CHAPTER 7

5.7K 41 1
                                    

Hindi siya makapaniwala sa nakita at matagal na nakatitig sa natutulog pa ring dalaga. He shook his head at naisipan na lang niyang magbihis. Dahan-dahan siyang lumabas ng unit ng dalaga, trying his best not to wake her up. Paglabas ng condo ng dalaga ay laking gulat niya nang makita si Lauren na natutulog sa hallway at may hawak pang bote ng alak.

“Tsss. What is she doing here?” was all he said. He knelt down para gisingin ang dalaga. “Lo… Lo wake up.”

“Hmm…”

“Lo, wake up. Ano ba.” Sabi ni at tinapik pa ito.

“Natutulog eh…”

“Yeah. You’re sleeping, sa hallway ng condo ko.” He replied. Nagmulat naman ng mata ang dalaga and looked at him.

“I’ve been knocking all night pero hindi mo naman ako pinagbuksan ng pinto…” sabi nito. Napaisip naman si Elmo kung anong irarason niya rito.

“Uhm… Kauuwi ko lang eh. Nakitulog ako sa condo ni Kris.” He reasoned out. “Teka. What are you here?” he asked. Lo started crying at saka ito yumakap sa kanya.

“Moe… Moe, please don’t leave me. Moe, tayo pa rin naman diba?” she asked. Elmo tried to remove her arms around his body at saka niya ito tinignan.

“Lo…”

“Moe, I want you back. Let’s give this another chance. Please?” she said.

“Lo, lasing ka eh. Can we talk some other time? Inaantok pa ko. Just please… Leave.”

“Elmo… wag mo namang gawin sa akin ‘to. Aaminin ko, naunahan ako ng galit kaya I said those things to you. Just please… Bumalik ka na sa akin…”

“I’m sorry, Lo. We both know na kailangan natin ‘to. Let’s just give each other some time and space. Kung tayo, talaga. Magkakabalikan tayo.” And with that he entered his unit and closed the door.

 *****

Nagising si Julie sa ingay ng nag-aalarm na phone. She slowly opened her eyes at saka hinanap ang tumutunog na gadget. Tumayo siya pero biglang napahiga ulit dahil sa sakit ng katawan niya.*****

“Ouuuuch…” she said habang kinakapa ang cellphone na patuloy lang sa pag-aalarm. “Tsss… Bakit ba nag-aalarm eh it’s a Sunday.” She said. Pagkakita niya ay nagtaka siya dahil hindi kanya ang cellphone na nag-aalarm. “Kanino naman ‘to?” pagtataka niya. As if on cue ay may nagmessage dito:

Mom

Moe, wru? Ikaw na lang ang wala dito sa resto…

“Moe? Kay Magalona ‘to?” tanong niya sa sarili. Laking gulat niya nang mapansing wala pala siyang suot na damit. At mas ikinagulat niya dahil may bloodstain sa kama niya. “Shit!”

*****

“Shit. What am I gonna do? Gago ka, Elmo. Gago ka. Anong ginawa mo?” inis na sabi niya sa sarili. Kanina pa siya palakad-lakad sa unit niya at patuloy na nag-iisip. “Gago ka talaga. Anong ginawa mo?!”

 *****

“Shit, Julie. What have you done? Dahil sa kalasingan mo, kung anu-ano na nagagawa mo.” Sabi niya sa sarili habang naliligo. Pilit na inaalala ang mga pangyayari the night before. “Shit talaga… Wala akong matandaan. Urrggghh! Nakakainis ka Julie Anne!”

 *****

“How are you gonna explain that to her? Ha?” he said to himself. “Paano mo pa siya haharapin? Nakalimutan mo na bang mortal na kaaway mo siya dito sa building?!”

  

 *****

“Paano na ‘to? Paano kapag nagkasalubong kami? Shit ka talaga, Julie!”

*****

“Asan ba yung phone ko? Birthday pa naman ni granma ngayon. Tsk.” Nanlaki ang mata niya nang marealize kung saan niya maaring maiwan ang phone niya. “Shoot.”

*****

“Paano ko ba ibibigay ‘to? Ay jusko!!!” sabi ni Julie habang hawak ang phone. Naisipan niya na ilalagay na lang niya sa may doorstep ni Elmo ang telepono nito at saka na papasok ulit sa condo niya. “Tama. Yun na lang. Iwas awkwardness.” She said. Binuksan na niya ang pintuan niya at nagulat nang saktong nagbukas din ng pinto si Elmo. Nagkatitigan muna sila ng matagal. Elmo looking at her na para bang may gusto itong sabihin pero nagdadalawang-isip.

“Uhm…” Elmo started.

“Y-yung phone mo. Naiwan mo sa condo ko…” she said at saka na inabot kay Elmo ang cellphone niya.

“Thanks… Uhm, Julie… About last night…”

“Wag na nating pag-usapan, Elmo. Let’s just… Let’s just forget about it.” She said at saka na sinara ang pinto niya.

*****

“Kuya, mamu’s been waiting for you since kanina pa. Bakit late ka nanaman?” his youngest sister asked.

“Ha? Uhm… I woke up late eh.” Sagot niya. He tried to act normal. Laking pasalamat niya dahil wala pa si Frank dahil paniguradong magtatanong iyon sa kanya.

“Kuyaaaa!!” he heard Clara said. Lumingon siya at nakita ang kuya nila na may dalang isang box ng cake at saka pa humalik sa kapatid.

“Happy Birthday, mamu!” bati nito sa lola nila.

“Thank you, hijo.” Pagkaupo ni Frank sa tapat niya ay nginitian siya nito.

“Uy, bro! Where were you last night? Nagulat kaming lahat nang mawala ka eh.” Tanong nito.

“Ha? Uhm… Ano kasi… I got tired already kaya umuwi na lang ako. Bigla kasing sumakit ulo ko eh. Oo yun nga, sumakit yung ulo ko.” Pag-aalibi niya. Tumango na lang ang kuya niya at nagpatuloy na sila sa pagkain.

*****

“Julietaaaaaaaa!!!” excited na sabi ni Sef nang buksan ni Julie ang pintuan niya.

“Hi, dear!” masayang bati rin ni Maqui. Bumeso naman si Julie sa kanila at saka sila pinapasok.

“Hay grabe. Paborlogs nga, girl. May hangover pa rin akets dahil sa party.” Sabi ni Sef at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto niya. Humiga naman ito ng padapa at niyakap ang unan ni Julie.

“EWWW! BAKIT MAY BLOODSTAIN DITEY, JULIETA?! OH MY GEE KA. DI NA BA USO NAPKIN SAYO!! ALAM KO FEELING GIRLASH AKO PERO GIRL NAMAN! WALA PA RIN AKONG MATRIS HA! SO MEJ MAHIYA KA KAHIT SLIGHT LANG!!”

“Ha? Eh sa kalasingan ko kagabi, nakalimutan kong magkakaron na pala ako. Kaya ayan. Teka alis ka muna, I’ll go change the sheets.” Sabi niya.

“Yes please. Ayokong bumorlogs sa  dugo okay?”

“Onga pala, Jules. Hindi ka na bumalik sa table kagabi. Sabi mo kukuha ka lang ng tubig pero you never came back. San ka nagpunta?” Maqui asked curiously. Nanlaki naman ang mata ni Julie habang nagpapalit siya ng bedsheet niya at napaisip kung anong idadahilan sa bestfriend.

“Ha? Ah… Eh… Umuwi na ako. Bigla kasing sumakit ulo ko. Di na ko nakapagpaalam. Hehe.” She answered.

“Ah. Okay… Nakakapagtaka lang that you and Moe were both missing kagabi.”

“Ha? B-baka naman umuwi rin siya or may nakilalang girl kaya ayun. Haha. Pero feeling ko di siya umuwi eh. Walang malakas na music dito kaninang umaga.”

“Baka nga…” Maqui said. They bonded the whole day at napansin ni Maqui na may kakaiba sa kilos ni Julie. It’s as if she’s hiding something pero baka hindi siya nagsalita. Inisip lang niya na baka dahil first day ng monthly period nito kaya ito ganun kumilos.

NEVER KNEW I NEEDEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon