Who Am I?

379 8 7
  • Dedicated kay Aspril Beatrice
                                    

"AKIN NA IYAN, KYLE!!!!!!!" sabi ko sa aking bestfriend.

Oo nga po pala, ako si Aspril Beatrice Doctor. Bea nalang for short. 16 years old. Maganda, Chinita,Toyboy-ish,mabait. Well, nandito kami sa park ng bestfriend kong si Kyle. Ayaw niya kasi ibigay yung saklob ko. Aish. Kaya kami parang bata. Pero may hindi ako inaamin diyan.

"Abutin mo muna!!!!!" sabi niya habang nakataas ang braso niya para hindi ko maabot ang saklob ko. Aha! Alam ko na!

"Kyle, si Roj!"

Tumingin naman siya! Haha! Kaya naman nakuha ko ang saklob ko.

"Kaw talaga, Bea! Lagi mo nalang ako naiisahan," sabi niya na may lungkot.

"Bakit ka ba lagi distracted pag sinasabi ko ang pangngalan ni Rojean?" tanong ko sa kanya.

"Syempre! Siya kasi yung mahal ko. At kutob ko, Bea, sasagutin na niya ako." sabi niya na nakangiti. Yun yung masakit. Mahal ko si Kyle. Pero hindi ko masabi sa kanya. Kasi alam ko naman na hindi niya ako type.

"O, bakit bigla kang lumungkot noong sinabi ko lang si Rojean?" tanong niya. Naku! Baka mahalata ako nito. Kailangan ko mag-isip ng palusot.

"ANO?! Hindi noh?! Asa ka!", palusot ko sa kanya. Haha! Pero deep inside, nasasaktan ako. Tsk! Sana ako nalang ang minahal niya.

"Asus! Mamimiss mo lang ako, Bea at hindi na kita kasi makukulit. Pero, promise, hahanap ako ng oras para makapagbonding tayo." sabi niya sa akin. Whoo! Kaya siya ang gusto kong bestfriend

"Sige! Sabi mo yan, Kyle." sabi ko naman sa kanya. "Oo naman. Ako pa ang hindi tumupad sa pangako." sabi niya na may halong biro. Palabiro rin kasi itong si Kyle. Hehe! Kaya rin ako napamahal sa kanya.

"Sige! Sabi mo yan." Sabi ko sa kanya. Napansin ko na hapon na, kaya...... "Kyle, uwi na ako. Baka hinahanap na ako sa amin eh. Alam mo naman si Mama." sabi ko sa kanya. "Sige. Hatid na kita!" yaya niya sa akin. Lagi-lagi niya akong hinahatid sa bahay pagkaawas namin. Magkakapitbahay lang naman kami eh. Pero.......

"Huwag na, Kyle. Kaya ko na naman umuwi mag-isa eh." tanggi ko sa kanya. Kailangan ko talaga tumanggi sa kanya. Paano pag sinagot na siya ni Rojean? Eh di parang wala na rin ako sa kanya. Tsk!

"Sure ka ah? O sya, ingat nalang sa pag-uwi. Bye!" sabi niya bago ako umalis. "Opo. Sure ako. Bye. Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko bago umalis. "Bye! Kaw din. Tawagan mo ako pag nakauwi kana" Tsaka kami nag-iba ng landas ni Kyle.

Noong papunta na ako sa sakayan, may nakita ako na pamilyar sa akin. Teka! Si Roj yun ah? At--- teka! Niloloko lang ba niya si Kyle? Bakit siya may kahalikan na ibang lalaki?

"I Love You, Babe!" sabi ni Roj, dun sa lalaki. Teka! Sino ba talaga ang mahal niya, si Kyle o yung lalaki niya? Kaya, tumakbo na ako paalis. Baka makita pa ako ni Roj. Kailangan ko ito sabihin ka Kyle. Pero, maniniwala kaya siya sa akin? Lagi naman siya naniniwala sa akin eh, pero maniniwala kaya sa akin?

Dumiretso na ako sa aming bahay. Nakita ko si papa na naghihintay sa salas. "Saan ka galing, Bea?" tanong ni papa sa akin. Patay!

"Ah! Sa park po. Kasama ko po si Kyle." sabi ko kay papa. Basta kasama ko si Kyle, okay lang naman sa kanya eh. Pag minsan nga, over protective pa siya. Kasi nag-iisang anak ako at babae pa.

"Kumain kana ba?" tanong ni papa sa akin. Sabi ko, "Opo, Papa." Tsaka ako dumiretso sa kwarto. Pagod rin kasi ako. Kaya natulog nalang ako.

Pag gising ko, dumiretso ako sa kwarto at naghilamos ng mukha. Bangag na bangag nga ako dahil sa nakita ko kahapon. Sasabihin ko kaya kay Kyle? Aish! Bahala na nga.

Who Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon