Chapter 6

9 0 0
                                    


Alam ko matagal na yung last update ko. Haha!!

Anyway.. don't worry. Tatapusin ko to! :)


______________________________________________________


KAT'S POV


"Isa kang malaking kahihiyan Katrina! Hindi mo na inisip ang kahihiyang idudulot ng pagsuway mo sa amin ng mama mo!"

Nagngingit-ngit sa galit ang kanyang ama at wala siyang mukhang kayang iharap dito. Alam niyang mali siya na talikuran niya ang kanyang fiancé sa mismong araw ng kanilang kasal.

"Dad, patawarin niyo po ako... Ma... patawad..." Naluluha siyang nakayuko sa harap ng kanyang mga magulang.


"Hindi kita kahit kailan mapapatawad! isa kang suwail!! Lumayas ka!"

Lumayas ka!


Lumayas ka!!!


Lumayas ka!!!


She was all sweat when she opened her eyes. It was a nightmare again. Kahit sa panaginip ay ayaw siyang tantanan ng katotohanan. Napaupo siya at isinakop ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Mabilis ang paraan ng kanyang paghinga na parang pagod na pagod siya sa isang mahabang takbo.


When she calmed herself, she lifted her face and noticed someone leaning on her open door. Nakahalukipkip at kunot ang noo na parang kanina pa siya pinagmamasdan.

"S-Sir?" Tawag niya rito.


"What time is it?" Blangko ang ekspresyon nito at nanatiling nakatitig sa kanya.


Napalingon siya sa orasan sa kanyang tabi at napatakip sa kanyang bibig. Alas otso na! Bakit hindi siya nagising ngayon ng maaga? Dahil ba sa pagod kahapon?


"Tss... Naghire ba ako ng palamunin? Bumaba kana at mag-almusal."

Tumalikod na ang lalake at naiwan siya na nakanganga. Nakakahiya! unang araw ng trabaho niya ngayon at ganito pa ang nangyare.


Agad siyang tumungo sa banyo at naghilamos sa harap ng salamin when she suddenly realized that she was only wearing her panty and her sleeveless without her bra.

"huh??? ....aaaaaaaaAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!"

_________________________________

Rafael's POV


Nagtaka siya sa oras pero sa suot niya hindi? God, she doesn't even care me seeing her like that! O baka naman isa sa mga pakulo niya ang panga-akit sakin?

Hay... hindi naman siguro. She doesn't look like a bad girl either.

Akala ko pa naman gising na sya at handa na ang umagahan ko. Ako pa tuloy ang nagluto. At syempre, alangan namang ako lang ang kumain.



Paulit-ulit kong tinititigan ang pagkain sa hapag. Kanina pa ako naghihintay dito. Ano ba siya? prinsesa? Ako ba ang katulong dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon