Sa may Tambakan 2

809 0 0
                                    

CHAPTER 2:

                Alas- syete na ng umaga ng marating nila ang tambakan, sa malayo ay tila ito bundok ng basura. Umaalingawngaw sa paligid ang nakakasulasok na amoy ng pinagsama samang bulok na pagkain, patay na hayop singaw ng pinagsama samang kemikal at dumi ng tao. Sa unang tingin ay tila isang impyerno ang lugar na iyon ngunit sa mga mata ng ma mangangalakal ay isa itong naturang langit. Ang lahat ay may tangan tangang sako habang hawak sa isang kamay ang isang stick na may matulis na metal sa dulo nito upang gawing pantusok sa mga basurang pwedeng pakinabangan. Lahat ay di alintana ang init ng araw at ang iba ay kapwa pa nakayapak  at taimtim na hinihintay ang mga anghel na darating na magbibigay sa kanila ng mga biyaya.

                Sa pagmamasid ni Kevin ay nakita niya ang isang matandang humigit kumulang ay may edad na sitenta. Nakasalampak ito sa may lilim na puno na tahimik na sinisilip ang dala nitong sako. May laman itong kaunting maliliit na bote ng mineral water at mga maliliit na kalawanging bakal na marahil ay nakuha nito sa may tambakan ng mas maaga . Nasa ganitong kalagayan siya ng marinig niya ang mga sigaw at ugong ng mga sasakyan paparating sa kanilang dako.

                Agad na nagtakbuhan ang mga mangangalakal ng basura sa truck, walang lingong likod ay gad na narating at paroroonan at saka sari sariling kuha ng kalakal. Ang mga bata ay nangunyapit pa sa truck na umaandar na kapwa may ngiti pa sa mga labi. Napamura pa sa galit ang drayber dahil sa mga ito. Siya naman at nakitakbo na rin , Si Albert na nooy abala sa pang aasar kay Boknoy ay nagulat at agad ding tumakbo sa pinagpipiyestahang truck upang tulungan ang kanyang kaibigan. 

                Mabilis ang mga pangyayari, mahigit lamang ang dalawampung minuto ay naubos agad ang mga mahahalagang basura na itinamanbak ng truck. Si Kevin at Albert naman ay masayang masaya sapagkat mabilis nilang napuno ng mga kalakal ang mga sakong tangan niya nitong umaga. Makalipas pa ang humigit tatlong oras ay nagpasya na silang umuwi at ipalit ang mga ito sa may junkshop ni Aling Maring na malapit sa kanilang barong barong. Sa kabila ng pawis at pagod ay masayang masaya pa silang nagkukwentuhan palayo ng tambakan.

                Sa pag alis niya ay natanaw niya sa di kalayuan ang matanda na kanina’y nakita niya sa may lilim puno. Matiyaga itong nagbubungkal ng basura. Napansin niya ang dala nitong sako na noo'y ni hindi man lamang nadagdagan simula pa kanina. Pinagmasdan niya ang mukha matanda at walang ano ano ay  nakita niya sa mukha nito ang mukha ng kaniyang pumanaw na ina. Mukha ng pagsisikap sa kabila ng kahirapan, mukha ng kahinahunan, mukha ng pagtitiyaga at tiwala mukha na kailanman ay hindi niya makakalimutan sapagkat ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon upang magpatuloy sa buhay.

              Marahan siyang naglakad sa direksyon ng matanda, dala ang dalawang sako na puno ng basurang kalakal, Pakaraay marahan niyang hinawakan ang kanang kamay ng matanda. Iniabot niya ang dalawang sako at pagkatapos ay dagliang yumuko at saka maluha luhang tumalikod pabalik sa kinatatayuan ng kaibigan. Narinig niya ang taimtim na pagpapasalamat ng matanda, itinaas niya ang kanyang kamay bilang tanda ng pagsang ayon.

                Pagbalik ni Kevin ay nakita niya  si Albert na nakangiti sa kanya. Ngiti na dulot ng paghanga sa kaibigan. Iniabot nito ang kanang kamay nito bilang isang ng pagbati.

                “Isa kang tunay na tao kaibigan!” saad no Albert

                Napangiti Siya.At umakbay dito at masayang nilisan ang dakong yaon sa may tambakan.

Chapter 3 will be posted after 3 days. For more info.

Add me on facebook: https://www.facebook.com/midnytpantom

Follow me on twitter : https://twitter.com/Im_midnyt

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa may TambakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon