Chapter 1: Morning!

52 2 5
                                    

Patrice's POV

"Hoy Patrice tulog ng tulog kaya ang taba eh. Hahayaan nalang kitang matulog diyan para malate ka tapos akin na tong breakfast mo. Sinigang pa naman. Mmm, sarap!" Sigaw ni Kuya William mula sa baba.

"Hahahahahahahahahaha!" Narinig kong nagtatawanan  sila Kuya Kris at Kuya Nick. Trip nanaman nila ako.

"Hoy Kuya ang takaw takaw mo talaga." Sagot ko. Kanina pa talaga ako tapos maligo, ayaw ko lang talagang bumaba.

"Kaya nga magready kana tapos bumaba ka na dito!" Sabat ni Kuya Kris.  Hay nako makababa na nga. 

"Kris hayaan mo na siya matulog para makain natin yung pagkain niya." Natatawang sabi ni Kuya Nick. Silang tatlo, hindi na sila gumagamit ng "kuya" kahit mas matanda ang isa, parang magtotropa ang turingan ng mga yan eh. 

"Baba na kasi Patrice, baka ma-late ka pa. That won't give your teacher a good impression on you." Sabi ni Mama. 

Bumaba na ako dala ang bag ko. Nakita ko sila Mama at Papa tsaka sila kuya na kumakain. Sus, si Kuya William di pa pala naliligo kung makasabi na magready na ako. 

"Kain na anak." Sabi ni Papa. Umupo na ako para kumain. Uy, ang sarap ng ulam, sinigang na baboy! 

"Hoy ano yan, bat nakaligo ka na? Diba kakagising mo lang?" Sabi ni Kuya William.

"Mabilis ako kumilos, ikaw mabagal, pagong forever." Sagot ko nalang. Ayun tinitigan ako ng ganto itsura -_- 

Sinimulan ko nang kumain habang nakikinig sa usapan nila. 

"Mga anak, panibagong school year na naman." Pormal na panimula ni Papa.

"Pa, alam mo naman, matalino ako kaya di ako kailanman mahihirapan sa studies ko. At, ehem, gumagwapo rin ako lalo." Sabi ni Kuya Nick.  

"Hay nako anak, napaka hangin mo talaga." 

"Noong grade 6 ka nga, hindi ka marunong mag-save ng document sa MS Word! Hahahahaha!" Ani Kuya Kris. Oops, nabulgar ang katangahan ng kuya mo!  

"Syempre Pa, kanino magmamana yan." Natatawang sabi ni Kuya William.

"Sayo! Ikaw ang sinundan ni Nick eh." Sagot ni Papa. Napapatawa nalang kami sa mga pinagsasabi nila. Hay nako mga mag-aama! Mga mahahangin naman pare-pareho! Hahahaha. Buti pa ako, hindi. 

"Ikaw Pat? Constipated ka na ata. Ayaw mo magsalita." Sabi ni Kuya Kris. 

"Ikaw Kuya? Nagmumultiply na mga pimples mo ah?" Pang-aasar ko naman. May pimple kasi sa kaliwang pisngi, malaki pa naman. 

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na si Kuya William sa banyo para maligo. Tss, tingnan mo, ang bagal pa niyan kumilos. Ganyan yan eh. Buti pa sila Kuya Kristoff tapos na maligo. 

"By the way, I forgot to tell you something guys. We're going to Cebu today, maaga ang flight namin. Mag-sistay kami dun for 3 months kasi nandun yung project na inaccept namin ng Mama nyo. So be good." Sabi ni Papa.

"Iniwan na namin ang allowance nyo sa cabinet sa kwarto namin, good for one month yon. Magpapadala na lang kami kung kailangan. Kris ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Ayusin niyo ang buhay niyo." Si Mama.

"Opo." Sabay sabay naming sabi. 

"Sabihin nyo nalang kay William yung tungkol sa mga sinabi ko." Si Papa. Nag-wave na si Mama at Papa at lumabas na sila.

"Bye!" Pahabol naming sabi nila Kuya.

"Hoy, Nick at Pat tapos na ba kayo?" Sabi ni Kuya Kris. 

"Yes Kuya." 

"Una na ako sa labas." Sabi ni Kuya Nick. Tinanguan lang siya ni Kuya Kris.

Nilabas ko yung phone ko at nag-instagram muna ako. Nagbrowse lang ako nang nagbrowse.

"Hoy Pat wala ka pa bang balak umalis dyan sa upuan? Lumabas ka na kaya." sabi ni Kuya William. Wow bumaba na pala siya.

"Okay!" Sumaludo pa ako bago lumabas. Pagtapak na pagtapak ko sa labas ng bahay, naramdaman kong parang may natapakan akong malambot. Squishy ang dating, tapos ang baho. Nako masama kutob ko dito ah.

"HOY SINO NAGLAGAY NG TAE DITO?!!" Shit, tae! Umagang umaga ganto mangyayari sakin! Ang baho ng sapatos ko! Hugasan ko na nga! Di bale, magagantihan ko din sila mamaya. 

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Kuya William, si Kuya Kris naman tumakbo palabas sa kabilang pintuan habang tumatawa. Panigurado kay Kuya Kris na plano to! 

"Letse ka Kuya!" Sigaw ko pa kay Kuya Kris.

"Hoy Kuya William, alam kong magkakasabwat nanaman kayo sa pangtitrip sakin. Kaya ngayon, hubarin mo tong sapatos ko at hugasan mo!" Puro sigaw ako ngayong umaga ah.

"Ayoko nga hahahahaha bilisan mo dyan at sumakay kana sa motor. Ayokong maamoy yan kaya  Hugasan mo mabuti para di mangamoy!" Bwiset sila!


~~~~~~~




The Unexpected Guy: Highschool lifeWhere stories live. Discover now