Great Love *original Copy*

36 4 1
                                    

"Lola totoo po ba ang great great love?"tanong ng dalagita sa Lola nito habang tulak tulak ang wheelchair na inuupuan nito.

"Oo naman apo. Katunayan diyan ay ang great love ng diyos sa ating mga tao." Sagot ng Lola nito

"Of course I know that Lola. Ang ibig ko pong sabihin eh sa ating mga tao."
"Oh, ikaw ang great love ko." Nakatawang sagot uli ng Lola.

"Lola naman eh. Ang ibig kong sabi-"
"Oo naintindihan ko ang ibig mong sabihin. Oo naman. Totoo ang great love." Sagot nito kasabay ng bahagyang paglamlam ng mga mata.

"Paano niyo po masasabing great love niyo nga ang isang tao?"

"Kahit na meron kang hindi gusto sa ugali niya, kahit mag away man kayo o magkahiwalay ng matagal na panahon at kahit na maputol man ang inyong komunikasyon pero nananatili mo pa rin siyang mahal, ang tawag doon ay great love." Sagot ng Lola.

"Hindi ba martyr yun?" Nakangiwing tanong ng apo nito.

"Kapag binubugbog ka ng taong mahal mo, kapag harap harapan ka ng niloloko pero nananatili ka pa rin sa tabi niya. Ang tawag doon ay martyr."

"Ah, dito po muna tayo Lola." Itinabi ng dalagita ang wheelchair ng Lola niya sa bench na nalililiman ng isang puno.

"Lola, siguradong ang great love niyo eh si lolo." Biro ng dalagita.

"Ang lolo mo? Minahal ko siya at mahal ko pa rin siya. Pero hindi siya ang great love ko." Sagot nito at pinangiliran ng luha ang mga mata. Ngunit hindi iyon pansin ng apo kaya mabilis niya itong pinunasan.

"Baka po multuhin kayo ng lolo." Biro niya sa kanyang Lola.

"Alam niya apo."

"Kung ganon bakit po hindi kayo nagkahiwalay ng lolo. Yung iba pong mag asawa nagkakahiwalay kapag nalamang may ibang mahal ang asawa nila."

"Apo sa isang relasyon, hindi lang pagmamahal ang nagpapatibay. Dapat mas lamang ang respeto. Minahal ako ng lolo mo at nagpakita siya ng sobrang kabaitan sa akin na naging dahilan para mahalin ko sya at irespeto ng sobra sobra kaya hindi ko siya nagawang saktan at lokohin."

"Pwede niyo po bang ikwento ang great love niyo sa akin."

"Oo naman. Si Leonardo. Ang bestfriend ko."

Year 1959

"Mona!!" Napalingon ako ng may tumawag sa aking pangalan.

"Oh, Teresita ikaw pala,bakit?" Kunot noong tanong ko sa kaklase ko ng makalapit sya sa akin.

"Gusto ko sanang magpalakad dun sa bestfriend mo." Bulong nito sa akin.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"May gusto kasi ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Tulungan mo naman ako." Paawa pa itong humarap sa akin.

"Naku Tere, kasi-"

"Please Mona?eh kung hindi lang ba masamang tignan, ako na ang nanligaw diyan sa bestfriend mo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Tere! Hindi dapat babae ang nanliligaw, dapat lalaki." Sermon ko sa kanya.

"Kaya nga tulungan mo na ako. Teka, baka kaya ayaw mo akong tulungan kasi may gusto ka din sa kanya?" Bigla nitong tanong.

"Wala ah!" Mabilis kong tanggi pero bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil alam kong nagsisinungaling ako.

"Kung ganoon tutulungan mo na ako?" Nakangiting tanong uli nito.
kahit na ayaw ko ay tumango tango nalang ako.

"Yes!! Aasahan ko yan ah. Thank you!" Masigla itong kumaway sa akin habang paalis.

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon