"We're home, Misha!" Masayang bati ni Rio sa akin. Kasunod na nya ang asungot nyang kapatid na wala nang ginawa kundi ang mang-inis.I'm Misha, an orphan. Simula nung mag-20 ako nagsimula na akong umalis sa orphanage para naman makatulong din sa kanila. Marami na din kasi kami dun. Sinubukan kong mag-apply sa isang agency at sinuwerte naman akong natanggap. Maid ako nila Rio at Rui sa bahay ng kalahating araw dahil kailangan kong pumasok sa school tuwing umaga. Si Rio? Mabait sya at palabiro, madalas nakangiti sya at kinikilig ako sa tuwing ginagawa nya yun. Si Rui? Patayin ko sya, palagi na lang sinisira ang araw ko. Kung marami syang problema sa buhay wag nya akong idamay. Hmm!
"Good Evening din!" Balik kong bati.
"Anong maganda sa gabi e nakita kita. Tch!"
"Kinakausap ka? Sasabat-sabat kasi. Pakihubad na lang po yung sapatos mo, Master kung ayaw mong ibato ko sa mukha mo yan," sarkastiko kong baling.
"Ano?! Wag mo akong sinasagot-sagot dyan ah!"
"Ay! Nagtanong ka ba? Talaga ba? Narinig ko kasi nang-asar ka lang, Master!" Diniinan ko pa ang pagtawag sa kanya ng master. Kabanas eh!
"Ikaw! Sumosobra ka na! Gusto mo, away o gulo?"
"Hoy! Mas sobra na yang mukha mo! Ang kapal na kasi, panipisan mo naman. Paliha mo kay Mang Howard, yung naghahasa ng gunting sa kanto. Hmm! Che!"
"Mauna ka! Master mo ako kaya dapat ginagalang mo ako,"
"Hahahaha!" Natigil kami sa pag-aaway ng marinig namin ang malakas na pagtawa ni Rio. Parehas naming nagtatakang nilingon sya.
"Anong nakakatawa?" Sabay kami.
"Wag kang gaya-gaya!" Sabay na naman kami at tsaka nag-angilan.
"Bagay talaga kayong dalawa," masamang tingin mula sa'min ang inabot nya.
"Eto! Hah! Ang panget nyan. Di ko type ang mga bastos na babae."
"Hoy! Asa ka namang type din kita. Pwedeng tumingin sa salamin ano?" Nagtinginan na naman kami ng masama sa isa't-isa pero kalaunan ay inawat din ni Rio.
"Tama na yan. Sus! In-denial pa. Tara na nga kain na tayo. Paniguradong masarap na naman ang niluto ni Misha. Di ba, Rui?"
Umirap lang sya. "Tch! Pinagtyatyagaan ko lang yan."
"Packjuice! Sana sinabi mo muna sa'kin hindi yung basta-basta ka na lang nagtatapon dyan. Pinaghirapan ko yun eh!"
Pahirap talaga sya kahit kailan...
"Nakaharang! Next time, ilagay mo sa lugar nang di nakakalat dyan,"
"Nakakalat? Nakapatong dyan sa lamesa nakakalat agad? Sabihin mo wala kang mapatungan ng panget mong paa!" Naiiyak kong hiyaw.
Tanghaling-tapat nag-aaway na naman kami ni Rui. Nauna naman kasi sya, itinapon ba naman sa basurahan ang mga paintings ko.
"Palibhasa hindi ikaw ang naghirap dun kaya wala kang pakialam. Ganyan ka naman lagi, makasarili!" Nananakbo akong bumalik sa kwarto ko ng umiiyak. Di ko kasi mapigilan, kahit ano pang gawin ko di ko na maibabalik pa ang mga yun.
"Rui? Anong nangyari?" Tanong sa'kin ni Kuya ng makita nyang umiiyak si Misha.
BINABASA MO ANG
One Close Attachment
RomanceMisha needs a job, but when she finally found it, unexpected things suddenly happen. Rui and Rio, her so called Masters. Rio was kind, cute, especially when he's smiling. Usually, he used to tease her and do her a favor but Rui was his opposite. He'...