The Flower of Wish

22 0 0
                                    

I remember everything when the first time I saw him. The incredible feeling I felt when he slowly get off the bus. He's wearing that sleeveless white shirt and those eyes? Nahulog ako sa mga mata nyang malalim kung tumingin.

Hindi ko maipaliwanag, kakaiba eh! As in, I'm watching with awe in my mouth.

My cousin scold me. "Oi, bawal ang ma-inlove." I pout.

"I'm not!" I lied. Sa totoo nyan kinikilig ako. Hanggang sa pag-uwi ko hindi sya maalis sa isip ko. Nag-download pa nga ako ng mga pictures nya para lang minu-minuto matitigan ko sya. Haha! Nakakatawa ako di ba? But I can't help it! Tuluyan na syang nakapasok sa sistema ko.

Minsan, may nakita akong lumilipad na debri ng bulaklak na kung tawagin ay wish. Hinuli ko yun, humiling na sana bago ako matulog ay kakantahan nya ako ng isa sa mga paborito kong kanta nila. Hinipan ko yun at pinalipad dahil ang sabi nila, makakarating yun sa taong gusto mo at matutupad.

Oo tama, magaling syang kumanta dahil sa miyembro sya ng isang banda. Mas nagkagusto pa nga ako sakanya nang marinig ang malamyos nyang tinig. Na sa sobrang ganda ay mapapapikit ka na lang upang damahin kung ano ang gustong iparating sayo ng kanta.

"I told you, dre. Ayos lang ang magka-crush ka pero ang tuluyang ma-inlove sakanya? It's a No, No."

Hindi ako nakinig, itinuloy ko ang paghanga ko sakanya hanggang sa isang araw naramdaman ko na lang. Hinihintay ko na sya, hinahanap ko na sya, gusto ko syang makita, mapalapit sakanya at higit pa.

Gusto kong suklian nya din ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay ko sakanya. Ang makasama sya ang tanging hinihiling ko. Naiiyak ako sa tuwing maiisip kong di mangyayari yun pero umaasa pa din ako.

Nauntog ako mula sa lahat ng ito at naisip na 'Love was wonderful yet it's painful.'

Pero kahit na hindi ko pa man sya nakikita ng personal. Masaya akong isa sya sa mga taong naging inspirasyon ko para manatiling nakatayo at di sumusuko. Salamat, my flower of wish.

My Wish FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon