Ang Crush kong Gitarista

110 4 3
                                    


Sa tapat ng school may maliit na tindahan pero dumugin ng mga suking studyanteng mahihilig sa musika...

Hi, Im Jenny Torres 18 years old 2nd year College and taking the course of BSHRM., Bali kakatransfer ko palang last semester sa school kung saan nag aaral si Ronnie Villanueva., Paano ko sya nakilala? Tara't basahin na ang maikling kwento tungkol sa Gitarista kong Crush...

1st semester

2nd week of monday na at late nanaman ako 9:00am pasok ko & its 9:15, 15 minutes late kaya eto ako ngayon sa corridor at naki singit ng upo sa isang bench na 3 lang ang kasya,waiting for next subject ang peg ko ngayon eh.

Madami dami ding studyante na nalate din at umupo sa iba pang bench ang ilan naman ay umalis nalang ulit.

Transfer lang ako dito sa school, walang kilala kaya walang maka usap hindi naman kasi ako ganung ka feeling close kaya ayan sa tagal kong tahimik nauhaw ako kaya lumabas ako ng building para bumili ng maiinom.,

Pag labas ko ng building naka kita na agad ako ng tindahan. maliit lang ito pero madaming studyante ang naka tambay doon, siguro ang ilan ay naki silong lang dahil na rin sa tirik ang araw at mainit ang panahon, hindi pa ko nakakalapit sa tindahan pero rinig ko na ang tunog ng gitara at ilang nag kakantahan.

"pa bili po." sabi ko pero mukang di ako narinig nung tindero busy sa pag gigitara kasama yung ibang studyante kaya medyo nilakasan ko ang boses ko

"PA BILI PO" sabi ko ulit at mukang narinig naman ako

"ay ate, pasensya na maiingay kasi kaya di kita narinig, ano yun"

"mag kano po mineral water nyo"

"may 10,15 at 25"

"yung tig 15 nalang po"

pag kaabot sakin nung binili kong tubig agad ko naman itong ininom

"transfer ka lang ba ate" nilingon ko naman yung tindero , maka ate lang eh mas matanda sya sakin

"ah opo, bakit po"

"wala lang natanong lang.hehehe"

"boss pahiram ako ng gitara" sabi nung lalaking bigla nalang umupo sa tabi.may gawang kahoy na upuan kasi dito sa mag kabilang gilid ng tindahan ni manong.

"tol, ano nga ulit yung chord nung tinuro mo sakin kahapon."

"mijor g sharp tapos a.e"

kling*kling*kling* sound ng gitara yan wag kang epal...

maya maya tumugtog na sya, yung mga itinutugtog nya pamilyar sakin kaya minsan pasimpleng napapakanta ako... pero agad din akong napa hinto ng mag salita si manong

"ui kumakanta sya oh."

kainis to si manong kahiya ah... bang ingay ilang studyante sa tindahan nya tuloy napa tingin sakin.

"naku, wag kana mahiya tayo tayo lang din naman ang nandito oh., pati magaling yang gitarista pwede kang mag request dyan."

pag tingin ko kay kuyang nag gigitara nakita kong naka tingin sya sakin at ngumiti bilang bati nya kaya ngumiti din ako at muling iniwas ang tingin

"tol, mag rerequest daw si ate" Ha? pinag sasabi ni tong ni manong nanahimik ako dito eh.

"anong request mo ate" napa tingin naman ako kay kuyang nag gigitara na iniintay ang sagot ko, bwiset kasi tong si manong hindi naman kasi ako mag rerequest eh., pero nakakahiya din namang isnoban ko nalang kaya nag request na ko...

Ang Crush kong GitaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon