Chapter 33

221 3 0
                                    

Nasa bahay lang kami ni Yumi ngayon, busy siya sa pag remix ng kanta, ako naman nag iisip ng step. Hindi na kami pumasok kasi excuse kami e.

“BF BF!” maksasigaw naman tong si Yumi

“Anu?”

“Papalitan ko yung GG, gagawin ko baby and Your love is my drug!” anu naman naisip nito?

“Sige kaw bahala, kahit ano naman suggestion mo, tatanggapon ni Lea e.” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Pinapakinggan ko lang yun kanta tapos nag iisip ako ng step, at ayun, after ng ilang pag iisip, nakabuo din.

“oh bff may nabuo na ko na step.” Sabi ko kay Yumi.

“Aku din, tapos ko na tong kanta.” Pumapalpak pa siya.

“Alam mo bff, sa lahat ng play girl ikaw ang lang ang kilala ko na isip bata.” Tinatapik tapik ko yung ulo niya.

“At sa lahat ng war freak, snob ang kilala ko na sweet.” Asus drama mode ba kami?

“I-burn mo na nga yan, para madala na naten sa school.” Sabi ko

“WHAT? Dadalin naten to ngayon na?” mukha ayaw pa pumasok ng babae na to ha?

“Aba oo, at tinatamad ka na naman!”

“E kasi kasi naman!” at ayaw nga pumasok

“Yumi bff, tara na kasi. Para matapos na naten yun mga dapat tapusin.” 

“sige na nga *pout*. Pero bff, about Mitch.” At ayun na nga ba yung ayoko pagusapan namen. Pero since na open na ni Yumi, anu pa nga ba?

“Bff kasi, first time ko to e, nung sinagot ko siya, I know nagging padalos-dalos ako, pero nun naramdaman ko to, I know that moment, that time, maging masaya man ako o hindi, paninidigan ko tong nararamdaman ko sa kanya. I love him, I really do.” Nun sinasabi ko yan, hindi ko namalayan naluha ako.

“I know, I know, that’s why I’m here for you, no matter what, wag ka susuko. Anu bay an hindi ka naman iyakin ha? Ayy oo nga pala iyakin ka, hindi lang halata.” Natawa naman ako dun sa sinabi niya, oo iyakin ako, hindi ko lang pinapahalata, sa labas ng ibnag tao, matapang ako, but deep inside, para kong bata.

“Tara na nga bff!” aya niya sa ken.

Nagpunta na kami sa school, gamit namen yun kotse niya, tinatamad pa ko mag drive e.

“Ayy shoot, hindi ko natanung kay Winter sched niya ngayon. Pagka bigay naten ng cd punta tayo ng gym ha?” sabi k okay Yumi habang pababa kami ng kotse niya.

Lunch pa lang ngayon, baka nasa canteen yun.

Habang papunta kami sa canteen, may biglang humarang sa men ni Yumi.

“You!” Mitch

“What do you want?”  malamig ko sabi.

“Si Winter.”

“anung tingin m okay Winter? Laruan? Pagkain? Na pwede hingin ng basta basta?” sabi ko.

Si Yumi tahimik sa likod, alam niya kung kelan siya papasok o hindi.

“He’s mine before!” aba at hinahamon ako nito.

“Really? How come he doesn’t mentioned any Mitch whatever back then.” Pang aasar ko sa kanya.

“You!”

“What?” hobbies ko ata makipag away before.

Sasampalin na sana niya ko, pero nahawakan ko kamay niya, kaya napigilan ko siya.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon