Yeye's POV
Bakit tayo nagkaganito?
Bakit tayo umabot sa ganitong sitwasyon?
Lahat naman ginawa ko para manatili siya sa akin pero kung bumitaw na siya at ako nalang ang kumakapit, ako rin ang talo sa dulo.
"Hanggang dito nalang ba tayo?"
"Oo." walang emosyon niyang sabi sa akin habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Akala ko ba ako lang ang mahal mo? Forever and always pa nga tayo di ba?"
"Kulang Mika e. Hindi na kita mahal."
"What? Kulang? Ano ba ang kulang sa akin na nabibigay niya sa'yo? Gagawa ako ng paraan para hindi na maging kulang. Sabihin mo naman please. Para naman hindi mo na 'ko iwan at ipagpalit sa Bang na yan."
"Hindi ko rin alam e. Please. Maghiwalay na tayo. Kailangan ko 'to. Kailangan mo rin 'to."
"Mahigit dalawang buwan, Ara. Mahigit dalawang buwan tapos itatapon mo lang sa pitong araw na nakasama mo siya? Ganun nalang ba ha? Ganun ba kadaling itapon at kalimutan para sa'yo lahat ng pinagsamahan natin?"
"Mika, please, let me go. Let's break up now. I want to be happy. I want to live the rest of my life with her. I'm not happy anymore with you. Please. Magbreak na tayo."
I'm not happy anymore with you.
I'm not happy anymore with you.
I'm not happy anymore with you.
I'm not happy anymore with you.
Habang nagmamakaawa ako na huwag niya akong iwan, siya naman nagmamakaawang maghiwalay na kami para makasama na niya si Bang. Hindi ko pa rin matanggap na mawawala nalang bigla, sobrang bilis ng mga nangyari. Bigla nalang na ayaw na niya sa akin, na may iba na siyang mahal, na parang balewala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan naming, na iiwan na niya akong mag-isa.
"But, how about me Ara? I need you. I need you in my life."
"Huwag mo naman gawin sa akin 'to Mika. Please parang awa mo na, pakawalan mo na 'ko. Huwag mong pahirapan ang nangyayari sa ating dalawa." sabi niya habang tinatayo niya ko sa pagkakaluhod ko.
"Ara, please. Please huwag mo naman akong iwan. Please, huwag mong gawin to." pagmamakaawa ko sa kanya pero wala na naman akong narinig na sagot mula sa kanya.
Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa tuhod niya. Wala na 'kong pakielam sa mga taong tumitingin at nakikiusyoso sa aming dalawa. Ang gusto ko lang ngayon ay mag-stay siya sa akin. Tumingin ako sa langit habang umiiyak at nakayakap sa mga tuhod niya.
Lord, kahit ano po gagawin ko huwag Mo lang pong hahayaan na iwanan ako ni Ara. Mahal na mahal ko po siya.
Pero sobrang mapaglaro nga talaga ng tadhana. Naramdaman ko nalang na unti-unti niyang inaalis ang mga kamay ko sa mga tuhod niya.
Pero pinipilit ko pa ring kumapit at huwag bumitaw sa kanya kasi kapag binitawan ko siya, dun na ang hudyat na mawawala na siya sa akin. Hindi ko ata kakayanin
Pero kung gaano ako kahigpit kumapit at yumakap sa kanya. Ganun din naman ang kagustuhan niyang bitawan at iwan ako.
Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin.
"Hanggang dito nalang ba tayo, Ara? Paano ako mabubuhay kung wala ka?" sigaw ko habang naglalakad siya papalapit kay Panaga. Wala na naman akong narinig na sagot sa kanya bagkus patuloy lang siya sa paglalakad palayo sa akin.