Chapter 8

293 13 1
                                    


I'm Married to Mr. Cold Guy

Chapter 8

Pagkatapos ng gabing iyon ay di na kami ni Shin nag-usap pa at naging triple ang pagiging cold niya, kahit ang mga maids ay napagbuntungan niya ng galit.

Weekend ngayon kaya walang pasok, maaga ring umalis si Shin dahil may trabaho pa siya sa kompanya.

"Senyora, I need to train you. habilin po iyan ni Young Master" Hans said. lumapit siya sa kinaroroonan ko at inilapag sa mesa ang sandamakmak na mga libro.

"geez. don't call me that. Sumi na lang" I said at ini-scan yung mga libro which is about etiquette. sarap punitin. mas wala pa ngang behavior yung mga malalandi sa klase namin eh. including Shin... aish! don't think about that cold blooded guy Sumi. pinapapangit lang niya yung araw mo. hanggang ngayon ay inis na inis parin ako sa kanya dahil di ko pa rin snahahanap yung hairpin, sarap maghiganti, itapon ko kaya yung collection niya na mga relo? tch. wag na, takot parin ako sa lalaking yun. baka magtransform at magiging pikachu.

"o-okay, Ms. Sumi" nahihiyang sabi ni Hans. bakla ba siya?

"Hans, Sumi na lang pwede? nakakabaog yung miss eh" natatawa kong wika kay Hans "nga pala, next time ko na lang babasahin 'to. nakakaantok pagmasdan 'tong mga libro eh" pagrereklamo ko pero the truth is, itatapon ko to sa likod ng mansion. bahala sila basta ako gusto ko lang mamuhay ng walang pressure.

"Sige po, pero ngayon ay tuturuan kitang sumayaw S-Sumi" he said. aish. ayokong sumayaw. ano ba naman 'to, sobrang hirap ang pinapagawa ng lalaking 'yon! gusto ko ng umuwi ng bahay!

"ayoko, paniguradong matatapakan ko lang yang mga paa mo" sabi ko sa kanya ng nakacrossarms. di ko naman ikayayaman ang pagsayaw. so why bother?

"eh di, wag niyo pong tapakan" aba. pilosopo ang batang 'to "may gaganapin kasing Ball sa Black Rose Academy this wednesday. So Sumi, you must need to learn how to dance"

geez. sarap mag bigti.

~*~*~*~*~

"Woah! you're very gorgeous Sumi! no doubt that young master chose you as his wife!" Hans proudly said. Inayusan na kasi ako dahil this 7pm na yung ball at 6pm na ngayon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, may maliit na braid sa left side ng buhok ko at nilagyan ito ng hair ornament na red rose at hinayaang nilugay ang malakulot kong buhok. I'm really... no, I'm like a clown. ano 'ba to? pininturahan ang mukha ko, wala ring pinagkaiba sa pinaretoke.

pero yung suot ko ngayon ay napakaganda. It's a tube white gown, may kumikinang na gems sa linings nito, paniguradong mahal 'to. pero ang nagsuot ay mukhang cheap. haha bitter sa sarili? no, pinalaki lang talaga ako na mapagkumbaba at loka-loka.

Di nagtagal ay bumaba na ako papuntang sala. tinulungan ako ni Hans sa pagbaba dahil medyo nahihirapan ako sa suot kong takong.

Nang matanaw ko na ang ibaba ay nakita ko kaagad ang perpektong hugis ng likod ni Shin, napakakalmado at ang tikas ng tindig nito. Tipid at napakaelegante itong kumilos. He's really handsome but a cold one...

"Young Master, your wife is ready" Hans said. nagulat ako ng agad siyang lumingon sa kinaroroonan ko. hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kabila ng nangyari nung gabing iyon. Hanggang ngayon ay di parin ako kinikibo ni Shin, which is good dahil di pa ako handang harapin ang mga bagay na nangyari sa aming dalawa.

Tinignan niya lang ako sandali at agad na lumabas. He's really cold. di man lang nagpakita kahit kaunting paghanga man lang sa kagandahan ko ngayon. tch. pakealam ko sa kanya. kahit pa siguro maghubad ako sa harap niya ay dedma parin. haha pero joke lang 'yon. sinuswerte siya.

I'm Married to Mr. Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon