....Een - Years ago....

5 0 0
                                        

8 years old

"LAURA!" Nag-aalalang tawag ni Lina sa anak ng mapagtantong wala na ito sa kanyang silid at malapit na siyang mapaos sa kakasigaw ng bigla siyang makarinig ng mahinang tunog ng pagbukas ng kanilang tarangkahan kung kaya't nagkukumahog niyang pinuntahan ito upang tignan kung sino ito pero agad na nagpakawala ng malalim na buntong hininga ng mapagtantong ang kanyang anak lang pala ito.


"MAMA!" Masayang sigaw ng bata sa kanyang ina at nagtatakbong pumunta sa pintuan ng bahay nila upang hagkan ng pagkahigpit ang inang napapatawa nalang sa ginawa nito.


"Baby. Ilang ulet ng sinabi ng mama na bawal magtatakbo?" Nakangiti at kalmadong pangangaral nito sa anak na napayuko nalang sa sinabi ng ina pero agad na nag-angat ng tingin ng maramdaman ang puno ng pagmamahal na yakap ng ina at nakangiting mukha nitong nakatingin rito.


"Sorry po mama. Di na po mauulet. Promise po" Nakangiting saad ng bata na biglang bumalik ang bibong batang nais makita niya.


"Huwag kang magpapromise if hindi mo rin gagawin. Remember that baby? And because you've been good to me and your yaya, I have a surprise for you" Nakangiting pahayag nito sa anak at nagagalak na napatingin naman ito sa kanya na nginitian lang niya.


"But mama. Kakatapos lang po ng birthday ko. Bakit may surprise?" Nagtatakang tanong nito sa kanya ngunit na imbis na sagutin ito ay nginitian niya lang ito at inutusang isarado ang mga mata at takpan ng kanyang mga kamay ang mga ito. Kahit naguguluhan sa pinapagawa ng ina ay sinunod pa rin niya ito.


Inutusan lang sandali niya ang yaya ng kanyang anak na pakisara ang kanilang tarangkahan at matapos ay inalalayan na ang anak papasok ng bahay. Bumilang siya ng isa hanggang tatlo at ng matapos ang pagbilang niya ay agad na inutusan ang anak na tanggalin na ang pagkakatakip sa mata.


Ilang  minuto munang tinakpan ng bata ang kanyang mga mata at nang tuluyan na nitong tanggalin ang pagkakatakip ng mga mata ay nagtatalon sa tuwa ang anak at nayakap pa siya nito sobrang higpit pero kahit malapit na siyang mawalan ng hangin ay hinayaan lang niya ang anak na yumakap sa kanya at ng makontento na ito ay nagtatakbo na ito papunta sa surprisang inihanda niya para sa anak.


"Puppy! So cute puppy. I will now call you Theodore. Eyo for short. Yay! Eyoooo" tuwang tuwa na nakipaghabulan ang kanyang anak sa surprisang alagang aso na binili niya kani-kanina lang bago siya umuwi sa kanila.


Napuno ng tawanan ng batang si Laura ang katamtaman sa laking kabahayan nila at napapangiti nalang ang mga kasambahay na kasa-kasama ng mag-ina na masaya ang kanilang amo at ang kanilang alaga. Maging si Yaya Vani ay nagagalak sa kasayahang nakikita sa alagang parating malungkot dahil sa kawalan ng oras ng amo para sa alaga.


Agad na natigil ang tawanan ng batang si Laura ng umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang tunog ng telepono na agad na pinuntahan ng ina at sinagot nito. Siya'y nakaramdam ng sakit at pagkamuhi dahil minsanan na nga lang siya mabigyan ng oras nito ay pati sa bonding time pa rin nila ay hindi nito maiwan-iwanan ang trabaho ngunit bigla iyong naglaho ng makita ang kanyang ina na agad na nabitawan ang teleponong hawak hawak at nagsimulang umiyak ng mahina ang ina.


Tinakbo ng batang si Laura ang distansyang nakapagitan sa kanila ng ina at niyakap ng napakahigpit dahil tanging yun lang ang alam niyang pampagaan ng kalooban dahil ganoon din ang ginagawa ng kanyang mama sa kanya kapag siya'y malungkot o may dinadamdam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living Under the Moonlight: Glaiza KaireneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon