Part 2

2 0 0
                                    



"Carl! Did you still visit this place? Or did you at least still remember this place?..." Malakas na basa ni Peri sa gawa kong story para ipost para sa school secret files namin.




"Alam mo bes Clouie, pwede ka talagang maging writer eh. Dami mong napapaiyak sa mga gawa mong story dati. Kaso ito medyo bitin!" Dagdag na puri ng best friend kong si Peri. Isa kami sa mga admin ng South University Secret Files. Napipilitan kaming gumawa ng story dahil yung ibang nagpapadala samen ng mga story nila eh wala naman kabuluhan.




"So bes ano naman ipapangalan mo sa girl? Tsaka anong title?" Tanong ni Peri. Hmm... Ano nga kaya magandang title.




"Forgotten Love kaya bes? Ok lang ba yun ganon title? Swak naman diba?"



"Pwede yan bes. Tapos name nung girl is Queen Constantino, diba? Ang ganda? Dami na naman comment at share nyan. Nilagyan mo pa ng pangalan... Carl! San mo naman nakuha yun?" –Peri



"Di ko alam, feel ko lang yung Carl. Masama ba? Wala na kase akong maisip eh" pero sa totoo lang, that name still bothers me. Parang may malapit sakin na ganyang pangalan. Pero baka kase common lang talaga sya.



"Anyway. Post na naten bes. Puro horror at comedy na nasa SUSF page naten eh. Yan may bago love story." –Peri




To be honest, kaming mga admin minsan kami lang din nagpopost ng story sa page namin. Kelangan eh! Pero ito yung unang beses na gumawa ako ng story para sa page namin. I used to write a story pero para sa school naman yun. Graduate na pala kami ni Peri sa South University at kami parin ang namamahala ng page na yun.




"Bes saan tayo kakain?" Tanong ni Peri. Saturday ngayon at wala kaming mga pasok sa trabaho. Kaya nagdecide kaming magkita-kita ng mga admin. Yung iba nagsipaguwian na simula nung napilit nila akong gumawa ng story para sa page namin.




Lumingon ako sa paligid namin at may nakita akong restaurant. "Dun nalang tayo?" aya ko sakanila. Seven kaming admin at lima kaming nagkita-kita. Yung dalawa umuwi na so bale tatlo nalang kami ngayon. Ako, si Peri at si Karina best friend ko din. Busy sya sa paggawa nya ng report nya for Monday. Unlike me and Peri sya nagaaral parin sa SU kase nagshift sya ng course kaya nahuli.






"Oyy Karina, ma-snatch sana yang tablet mo. Pwede naman dun sa restaurant ipagpatuloy yung paggawa ng report. Kelangan talaga dito sa kalsada? Aral na aral lang te?" Pangaasar ni Peri kay Karina.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon