***LIHIM KONG PAG-IBIG***
Bakit ganito ang nararamdaman ko
Iba na nga ang tibok ng aking puso
Pero sana masabi ko ito sayo
Na ikaw ay mahal ko nanga siguro
Pero takot ako na iyong malaman
Na baka puso mo may iba nang laman
At baka ang ngiti kong puno ng tamis
Mapalitan ng puro pagtatangis
Pero hanggang dito nalang ba ito?
Itatago sa baul ng aking puso
At panghabambuhay ko ng ilihim
Matulog na lamang sa punong may lilim
Hiling ko na sana’y iyong matulungan
Ang pusong puno ng pag-aalinlangan
Upang masabi kapag ika’y nakita
Ang mga katagang MAHAL KITA!.
NOTED:hemishere tuuwan
BINABASA MO ANG
djhemishere's love poems
PoetryGUSTO NYO BA NG LOVE POEMS??ENGLISH AND TAGALOG..READ THIS NA AND VOTE..TO GET MORE..ADD ME AS FAN..FOR UPCOMMING UPDATES