My savior, My prince, My lover

4K 51 9
                                    

PROLOGUE

Sa lahat ng oras merong tao ang handa tayong iligtas sa lahat ng kapahamakan at ang tawag ko sa kanya ay 'my savior'. Sya lagi ang nagtatanggol at umiingat sa akin.

Meron din akong tinatawag na 'my prince' na handa akong tratuhin bilang isang prinsesa.

At meron din tayong tinatawag na 'my lover' na magmamahal sa atin. Yung ibibigay nya ang lahat para lang sayo dahil mahal ka nya.

Pano kung tatlong characteristic na binanggit ko ay matagpuan ko sa iisang lalaki lang. Masaya diba dahil nasa kanya na lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki.

Kaso ng mahanap mo sya, mahalin ka kaya?

Magkaka-hapily ever after kaya??

May mga manggugulo kaya?? 

May hahadlang kaya??

Daming tanong no.

Chapter 1

*Trixia Yuki Tyson point of view*

Hay ang bored ng buhay. Heto ako ngayon nakahiga sa malambot at boring na kama. I know, I should call Farrah Jane.

Farrah Jane Gomez is my  bestfriend since the day I saved her to the bully with my tropa. Don't worry you will know them soon, were in grade 9 when we become bestfriend. At lagi kami nyan nagdadamayan sa lahat ng oras.

''Matawagan na nga lang sya''  kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng table ko na katabi ng kama ko. Okay masyado yata napadami ang paggamit ko ng  'Ko'

Pindot-pindot...dial..

Five ring plang sinagot nya na. Ang bilis no.

''Annyeong Jane''

(Oy girl bakit?)

''Mall tayo''

(Ikaw nalang busy pa ako)

''Ang KJ mo naman, sige na''

(Next time nalang...sige girl bye na, may gagawin pa kasi ako)

''Wai---''

#END of call

Bastusan pinatay bigla. Kakasabi ko pa naman na lagi ko syang karamay sa lahat ng bagay, tsk i'll take back my word. Hay no choice, ako nalang talaga pupunta sa mall ngayon. Wala kasi ang mga tropa ko mga busy silang lahat.

Nag ayos na ako ng sarili ko at lumabas na ako ng bahay at naglakad na ako papunta sa mall. Walking distance lang naman kaya ayos lang na maglakad ako. Aksaya sa gas pag nagpahatid pa ako kay manong Ben.

Lakad lang ako ng lakad hanggang mapapunta ako sa shortcut na lagi kong dinadaanan papuntang mall. Naglalakad pa rin ako ng biglang may tatlong lalaki ang humarang sa daan ko. Mukha silang mga tambay na napadpad dito sa route na lagi kong dinadaanan.

''Hi miss'' sabi ng isang guy sakin. Trixia Yuki Tyson don't mind them. Grabe natatakot na ako pero hindi ko yun pinapahalata sa kanila. nilagpasan ko nalang sila at hindi pinansin.

''Hoy, wag kang umalis pag kinakausap ka pa namin'' sabay hila nya sa wrist ko ng isa pa nilang kasama na mukhang butiki.

Hinila ko ang braso ko at nagmatapang na sinabi ang mga katagang ito .

''You three stupid freaky ugly man stop touching me and get lost'' aalis na sana ako ng hilain nanaman ako nung isang lalaki..

''Ikaw sino ka para sabihan kaming panget. Lagot ka sa amin ngayon'' medyo natakot ako ng marinig ko yun. Kasi naman asarin ba naman >.< ,pero hindi parin ako magpapatalo. Hindi nila alam malapit na akong maging black belter sa teakwondo. Kaya nman nung hinila ko uli ang braso ko. Sinabayan ko na ito ng mga natutunan kong self defense.

My savior, My prince, My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon