chris talaga yung gusto ko and kailangan ko nang wakasan ang relasyon namin ni Eduard bilang mag syota.

":Naiintindihan ko naman ang lahat eh. Sa totoo lang hindi naman ako nagalit sa kanya nun. Pero tingin ko hindi na namin maibabalik yung dati"sabi ko sa kanya at nakita ko na parang lumungkot yung mukha niya

"Bakit naman? Alam mo na naman ang totoo dba? Sabi mo naintindihan mo nang lahat, pero bakit hindi na kayo pwdeng bumalik sa dati?" tanong niya sa akin

"Alam mo, marami pa kasi kaming dapat pag-usapan ni Eduard eh and marami pa akong dapat ipaliwanag. Basta salamat sa pag sasabi sa akin totoo" pag kasabi ko nun nag paalam na ako sa kanya at kinuha ko ang cellphone ko para i-text ang isang tao:

Magkita tayo sa garden bukas

**send**

Siguro, ngayong alam ko na ang lahat dapat malaman na rin ni Eduard ang totoo. Ayoko siyang saktan pero para rin siguro to sa ikabubuti ng lahat.

Bukas, mag kakalinawan na, bukas, sasabihin ko na, bukas, PAPALAYAIN KO NA SIYA :(

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(a/n: sorry kung short update lang siya ah. Babawi na lang ako sa next update. sorry sa mga typos)

VOTE & COMMENT

BE A FAN

RECCOMMEND PARA MARAMI TAYO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakla Siya?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon