Chapter 1

2 0 0
                                    

"Alex, tara na't mahuhuli na tayo sa school!!!" Sigaw ni Jessica, ang aking kaibigan since Grade 1.

"Ano ba Jessica, eto na oh. Di mo ba nakikita, nag susuklay na lang. Ang aga aga pa girl!" Biglang kumunot ang noo niya at napatingin sa kanyang orasan.

"Ay bwiset! 6:30 am palang? Akala ko 7 na, advance kasi itong relo niyo. Pati tuloy utak ko na-aadvance." Sabay ang kanyang tawa. Nako, kung hindi ko lang ito kaibigan. Pinaalis ko na 'to sa bahay!

Sabay kaming bumaba para makaalis na kami at pumunta sa school.

"Aless, Jessica, halina't kumain na kayo. Pinaghain ko kayo para di kayo magutom habang nag kklase." Sabi ni mommy saamin dalawa ni Jessica.

"Ay nako Tita, nag mamadali po kasi kami ni Alex. Kasi po malapit na din po kami ma-late eh, sorry po talaga Tita." Sabay yuko niya kay Mommy.

"Nako, mommy. Aalis na kasi kami, sorry talaga. We'll make it up to you next time ha? Libre ko!" Sabay ang pag taas ng mukha ni Jessica,

"Libre? YOWN." kahit kailan talaga ito si Jessica, puro pagkain eh!

"Oh siya siya, sabihin niyo sa driver na aalis na kayo at ihatid sa school. Ingat at have fun kayo Aless at Jessica!" Sabay kumaway & humalik kami para mag paalam.

Day 1 - Stanford University

Madaming new students dito ah? Parehas kami ni Jess nag katinginan at lumibot ang aming tingin sa bawat sulok ng school. Hay, nakakamiss din pala ito. Madaming bagong mag aaral at puro sila mas nakakabata saamin. Kami ay Third Year Highschool palang. Since mag kaklase kami ni Jess, sabay kaming pumasok sa room.

Madami nang tao, pero new students ito. Konti lamang ang nakikilala ko dito. Pero, mukhang nag kakasundo na ang ibang new students, yung iba naman hindi namin close kaya di kami maka-lapit para makipag-usap sakanila.

"Alex, sa tingin mo. Makakasundo kaya natin yung mga kaklase natin?" Nagulat ako biglang nag salita si Jessica sa tabi ko.

Oo nga noh? Makakasundo kaya namin sila? Sabi ko sa aking isipan.

"Siguro naman oo, since madami naman tayong kakilala dito pero di lang natin sila close. Hindi ba-" natigilan ako ng biglang dumaan ang ex ko. Si Keenen McDizz.

Isa siya kilala bilang cassanova, and yes. Nasama niya ako dun sa mga babaeng lolokohin niya.

2 years ago..
"Babe, asan ka na? Nag aalala na ako sayo, di ka na tumatawag saakin." Sabi ko sakanya habang hinihingal.

[Alex, sorry. Hindi ako nag paparamdam sayo these past few weeks. Busy kasi ako sa tournament namin eh.]

"Tournament nanaman Keenen?! Hindi mo ba iniisip yung taong nag aalala sayo sa paligid mo? Ano, pagod ka na? Ano, sabihin mo!" Naiiyak kong sabi. Bwiset siya.

[Gusto mo malaman yung totoo? Oo, pagod na ako Alex! Bakit ganun, ako yung laging nag eeffort dito? Hindi mo ba napapansin yun Alex? Ang dami nang nakakapansin sa paligid natin! Ikaw? Manhid ka kasi Alex, MANHID.]

Hindi ko na kaya, naiiyak na talaga ako sa mga sinasabi niya. Bakit ganun? Ganun ba talaga ka-unfair ang buhay? Purkit ba hindi ko lang napapansin MANHID na agad? Grabe naman judgemental ng mga tao.

"Tama na Keenen, tama na. Di ko na kaya marinig yang mga sinasabi mo.. Sorry kung feeling mo ang manhid ko para sayo. Sorry kasi hindi ako nag eeffort sa relasyon natin. Sorry na talaga sa lahat ng bagay na naiinis kasaakin. Hindi lang naman ako aware kasi hindi ka nag sasabi at nag paparamdam. Ano, pagod ka na? Ano, may bago ka na? Sabihin mo saakin, hindi ako magagalit. Seryoso... Hindi talaga.." Bumigay na ako, umiyak na ako ng sobra sobra. Hanggang sa hindi ko namalayan, binabaan na pala ako ni Keenen ng telepono.

Present time
Nag katinginan kami ni Keenen.. Ako ang unang umiwas, at dinaanan niya lang ako like nothing happened to us. Umaasa ako na kakausapin niya ako para kami na lang ulit. Kaso hindi eh, mas masakit pa sa nararamdaman ko yung nakita ko.

May kasama siya ibang babae, kaholding hands niya pa. At mukha talaga silang masaya sa relasyon nila.

Eh saabi ko dati.. Kung mahal mo, habulin mo. Hilahin mo hanggat kaya mo, wag kang susuko, wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh. Syempre ayoko pumayag.. Ayoko pumayag na pakawalan siya. Kung may bago siya, wala na naman akong laban dun. Kasi pag gusto mo maraming paraan. Kung hindi ka na niya mahal, edi hindi na.

"Uy Alex, tara na. Andyan na yung teacher natin." Bigla akong nagising sa katotohanan.
"Sige, tara na. Sorry na tulala lang ako." Smiled bitterly.
"Tulala? Ang tagal mong natulala ah, mga 30 mins girl!" Hay, buti na papatawa ako ng babaeng ito sa loob ng 2 years na iniwan niya ako..

*KRRRIIIIIINNNNGGGGG*

Okay tapos na first day of school at wala akong natutunan ngayong araw.

"Aless, saan mo gusto pumunta today? Pinayagan kasi ako ni mommy ngayon umalis eh." Nagulat ako bigla nag salita si Jessica habang nag lalakad kami papuntang canteen.

"Kahit saan Charlotte, gusto mo shopp-"

"Anong Charlotte, Aless? Kadiri! Don't you even dare call me Charlotte. Pang babae masyado!" Ay ang arte naman ne'to ni Jessica. Sampalin ko ito eh, hehe joke lang.

"Joke lang Charl- este Jessica! Tara shopping na lang tayo? Pampalipas sama ng loob. Himala kasi eh, pinayagan kang umalis ng mom mo!" Pyew! Palusot ko hahahaha..

"Sige na nga Alessandra Bianca, as you say so."




It's SHOPPING TIMEEEEE!!!!




"Aless, anong gusto mo dito? Etong dress o yung skirt?" Tanong saakin ni Jessica..

"I prefer the skirt one, so kawaii! Japan skirt is life girl!" Sabay apir namin ni Jessica

Dinala na namin ni Jessica yung mga dala naming damit ng biglang..

*BLLLAAAAAGGGGG*

Aray ko pooooo! Ang sakit. Nauntog yung ulo ko sa pader, sino ba kasi gumawa nun?! Nakakaasar naman oh!

"Aba, ayos ka din ano? Hindi mo ba tinitignan yung dinadaanan mo?" Tinaas ko ang tingin ko ng biglang..

Ang gwapo.. Sabi ko sa isip ko. Totally, he's really hot! Erase erase, may kasalanan ang taong 'to sayo.

"What now Miss? Why are you staring at my face, what's wrong? Look, I'm sorry if I didn't see-"

"Teka teka. First of all, okay lang saakin! Tsaka ako din naman may kasalanan eh. Sorry! Bye!" Need to go out to this incident!

Eh ang pogi ni Koya!!! Di ko kinaya mga teh!!!! Pero.. Asan na nga ba yun si Charlotte? Nawawala nanaman eh.

"Ateng Aless, tara na? Asan ka ba kasi nag punta?" Maka- Ateng itong babaeng 'to?!

"Tara na, MANANG CHARLOTTE. Uwi na tayo!" Sabay takbo ko. Baka mamaya kasi eh, batukan ako ng babaeng yun sa harap ng madaming tao.


























___________________________

Done with the first chapter.

Please vote & comment.. If u want to!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon