Chapter 9

659 27 0
                                    

Trixia Yuki Tyson POV

Kinuha na namin yung hinired naming bike at sumakay na sya dun at pati na rin ako..

''Ready?''

 Nagstart na syang magpedal.

Bakit kaya ako dinala ng nilalang nato dito??

''Renz bakit mo ko dinala dito?'' i asked at tumungin ako sa knya habang nagpepedal sya..

''Wala lang gusto ko lang na mawala yang mga naiisip mo na nagpapaiyak sayo'' na touch naman ako dun..

''Ganun ba kamsahamnida ^__^''

(Kamsahamnida-thank you)

Habang busy sya sa pag pedal ng bike nakatingin lang ako sa kanya pinagmamasdan ko ang pag mumukha ng nilalang na to kahit naka side view.

Ang cute ng style ng hair nya parang pang korean ang style at may pag ka blonde natural ata yun.

Ang tangos din ng kanyang ilong,mahaba din ang kanyang pilik mata and brownish ang kulay ng eye nya, at kissable lips sya ang puti din nya.

To make it short gwapo sya, hindi lang basta gwapo he is HOT.

Napatingin sya sakin, siguro napansin nyang nakatingin ako sa kanya..

''Bakit ganyan ka makatingin ,siguro may gusto ka saken, kaya ganyan ka makatingin'' at nag smirked sya at ibinalik uli ang tingin sa daan..

''Kapal naman.. ASA ka pa..never ako mag kakagusto sayo..haha'' i said in sarcastic way...

''Sinasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nararamdaman ang tunay na feelings mo para sakin''

Wala akong naintindihan sa sinabi nya panu ba kasi pabulong nya yung sinabi.

''Anong sabi mo paki ulit nga ang hina kasi ng boses mo?''

''Wala''

Binilisan na nya ang pagpepedal sa bike, napakapit tuloy ako sa waist nya at hindi ko sinasadya na maramdaman ang ABS nya..uminit tuloy yung mukha ko..>////////////<

''RENZ BAGALAN MO NAMAN'' pasigaw kong sinabi sa kanya..at yung mokong naman parang wala atang narinig mas lalo nya pang binilisan..

''WWAAAAAAHHH dahan-dahan naman RENZ''

Tumawa tawa lang sya..kainis naman tong taong ito..

Later on tumigil na sya sa may tapat ng isang malaking puno at pinababa nya na ako at bumaba na din sya at pumunta kaming dalawa sa may puno.

Umupo kami sa may lilim ang sarap ng hangin nakakapang relax..

''Trixia''

''Bakit?''

Nang makaupo ako sa ground sumandal ako sa may puno.

''May past ba kayo ni Mike?''

''Huh? Bakit mo natanong''

Tumingin sya sa akin at tinanung na.

''So boyfriend mo nga sya dati?''

Napatulala ako sa tanung nya.

At napatingin na uli ako sa mga batang naglalaro sa park..

''Ahm sa totoo nyan oo at hanggang ngayon masakit pa rin sakin ang break up namin noon''

Napansin ko na may tumulo nalang na luha sa mata ko.

At agad ko yung pinunasan para hindi makita ni Renz yun..

''Anung nangyari sa inyo?'' tanung nya habang nakatingin sa langit..

''Classmate ko sya nung 3rd year, at sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit umalis sya ng biglaan,sinubukan ko syang pigilan nun pero nung nakarating ako sa airport nakita ko nalang sya na may ibang babae syang hinahalikan''

Habang kinukwento ko yun sa kanya hindi ko na napigilan na mapahagulgol..

''m-masakit *sob* p-para sakin un na m-may *sob* iba na pala sya na ginawa nya lang pala akong rebound''

Hinila ako ni Renz palapit sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit..

''Wag ka ng malungkot,, alam ko ang pakiramdam ng ganito na ginagamit lang, ganito din ang nangyari sakin'' sabi nya habang nakayakap parin sya sakin..

 O_O napansin ko nalang na parang nababasa ang damit ko sa likod.

Hindi kaya umiiyak sya, inilagay ko ang kanang kamay ko sa likod nya at hinaplos ko lang ito para i-comfort sya, pareho lang pala kaming pina-asa at iniwan..

Umalis na sya sa pagkakayakap sakin at nakita ko na mapula ang mata nya..

''Tara na'' ngumiti sya sakin at hinila patayo saka naglakad nalang kami habang dala-dala ang bike..

Habang naglalakad kami may nakita kaming cart na nag titinda ng ice cream..

''Renz gus2 mo ba ng ice cream?''sabay turo dun sa cart..

''Sure''

Tumakbo agad ako papalapit dun sa cart..

''Kuya dalawang cone po yung jumbo po, thanks kuya.''

Pagkaabot sakin ng ice cream inabot ko kaagad ang bayad ko..at tumakbo na uli ako pabalik kay Renz na nakaupo sa isang bench..

''Here''

Tapos inabot ko sa kanya ang isang ice cream at umupo ako sa tabi nya..

''Komawo sa pag comfort mo sakin kanina at thanks din dito sa ice cream''

''Ano kaba ako nga dapat ang mag thank you sayo kasi kahit paano nabawasan ang lungkot ko'' nakangiting sabi ko..he smiled at me back..

Ang saya ko ngayon thank you Renz..

''Renz Vincent Ostwald ang full name mo diba?''

''Yeah?''

''Para kasing familliar ang name mo sakin, ewan ko ba parang narinig ko na kasi yung name noon pa''

''Wag munang pansinin yun, dont stress your self just to think about my name''

''Ok'' sabay subo sa apa ng Ice cream.

''Tara hatin na kita sa inyo''

''Sure''

Hindi pa rin talaga ako makapakali alam ko talagang narinig ko na ang name nya.

My savior, My prince, My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon