Dahil sa Kilig -- SweetMonster
“Louuuuun!” sabay kaway niya.
MyGass. Eto na naman si My Labs, tinawag na agad ako patungo palang ako sa room. Ang wagas pa ng ngiti niya. Sa bagay araw-araw naman ganyan yan. Haha! Ako naman eto kinikilig din pag may time. E kasi naman sino ba naman ako para pansinin ng isang ‘Prince Charming’ ng school namin. E ordinary lang naman ako.
“Oh, Duke. Ano?” sabi ko sa kaniya pagkalapit ko. Sabay yuko kasi nahihiya ang peg sabay tago ng kilig. Haha
‘’Wala lang. Hehe” napatingin na ako sa kanya. Sabay kamot niya sa batok. Nakita ko yun. Para ngang namula pa siya e. Hindi. Baka ilusyon ko lang yon, atsaka bakit naman siya mamumula? Baka ako pa nga ang mapula e. (__ _’)
“Ah. Hehe. Sige pasok na ako ha?” Wala naman kasi akong alam na sabihin kahit na gusto ko siyang makausap. Nasa tapat narin kasi kami ng room namin, sa kanila naman sa kabila lang. Minutes na lang din kase magsstart na ang klase.
“Ah. Oo sige. GoodMorning ah?” sabi pa niya
“Sige. Good Morning din” Masaya ding bati ko. Kumpleto na naman kasi ang araw ko. :’>
Araw-araw ganito siya, kahit sasabihin niya na laging wala lang lage yung pagtawag niya. Ayus na.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng pigilan niya ako. Bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. At kumaripas siya ng takbo papunta sa room nila. Ako naman eto, naestatwa bigla habang dinadama yung kanang pisngi ko. Nangyari ba talaga yun? >////<
****
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa upuan ko ng tiwasay. Sa araw-araw na pagbati niya sa akin ng Good Morning at pagtawag niya sa pangalan ko, ngayon lang naiba. Kaya nga super kinikilig ako ngayon. >////< At sa mga panahong ganitong kinikilig ako ng bongga kinakaharap ko ang cellphone ko .
Uy! Hindi ako maggroup message, okay? Bukod sa piso na lang ang balance ko, baka eetchusan lang ako ng mga makakareceive.Haha. Isshare ko lang ito sa aking Diary. Diary? Si 8888, kahit kasi wala kang load masesend mo pa din sakaniya, sabay reply niya pa oh. Astig diba? Haha. Halos lahat ng mga nagaganap sa akin alam niya.
Habang kinakalkal ko ang phone ko, napangiti na naman ako, dahil sa mga names sa contacts ko.
Aaa.Akuuu :’>
Aaa.MyLabssKuu <3
Aaa.DiaryKuu
Syempre pinakauna ako, tapos si Duke at syempre si 8888. Haha.
Pumunta na akong create message para maimessage ko na si Diary. Kakaiba kasi ang nangyari ngayon. Haha. Kinikilig pa din ako.
Helloooooooooo DearDiaryyy :D
Masaya na naman ako, plus kinikilig ng bongga. >////< Huu. Diba naman sa araw-araw na pagbati sa akin ni Duke, ngayon lang naiba kasee, kasee, ay naku! Hinalikan niya ako sa pisngi! MyGass. HAHAHHAHAHAHA! Baliw na naman ako, kasi kinikilig ako. Eto na. ThankYouuuu sa pagbasa. Loveyou8888. Mua! Pero, mas mahal ko pa din si Duke. HAHA. Lalo akong naiinlove sa kaniya :’> I Love You Duke Franco :******
“Good Morning Class. ” bigla akong napatingin sa harap dahil andiyan na pala ang teacher namin. Nakuu. Dali dali kong tinago ang phone ko at tumingin sa teacher namin. Mahipar na baka mahuli pa ako. Nagstart na agad siyang maglecture. So, tinggin ng diretso sakanya habang ang isang kamay ko e nagtatap sa phone ko. Issend ko na kase. Haha. Pagsilip ko ulit, Message Sent na. Huu! Ayus na ako. Umayos na ako ng upo at nakinig na.
