Chapter Four

6 0 0
                                    

Basics

Free ako ngayon sa photoshoots or runways kaya pinag-igihan ko nalang na ifinalize lahat ng mga sketches ko. Nang pinagtuunan kong pansin ito ay narinig kong tumunog ang phone ko, i raised my eyebrows as i saw someone unknown texted me.

From: +629888888888

Dinner at 7:30pm. I'll fetch you at office.

Damn! By how the person texted me ay nalaman ko na kung sino ito. No other than him. Agad akong nagreply sa kanya at halos maawa ako sa screen ng phone ko dahil galit na galit akong nagtipa para ikareply sa kanya. Buti nalang hindi madali masira ang screen nito. Well, i can buy any phone if i want to.

To: +69888888888

Fine. Whatever.

Susko! Kung pwede lang magmura ay ginawa ko na pero hindi pwede dahil babalik at babalik tayo sa reyalidad na ako ay may kailangan sa kanya. So Raven, for the meantime good girl muna tayo ok?! Arrghhh.

Agad naman siyang pumasok nang walang katok at tinaasan ko siya ng kilay tapos tiningnan ko ang rosegold Casio wrist watch ko tapos napatingin ulit sa kanya. "7:50, you're late. Tsss."

Agad naman akong tumayo para kunin ang bag ko sa couch. Kung alam lang niya kanina pa ako nabobore dito sa office sa kakahintay sa kanya. Geeezzz. And one more thing, a right man would never let his girl wait for him. It should be men who shall wait for the girls.

"Sorry, nagkaproblema lang sa meeting." I rolled my eyes as he said that. Kahit na! Sana nagtext nalang siya na matatagalan siya o di kaya'y icancel nalang tong dinner na to. Mas pabor pa sa akin!

Nasa unahan ako sa kanya ng maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Agad ko naman itong hinawi. "What are you doing?!" Buti nalang wala ng tao sa floor.

Nakita ko ang pagpigting ng kanyang panga at pumikit ng mariin. Tapos hinawakan niya muli ang kamay ko. "There are cameras outside."

Noong una ay pilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero nang tumagal ay bumigay rin ako. At dito ko mas naramdaman that he has big rough hands. Ano kaya ang pinaggagawa nito?

"Don't answer their questions, sa ngayon we'll don't give any statements. Marami pa tayong dapat pag-usapan." Sabi niya nang malapit na kami makalabas sa floor at nang makita ko ang mga paparazzi sa labas. I nodded as my answer.

Nang makalabas na kami ay dinumog kami ng media at narinig ko ang ingay na bumabalot sa amin sa kakatanong sa estado namin ni Alex pero hindi ko pinagtuunan pansin iyon. Napasinghap ako nang bitiwan niya ang kamay ko tapos naramdaman ko nalang ang mainit na braso niya na nakapalibot sa baywang ko at mas lalo akong inilapit sa katawan niya.

Nanatili akong tulala ng nakapasok na ako sa kanyang itim na Gallardo at nakita ko nalang siyang umikot para sa driver's seat.

"Fasten your seatbelt Raven.."

"H-huh?" Nauutal kong sabi pero bago pa ako naibalik sa mundong ito ay siya na mismo ang lumapit sa akin para iayos ang seatbelt ko. Mas lalo kong maasimoy ang pabango niya na nagpapalakas sa tibok ng puso ko. Sht! Napaestatwa tuloy ako sa ginawa niya.

Nandito ulit kami sa kung saan kami kumain kagabi pero ang napansin ko ay walang tao sa loob.

"Alex, parang close ata sila ngayon." Hindi niya ako pinansin at lumabas lang siya sa kotse niya, kaya lumabas na rin ako. "Hoy! Narinig mo ba sinabi ko?!"

Hinila niya ako patungo sa loob at nakita ko ang nagmamadaling mga staff sa paglapit sa kaniya. "Good evening Xander." Nakita kong ngumiti siya nang kay lapad sa manager, nakita ko sa pin.

So It Was You All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon