Cassandra POV
--------
Monday..
"KOKAK-KOKAK" sabi ng alam clock ko. 5:00 am palang. May 30 minutes pa. umuglip muna ako saglit. After 45 minutes. WAAAAAAH !! BAki8t ba kasi nagextend yung pagtulog ko? Bumangon ako agad, kumain, at naligo.
------
SCHOOL..
Homeroom namin,
"Class, magbobotohan tayo para sa class officers natin this school year" sabi ng adviser namin. Wala naman ako pakialam jan eh.
Yun na nga nagbotohan sila para president. “I respectfully nominate Andrei de Castro for president” sabi nung isang baklang ewan. Wala nang gustong lumaban sa kanya kaya. No choice siya yung class president naming. Tsssk ! Hanep rin tong lalaki eh. Imbes na umayaw, gustong gusto naman niya. Eh panu ba nakakadagdag pogi daw yung pagiging president niya. Lalo daw siyang sisikat. Haynako, kapal muks talaga. -,-
Pinagpatuloy na naming yung botohan. Si Shaila yung vice-president namin. Si Stefanie naman yung sexytary namin. Johannah naman yung treasure namin, yung intsik na babae. Arian naman yung beadle namin.
Ako? Yun ako lang naman yung iboto nila na class cleaner for 1 year. At yung kumag lang naman na si Andrei ang nagnominate sa akin. Ngayon ku lang alam na may ganun pala. Well wala naman ako magagawa eh. -______-
“May we call on the new class officers?”
Pumunta na sila sa harapan. Siyempre kabilang daw ako dun. Magthathak you chuchuchu atta kami ee.
“Thanks ladies” yun lang ang masabi ni kapal muks.
“Thank you classmates for voting me.” Sabi naman ni Shaila na sinundan nila Stefanie, Johannah at Arian.
Magsasalita n asana ako nang umalis na si Andrei sa harap at pumunta sa upuan niya. Sheeeet ! ang bastos talaga. Kaya yun nagsign na lang ako kina Shaila na wag na akong magsalita. Kaya yun umupo na rin kami. Haaaaays! Nakakainis talaga eh no??
Pagkatapos nun, naglesson na lang kami. Nakatulog pa atta ako sa sobrang bored.
_____
RECESS...
Sabay kami nina Stefanie at Shaila as usual, buti na lang at hindi ko nakita si Andrei.
“Sandra, bakit feeling ko ang init ng dugo ni Andri sayo? May nagawa ka bang mali, or napahiya mo siya?” patawang tanong ni Shaila sa akin habang kumakain kami ng hotdog.
“Ha? Ewan ko ba dun. Nakakainis nga siya eh. Tanung mo kaya yan sa pinsan mong kumag.” Walang ganang sagot ko sa kanya.
“Hay nako, baka type ka ni Andrei.” Tuksong sabi ni Stefanie habang nakangisi sa akin.
“Tumigil nga kayong dalawa. Di niya ako type, as if naman diba??? Tara na nga sa room, time na kaya.” Sagot ko sabay tayo para magbabasura.
Nagpatuloy ang boring na lesson hanggang 5:00 ng hapon.
------------
SA BAHAY...
8:00 pm katatapos kong kumain. Oo ako lang. yung ate ko? Nandun sa kwarto niya, nagtetelebabad na naman. Naghugas na ako ng piggan at umakyat na rin sa kwarto ko para matulog.
“RIIIIIIIING!!” tumunong yung phone ko. Yung mommy ko tumatawag. Sinagot ko agad.
(Hello anak, musta ka na jan? yung ate mo, inaasikaso ka ba niya ng mabuti?)
Magsusumbong na sana ako. Pero naisip ko yung ate ko baka pagalitan nila, at papagalitan naman ako ng ate ko.
“Ayus lang naman ako ma. Mabait naman si ate. Kayo dyan?”
(Ayos din. Sige nak bababa ko na tatapusin mo muna yung report chuchuchuchu..)
Di ko na naintindihan yung sinasabi niya kaya ako na minsmo yung nagbaba. Hay, miss na miss ko na sina mommy at daddy. Sa graduation pa daw sila uuwi. Pangako nila.
==================

BINABASA MO ANG
UGLY DUCKLING turn to a CAMPUS PRINCESS
Teen FictionYung lalaking akala mo siya na. Yung lalaking akala mo mahal ka. Yung lalaking akala mo ipagtatanggol ka sa mga taong mananakit sayo. Yung lalaking akala mo sincere siya sa lahat ng ginagawa niya sayo. Yung lalaking akala mo totoo siya sayo. Akala l...