16
Rex's POV
"Ayos lang kaya si Jirah?"
"Siguro naman,maayos na siya.Pero bakit parang nagiging aloof siya sa atin?"
"Ewan ko"
"Baka dahil dun sa kanina"
"Siya na din naman ang nag-sabi eh.Let's forget about the rule.Bukas ayos na yan.Hatid na kita sa dorm niyo"
*Dorm*
"Sige,bye Rex"
Habang pauwi ako,iniisip ko LAHAT ng nangyari sa buong araw na ito.
Hayyy Buhayyy..Sana may take 2.
Rule.Kalimutan na daw ang rule.Yun din naman ang hinihintay ko eh.Una ko nang binali iyon.Nauna akong sumira pero nilusutan ko lang at ngayon parang hindi ko na kaya.
Mahal ko siya.Mahal niya din kaya ako?
Mahal niya ako.Mahal ko ba siya?
May maiiwan at may masasaktan.
May lalayo at may iiwas.
J ng buhay ko.Mahalin mo din sana ako.
Jho's POV
"Sorry po mga Ate,ngayon lang ako"pag-kapasok na pag-kapasok ko sa dorm
"Hinatid ka ni Rex?"Ate Fille
"Opo.Saan po pala si Jirah?Ayos na po siya?"
"Andun,nag-papahinga na.Ay Jho,may sakit ba si Jirah?"seryosong tanong ni Ate A
"Sakit?Bakit po?"
"Kanina,namumutla siya tapos halos hindi makahinga.Last few days,napapansin ko na yun pero kanina lang ata yung malala"Ate A
"Wala naman po akong alam na sakit niya eh,pero po nung high school,1 month siyang hindi nakapasok,may sakit daw po pero hindi sinabi yung sakit niya"paliwanag ko
"Mabuti naman kung ganun lang yun.Huwag sanang malala.Kausapin mo bukas ha?"Ate Ly
"Naiiwan kasi"Ate Gretch
"Naiiwan kasi"
"Naiiwan kasi"
"Naiiwan kasi"
Paulit-ulit sa isip ko yang sinabi ni Ate Gretch.Kaya siguro siya nagiging aloof sa amin dahil kami mismo,naiiwan siya..
Haist..Bakit ba kasi?
*Kinabukasan...
"Ji,sabay na tayo papunta sa class natin"
"Hindi ka ihahatid ni Rex?"
"Hindi"
"Oh sige,Besh!Bilisan mo"sigaw niya
"Sinong besh?"
"Besh naman eh,ang aga pa kaya"si Marge?Besh niya?
"Eh kasi,sasabay si Jhoana,so let's go besh?"tapos sabay-sabay na kaming tatlong nag-lalakad
Silence.A deafening silence is surrounding the atmosphere..
"*ehem*May knock-knock ako"Marge
"Knock-knock"
"Who's there?"tanong namin
"Marge Me"
"Marge Me who?"
"I want you to Marge Me,Marge Me,Marge Me again.I want you to hit the pedal heavy metal show me you care.I want you to Marge Me,Marge Me again"
"Nice One!"sabi ko
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHA"tawa ni Ji
"Besh naman eh,bakit mo ako tinatawanan?"
"HAHAHAHAHAHAHA..BESH KASI..HAHAHAHHA..WALEY HAHAHHAHAHA"
"Ayoko na sayo Besh,kay Jhoana na lang ako"tapos yumakap sa akin si Marge
Sumeryoso ang mukha ni Ji
"Lagi niyo naman akong iniiwan eh"sabi niya tapos nauna nang mag-lakad
"Uy Besh naman eh!Biro lang yun.Besh!"tapos hinabol siya ni Marge
At ako?Andito,nakatayo lang,natamaan ako sa sinabi niya.Porke naging blockmates kami ni Rex,minsan nakakalimutan namin siya.
"Jhoana,ayos lang yan"tapos niyakap niya ako
"Rex?Masama ba akong tao?"tanong ko habang pinipigilan ang iyak ko
"Ssshhh..Huwag mong isipin na ganun,maybe nag-tatampo siya dahil sa nangyari.Bayaan na lang muna natin siya"
"Feeling ko,ang sama-sama ko,dahil nagka-gusto ako sayo.Dahil sinira ko yung rule"
"Hindi lang naman ikaw ang sumira ng rule.Ako din mismo,sinira ko ang rule nating tatlo"
"What do you mean?"
Mahal niya ang isa sa amin?Pero sino?Ako ba?o si Jirah?
Rex,sana ako.Sana ako ang mahal mo.