PROLOGO : Minsan sa ating pag-iisa marami tayong mga katanungan sa sarili, sa kapaligiran at kung anu-anong mga bagay dito sa Mundong Ibabaw, masasabe pa rin naten na kahet moderno na ang pamumuhay at ating ginagalawan, meron pa ring mga bagay-bagay na di naten maipaliwanag o di pa nai-explore nang mga matatalinong tao katulad ng mga Scientist. Sa mga readers sana maibigan nyo ang munting kwentong aking ilalahad...
Araw nang sabado na isipan kung mamasyal sa isang mall, taga Pasig ako kaya ang unang naisip ko eh sa Robinsons Galleria pumunta tutal 15mins lang naman mula sa amin. Pagdating ko sa Robinson naglakad-lakad muna ako...ninamnam ko ang makabago at modernong shopping mall na katatayo lang , dahil sya ang kauna-unahang mall na itinayo sa lugar namin bago pa ang SM at Shangri-La Rustans. Ninais ko itong libutin at kamangha-mangha naman talaga sa ganda at desenyo. Marami akong nakakasalubong na tao...mayayaman at mga average income family na abala sa paglilibot at pamimili, napakaraming tao dahil siguro gawa nang October na at malapit na ang Pasko kaya ang mga tao ay abala na sa mga paghahanda at pag-iipon nang pang regalo.
Mga isang oras pa, nakaramdam na ako ng pagod at gutom sa kakaikot at kakatingin sa mga taong nakakasalubong ko, kaka-bored, ala akong magawa kaya minabuti kung pumunta sa food court para kumain tutal di pa ako nakakapag almusal at magtatanghalian na rin naman kaya minabuti ko nang pagsabayin ang brunch (breakfast & lunch) , pagkatapos kumain naglakad-lakad na naman ako, dahil mahilig ako sa mga furnitures at mga antiques pumunta ako sa upper floor nang mall doon makikita ang mga exhibit at display nang ibat-ibang mamahaling mga kasangkapan...walang gaanong tao o mamimili dahil siguro maaga pa at mga alas onse pa lang naman kase ng umaga kaya malaya akong nakapag surfing ng mga magagarbo at mga antigong mga display sa mall. Maya-maya pa ay mayroon akong napansin na napakagandang babae na very familiar sa akin kaso 'di ko matandaan kung saan ko sya laging nakikita medyo naagaw ang pansin ko dito dahil sa kanyang taglay na alindog, sexy at may malulusog na dibdib kung wawariin mo eh almost perfect sa kaganadahan nang isang babae, tama lang ang taas na 5'7, mapupula ang mga lips at pisngi kahit walang make up na nakalagay sa mukha na medyo kulay mais ang buhok, mestisahin ang dating nito na napaka simple lang sa kanyang suot na fitted jeans at plain white shirt na naka heels nang katamtamang taas, ay talaga namang mapapatingin ka sa taglay niyang kagandahan ika nga ... tiningnan ko sya at tumingin naman sya sa akin sabay ngiti na pagsang ayong o pagbati...siguro akala nya bigtime din akong mamimili o ewan ko lang baka feeling ko lang din at ako ay napangiti sa aking sarili sabi ko kaka impress naman feeling gwapo tuloy ako sa mga oras na yun, feeling Richard Gomez ika nga na sa mga panahong iyon ay katanyagan at kasikatan nang actor na yun dahil na rin sa taglay nitong katikasan.
Sa kaka ikot-ikot ko sa furniture area nakita ko ang babae na nagawi sa mga antiques na aparador na kung titingnan at uuriin mo ay di mo mapapansin kung meron tao ba sa area o wala dahil sa mga ang lugar ay natatakpan ng ibat-ibang muebles at furnitures na naglalakihan... Medyo nagtaka lang ako kung bakit mga 15 minutes na eh di pa rin lumalabas yung babae kaya minabuti ko na magpa-simpleng sundan ito, medyo meron kasing kakaibang malisyosong isipan nung umagang iyon gawa nang sa ganda ba naman nun at ngitian ka eh parang hudyat ng pagpapakilala sa bagong kaibigan( kala nyo ha? ). Sinilip ko sya sa kanyang kinatatayuan nakita ko sya na nakatayo at para bang may kinakausap..kaya dahil sa out of curiousity lumapit pa akong bahagya para mapagsino ko kung sino ba ang kanyang kausap dahil nakatayo lamang sya na medyo uneasy...Nung masilat ko ng malapitan, nakita ko ang isang gwapong at mestisuhing lalaki na medyo brownish ang buhok, may matangos na ilong, mapupulang labi at mapupungay na mata na kung pag-mamasdan mo eh kahit lalaki ka pa ay mapapahanga ka sa tikas at kagwapuhang taglay nang kanya mukha...napangiti na lang ako sa sarili ko sa isip ko ay na lovestruck ata si Miss Maganda kaya di nakagalaw at natameme dahil sa kaharap nyang mala-adonis na lalaki sa kagwapuhan sa kanyang kinatatayuan, kaya lalong nadagdagan ang malisyoso kung isipan nung mga oras na yun gawa nang kung meron kang balak na gawin eh pupwede lalo na ang area nung management kung may ari nga yung lalaki na yun eh tago kase display area ng mga exhibitors ng mga furnitures, antiques at kung ano ano pa ang lugar na yun at ang mga nagbabantay ay halos di pa dumarating, naisip ko baka yun ang may-ari ng mga furnitures sa area na yun...so tingin-tingin pa rin ako, pahawak hawak ng mga naka display at patingin-tingin ng mga presyong pagkamamahal... nang meron akong marinig na pigil ang iyak at hagulhol kaya minabuti ko hanapin yun at naririnig ko na may pagmamaka awa yung boses kaya bigla akong kinabahan na di ko mawari naisip ko baka nabagsakan ng muebles yung umiiyak ng paimpit..nilapitan ko pa rin yung boses na naririnig ko at laking gulat ko dahil patungo dun sa babaeng ngumiti sa akin kanina...dagli akong sumilip ulit at nakita kung nakapikit ang babae na impit ang pag-iyak, naglakas loob ako na na kausapin at tanungin ito..."Miss may problema ka ba? Paki alamero na usyusero pa ang dating ko nung oras na yun Tumingin lang sya at sumigaw ng walang boses..."
pls help me..nung sinabi nya yun na alarma ako dagli akong lumapit sa kanya para tanungin kung bakit dahil kaharap naman nya yung lalaki na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata at mukhang galit na nakatingin sa akin, yung mukhang anghel napalitan bigla ng mukhang ewan na di mo mawari – pwede mong sabihin naging mukhang demonyo gawa ng facial expression nya, tinanong ko kung bakit at kinausap ko rin yung lalaki nang biglang may humpas sa katawan ko na malakas pero malambot at madulas na bagay... napabalya ang katawan ko dun sa antic na aparador at kitang kita ko na may buntot nang tila malaking sawa na gumagalaw..napasigaw ako ng GUARD at yung babae ay napatili na nang malakas kaya may dalawang sales lady na lumapit pero yung isa ay biglang nahimatay dahil siguro kanyang nakita na di inaasahan at ang isa ay natigagal... nataranta ang lalaki at bumitaw sa pagkaka yapos dun sa babaeng sinusundan ko kanina, pero laking gulat ko gawa nang meron buntot nang malaking sawa na nakapulupot sa kanyang bewang...nung tingnan ko kung saan ang karugtong nun gawa nang wala akong nakitang ulo ng sawa halos napahiyaw ako sa takot at pagkabigla, napa atras ako dahil yung buntot nang sawa eh hanggang bewang nung lalaking mestiso ang pagkakatingin ko at nanghilakbot ako sa naka-long sleeve na lalaki pero ang kalahati nang katawan ay nakalingkis pa sa katawan nang babae...nagulat din sya nung naglakas-loob akong hiklasin ang babae upang maagaw sa pagkakapulupot ng taong ahas. Sabi ko sa sarili ko eh bahala na ikamo sabay sigaw ng GUARD! – sa pagkagulat nung lalaki bigla syang napakalas dun sa babae at nakita ko talaga na wala syang hita at paa kundi buntot nang SAWA ang aking nabungaran at di nya rin alam kung ano ang kanyang gagawin nung hiniklas ko sa kanya ang babae na ngayon ay malakas nang nagtitili at nagsisisigaw gawa siguro nang pagsigaw ko ng GUARD – na sumabay pa ang isang sales lady sa pagtili na lumapit sa amin kaso sa pagkagulat at takot na rin bigla itong nahimatay at napansin naming biglang nawala ang kaharap naming lalaking na ang kalahating katawan ay ahas.
Dumating ang mga guard dahil sa sigaw ko at tili ng babae, kasama ang isang supervisor nang department store, dinala kami sa opisina at masinsinan kaming kinausap na dalawa nang admin....Sa takbo ng pag uusap namin at nang pamunuan, alam nila ang nangyari at pangyayari dahil napapanood nila sa video camera surveillance nang mall...marami akong katanungan sa mga kaharap ko nung mga oras na yun pero ninais ko na lang na manahimik kahit na nagkakatinginan kami nung magandang babae nang palihim na may halong pagtatanong at pagtataka pero walang namumutawing mga salitang lumalabas sa aming mga bibig, maraming ipinaliwanag at mga inalok sa amin ang administrasyun nung mall para di na makalabas sa publiko at media ang kwento at pangyayari, dahil sa ako naman ay edukado at pribado ang buhay kaya sumang ayun na lang ako sa kanila at binigyan ako ng mga pribilehiyo nang kanilang kumpanya at sa lahat ng mga sangay nito ganun din sa babaeng nailigtas ko sa kapahamakan.
Dun ko napag alaman na ang babae ay isang commercial model nang shampoo kaya pamilyar ang mukha nya sa akin at meron panaka-nakang mga guestings sa TV, isa syang Fil – Am na sumali sa Binibining Pilipinas na patimpalak kaya nung umiyak sya at humagolhol sa aking balikat parang feeling ko "I am the knight and shining armour nitong babae, kaya lang impossible mga kabayan ok na yun naging magkaibigan naman kami at ang kanyang pamilya at malaya akong nakakalabas masok sa kanilang bakuran dahil nasa unahan lang din naman sila nang Pasig naninirahan...pagkalipas ng isang taon bumalik ang magandang babae sa America at ako naman ay patuloy pa rin ang takbo nang buhay , kaya pag napapa nood ko ang kanyang commercial na shampoo at sabay sasabihin nyang "I CAN FEEL IT ! feeling ko para sa akin yun..
WAKAS...
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG ISANG TAONG AHAS
FanfictionIsang kwentong hango sa tunay na pangyayari tungkol sa isang hindi maipaliwanag na nilalang na kalahating tao at kalahating ahas..