Pain

26 2 2
                                    

Why it is too painful?

Bakit nga ba masakit?
Maraming pwedeng maging dahilan.

Maaring masakit dahil sa mga pangarap at ambisyon niyo sa hinaharap na hindi na kailanman matutupad. Mga batang puso na walang takot sa maaring dumating na mga pagsubok dahil sa isip ay mas mananaig ang pag-ibig.

Maaring masakit dahil mabilis ka niyang bitawan di tulad ng pagkapit mo sa kanya na tila ikamamatay mo kung kakalas ka.

Ang mga paulit ulit mong pagsamo para magbalik ang lahat sa dati ay tila isang bulong na di niya madinig.

Paano nga bang naging ganoon siya kamanhid para hindi makita na ang puso koy nawawasak tuwing lalakad siya palayo.

Paanong ang tahimik kong mundo ay niyanig mo ngunit walang balak na angkinin?

Mga matatamis na pangako't salita na unti unting pumapait.

Kung alam ko lang na sa dulo ako rin pala'y sa iba ipagpapalit.

Hindi na sana ako humawak ng mahigpit.

Wala na sanang nararamdamang sakit at hagupit.

Sa pag-ibig hindi pamantayan ang itsura.

Kahit gwapo o maganda ka, macho o sexy, mahirap o mayaman, kapag nasaktan ka masasaktan at masasaktan ka talaga. Walang lusot ang kalagayan mo sa buhay para hindi ka masaktan.

Kapag iniiwan tayo nagiging mababa ang tingin natin sa ating mga sarili. Kahit panget ang pinalit  pagseselosan parin. Magtatanong sa sarili kung ano bang meron sa babae/lalake na yun na wala sayo.

Minsan nakakainis kase maraming bagay na alam mong mas lamang ka, pero minsan din talagang mas lamang ang bago. Masakit.

Sa sobrang sakit gusto mo nalang umiyak ng umiyak at kalimutan lahat.

Pero pagtapos ng lahat, siya pa rin, siya at siya pa rin ang gugustuhin mo. Kahit masakit ayos lang basta wag lang siyang umalis.

Siya lang ang gusto mo kahit alam mo sa sarili mo na hindi na siya babalik ulit sayo. Ang traydor mong puso na pilit paring umaasa na kaya pa, pwede pa, na may natitira pang siyang pagmamahal sayo.

Sa lahat ng dahilan na meron ka, bakit nga ba masakit?

Ito ay dahil mahal mo pa. Mahal mo kahit na siya ang dahilan kung bakit wasak na wasak kana.

Hanggat mahal mo makakaramdam ka parin ng sakit.

Pero kung dumating ang panahon na wala na, masaya ako para sayo.

Panibagong laban, panibagong aral.

FeelsWhere stories live. Discover now